Chapter XIV: New Buddy

97 4 0
                                    

Dione’s POV

Dini- dribble ko yung basketball habang papunta sa bahay nila Ty. Yayain kong magbasketball ang loko para hindi na sya magmukmok pa dun sa loob ng kwarto nya. Kahapon kasi, pinuntahan ako nun sa bahay at binalita sakin ang pag- aaway nila ni Pepper at nakipag cool off daw. Cool off, cool off pa.. break na dapat! Pero hindi ko naman alam ang dahilan nilang dalawa, walang sinabi sakin si Tyron. Pero kahit na loko loko ‘tong kaibigan ko, alam kong nasaktan talaga sya sa nangyari. Mahal nya kaya yun si Pepper.

“Hi, te Tony!” sabi ko nung makita ko syang palabas ng bahay nila.

“Dione!” lumapit sya sakin at niyakap ako.

“Ang aga mo namang pumasok?” tanong ko.

“Madami lang gagawin.” Sagot nya tapos tumingin sa bahay nila, “Break na daw sila nung girlfriend nya?” pabulong na tanong ni ate Tony.

“Di pa daw. Cool off lang daw.” Sabi ko. Paniguradong medyo natutuwa ‘tong si ate Tony, ayaw nya kasi kay Pepper e.

“Sus! Cool off lang pala, kung makaarte si Kuya akala mo, nagbreak na.” naiinis na sabi ni ate Tony. Tumawa na lang ako. Tumingin sya sa wrist watch nya.. “Naku! Malelate nako, Dione.. si Ty nasa kwarto pa nya, kahapon pa di nalabas. Kausapin mo ha. Kahit kasi si Mama at Tintin ayaw papasukin sa kwarto nya.” Daredaretsong sabi ni ate Tony at nagbabye na sakin.

“Sige! Ako nang bahala!” sabi ko nung malayo na sya.

“Ang sexy mo pala dyan sa suot mo!!” habol pa ni ate Tony. Napatingin naman ako sa sarili ko, nakajersey shorts akong malaki at fit na sando. Nakaupo kasi si Lola sa labas nung paalis ako e. Pumasok nako sa bahay nila. Nakita ako ni Tita.

“Good morning po.” Bati ko.

“Oh, Dione.. good morning din.” Sabi ni Tita at lumapit sakin. “Kausapin mo naman si Tyron. Ayaw pa kasing lumabas ng kwarto nya.” Pakiusap nya.

“Ako na pong bahala. Yakang yaka ko po sya!” sabi ko.

“Sige. Pababain mo na para makakain. Gutom na gutom na siguro yun.” Ngumiti lang ako at umakyat na, “Sya nga pala, ang cute mo dyan sa suot mong yan.” Sabi pa ni Tita. Ngumiti na lang ako. Kanina sexy, ngayon cute. Dapat pala di na ito ang sinuot ko. Nagsisisi nako. Kumatok ako sa kwarto ni Ty kasi nakalock. Nilakasan ko at nagsisigaw  pa ako para buksan nya.  Maya maya, binuksan naman nya.

“Oh, Dino?” sabi nya na halatang bagong gising.

“Hey, BH! Magbihis ka na at maglalaro tayo ng basketball.” Sabi ko at pumasok sa kwarto nya. Humiga ulit sya sa  kama. “Hoy! Tumayo ka nga dyan! Di bagay sa’yo magmukmok. Para kang bading!”

"Ayokong lumabas.” Sabi nya na nakatungo sa unan nya. Kinuha ko yung  kumot  nya at pati yung mga unan. “Dino! Anu ba!? Sabing ayokong lumabas!”

“Gusto mong makalimot saglit? Halika! Maglaro tayo. Promise! Makakalimot ka. Para mabawas bawasan yang kadramahan mo. Lika na! Sumunod ka ah!” naglakad nako palabas ng kwarto nya, “Pag hindi ka sumunod, patay ka sakin!”

       Nagpaalam nako kay Tita na mauuna nakong umalis at paniguradong lalabas na si Ty para sumunod sakin. Pagdating ko sa court, walang katao tao. Buti na lang.

“OY!” napalingon naman ako sa tumawag. Si William pala, kasama pa si Wendy na may buhat na maliit na shitzu. Hinintay ko silang makalapit.

“Hi, Dino! Mag- isa ka  lang?” tanong ni Wendy. Tumango ako, “Ba’t di mo kasama si Tyron?” sabi ko na nga ba, type neto si Ty  e.

“Susunod yun maya maya.” Sabi ko.

"Marunong ka?” tanong ni William na nakatingin sa hawak kong bola.

No Match for a GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon