Chapter XVII: At this Moment.. I'm a Lady

78 5 0
                                    

Dione’s POV

Ano ba kasing problema nila? Nakita lang nila na nakasuot ako ng gown akala mo naging ibang tao nako. Wala naman kasi akong nagawa dahil kay Lola. Badtrip na nga ako nung pinasuot sakin ‘to.. naging mas badtrip pa ko nung pagdating ko sa school, naging center of attraction pa ako. Para akong naging isang alien nung mga oras na yun.  Pasalamat lang talaga ako kay Ty dahil dumating sya para ilayo ako dun sa pwestong yun.

Sobra nakong napuno at sumagad na ang  pagkainis ko nung hindi nila ako makausap at ayaw nila akong tingnan. Akala ko nung una, wala lang.. dahil mga Freshmen palang kami. Syempre, nagkakahiyaan.. pero sila Nick, DJ at Ty? Grabe! Parang hindi nila ako kilala. Pag tinatanong ko, sasagot pero matipid at parang hindi pa ako ang kausap dahil sa malayo nakatingin. Sino bang di mapupuno dun!? Akala ko pa naman dadamayan nila ako dahil ganito ang nangyari sakin, nag- extend pa ng stay ang magaling kong Lola tapos kailangan ko pang isuot ‘tong gown na’to! Buti na lang talaga e nagpalit ako ng sneakers bago ako umalis sa bahay. Kasi nakatakbo ako palayo sa lugar na yun.

Palayo sa lugar kung saan ang tingin nila sakin ay ibang tao…

Naglakad lang ako pauwi dahil ayokong sumakay ng jeep. At dahil din walang jeep. Ayoko namang magtrike dahil mahal masyado hanggang samin. Yung mga naunang meters, tinakbo ko dahil baka mahabol ako ni Ty, pero nung napagod nako nilakad ko na. Malapit na naman ako samin e. Tsaka pag umuwi ako ng maaga, magtataka sila Moms dahil hanggang mid- night pa yung Victory party. Panay ang ring ng phone ko kaya pinatay ko muna.

Past 9 pa lang. Masyado pang maaga. Saan kaya ako mags- stay? Naisip ko na sa court na lang ako mag- stay. Meron namang shed dun at madaming ilaw kaya hindi nakakatakot. Medyo nananakit nadin ang paa ko. Hayy. Sana na lang talaga hindi nako pumunta, sana pumayag na lang ako na bawiin yung points nung Best in Sportswear.. 20 points lang naman yun e. Pero naisip ko naman yung team ko. baka makulelat kami.

“hoy!” napatingala ako sa sumigaw. Nakatungo kasi ako habang naglalakad. Shit. Si William! Nagtatakbo ako palayo. Kainis! Ayokong may makakita saking iba na ganito ang itsura ko, baka ganun din ang gawin nya. Akalain nya na alien ako.

Nagtago ako sa likod ng puno ng balete. Medyo madilim dito kaya baka hindi nya ako makita. I looked up. Feeling ko may kung anong something sa taas ng puno. Ka- kapre?! “lumabas ka na dyan, Dione! Nakita na kita.” narinig ko ang boses ni William, pero hindi padin ako lumabas, “kita ko dito yang pink mong dress oh. Lumabas ka na, buking na buking ka na.” sabi pa nya. I sighed. Wala naman akong magagawa. Lumabas nako. Sumimangot pa ako nun at kinamot ang ulo ko. “wow ha! Ang ganda mo pala pag nabihisan.” Kahit madilim nakita ko pading nakangiti sya. Dahan dahan akong nalakad papalapit sa kanya.

“I had enough this night. Wag mo ng dagdagag--” Paghakbang ko, bigla akong natalisod.

“OOH!!” nahawakan ni William sa bewang kaya di natuloy ang pag-subsob ko sa lupa. Pag lingon namin parehas, may malaking ugat pala dun na nakalabas at wala sa ilalim ng lupa. Di ko napansin dahil madilim. “mag- iingat kasi!” naiinis na sabi ni William and he helped me up. “hindi excuse na nakagown ka at partner ang sneakers para maging lampa.” Natatawa naman nyang sabi. Napangiti nya ako. “you mind a drink..?” tinaasan ko lang sya ng kilay, pero ngumiti ako.

***

                Dahan dahan kaming pumasok sa apartment nila. May group project daw sila kaya ginabi sya at sakto namang nakita nya agad ako nung pauwi na sya.

“walang halong biro, ang cute cute mo tingnan dyan sa outfit mo..” nang- aasar na sabi ni William. Di ko alam kung dapat ba akong matuwa o ano!? Feeling ko compliment yun at the same time insult. Siniringan ko lang sya. Pero di ko alam kung bakit parang ang init ng mukha ko. May lagnat kaya ako? Hindi naman masama ang pakiramdam ko.

No Match for a GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon