I’m distracted.
Very distracted.
Kaninang umaga pa kasi ayaw bitawan ni Dino ang phone nya. Naiisip ko na si William yun. Minsan, ngumingiti si Dino sa di malamang dahilan. Minsan tumatawa ng malakas. Ano kayang pinaguusapan nila ni William? Hindi naman palatext si Dino e! Bakit ngayon parang text girl na sya? Bakit kay William pa?
“peram nga!” inagaw ko yung phone ni Dino nung hindi na nya masyadong ginagamit. “palaro ako.” In- open ko agad yung Flow Free.
“pag may nagtext, bigay mo agad sakin.” sabi ni Dino. Hindi na ako sumagot. Naglaro lang ako ng isa tapos binuksan ko ang messages nya.
Wala namang kwenta pinaguusapan nila! Puro basketball, ginagaso nila yung mga players ng NBA. Bakit pinapatulan pa ni Dino ‘to? Naiinis ako.Tiningnan ko muna si Dino, hindi sya nakatingin kaya pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Bago yung sa NBA players, pinaguusapan din nila si Wendy. Nagulat ako sa sunod kong nakita..
Paano kayo nagkakilala ni Tyron? Tanong ni William.
Sa school. Trinopa nila ako eh. Sagot ni Dino.
May girlfriend yun diba? Si William ulit.
Break na nga eh. :( Hanggang ngayon hindi pa nya sinasabi sakin kung bakit.. naghihinala na ako. Reply ni Dino.
Anong hinila mo? From William.
Parang tungkol sakin yung pinagawayan nila. Kaya siguro ayaw sabihin sakin ni Ty.
That’s possible. Baka pinagselosan ka nung gf nya.
Dati naman kasi ayos lang kay Pepper na magbestfriend kami ni Ty e. Di yun nagseselos.
Ask him the reason, hindi yung naguguluhan ka sa kakaisip.
Sige sige. Hahanap ako ng timing.
Iniba ni William yung topic nila. Sabi ko na nga ba may hinala na si Dino. Babae padin kasi sya. Di ko alam na naguguluhan na sya. Hindi ko alam na ganun ang nararamdaman nya. I closed the messages. I looked at Dino, who’s chewing a gum. Napatingin sya sakin. Ngumiti saglit.
“may nagtext?” tanong nya.
“w- wala pa.” sabi ko. She looked away. I stared at her for longer, parang may iniisip sya. Iniisip nya kaya yung dahilan kung bakit kami nagbreak ni Pepper? Nahihirapan na kaya sya? Katulad ko? Kahit gaano ko gustong sabihin sa kanya ang totoong nangyari, I can’t afford to lose her. Di ko kakayanin.
The truth?
That I realized just now..
I wanted to be with her now than Pepper.
***
Kahit nagkaklase kami todo text si Dino. Minsan, imbis na makinig ako, kinakausap ko ang sarili ko na wag madistract at focus lang sa tinuturo ng prof. Pero the more na pinipigilan ko, the more ko napapansin. Sa bawat ngiti ni Dino, feeling ko mas nagiging close sila ni William. Yung fact pa nga lang na nagkakatext sila ni William, badtrip na badtrip na ako, eh napapatawa pa ni William si Dino? Sapakin ko kaya yung lalaking yun!
Wala ako sa mood hanggang sa paguwi ko sa bahay. Hindi ko alam na ganun na pala ako katahimik at ang lalim ng iniisip. Kung hindi pa ako napansin ni Mama, baka nalunod na ako sa kakaisip. Nakita ko na naman ang pag- aalala sa mga mata ni Mama.
Pinangako ko na bukas pagkagising ko, hindi na ako ganito.
***
Nagsisimula pa lang magkaroon ng yellow ang langit nung umalis ako sa bahay. Nagtext sakin si Dino na nauna na sya sa court. Naiisip ko naman agad na magkasama na sila ni William, pero pinigilan kong hindi mabadtrip ng ganitong kaaga. Gaganti na lang ako mamaya sa laro namin. Makikita nya.