Chapter XXI: Can't Take My Eyes Off Of Her.

78 4 0
                                        

“Kuya..” narinig kong tawag ni Mama nung palabas nako ng bahay.

“bakit po?” tanong ko at sinilip sya. Huminto sya sa ginagawa nya at tiningnan ako ng matagal. Nagtaka naman ako sa kinilos nya kaya lumapit na ako, “Ma, bakit po? May problema ba?” Umiling sya at ngumiti. Nilapag ko yung bag ko sa lamesa at lumapit pa sa kanya.

“okay na ba kayo ni Dino?” Tanong ni Mama.

“opo, Ma.” Sabi ko. Bigla akong bumuntong hininga sa di malamang dahilan. Hinawakan ni Mama ang kamay ko at ngumiti ulit. Ang gaspang na ng kamay ni Mama, pero mainit padin. Eto yung kamay na mararamdaman mong magiging ayos ang lahat sa konting haplos lang.

“may bago  sa mga kinikilos mo, Kuya.. nararamdaman ko. May nangyayari ba sa’yo?”

“medyo madami lang pong iniisip. Wag po kayong magworry. Kaya ko po ‘to.” I kissed her temple and hugged her lightly. “puntahan ko na po si Dino.” Tumango si Mama tapos kinuha ko na ulit yung bag ko at umalis na.

                Sa school, kung dati madaming interesado kay Dino, mas madami  ngayon. Kung dati, normal na student lang ako, ngayon may natatanggap na akong kakaibang tingin galing sa ibang tao. Tinap ni Dino ang balikat ko tapos umiling. Wag ko na lang daw pansinin.

“punta muna ako sa CR.” Sabi ni Dino. Tumango ako at tumabi sa isang gilid para intayin si Dino.

                Wala namang masama sa ginawa kong paghigit kay Dino ah? Malisyoso lang talaga ang mga taong nagiisip na may iba pang meaning yun. Sumisipol lang ako habang tinitingnan ang mga taong nagdadaan. May isa ngang nadulas sa may hagdanan. Yung isa naman, napakabagal bumaba ng hagdan, ang dami ng tao sa likod nya. Napatigil ako sa pagsipol sa sunod kong nakitang papunta sa Girl’s Restroom. Napatigil din sya nung nakita ako.

“Pepper.” Tawag ko. Yumuko sya. “pasensya na hindi na kita natext or natawagan nuing Friday.” Sabi ko.

“ayos lang yun. Mas mabuti nga’t hindi mo naisip itext ako.” sabi ni Pepper pero hindi nakatingin sakin.

“kailangan natin ‘tong pagusapan.” Hinawakan ko ang balikat nya pero umiwas sya.

“wala na tayong paguusapan, Tyron. Wala na tayo diba?” she said straight into my eyes. And on that moment, alam kong ayaw na talaga nya sakin.

“pero bakit pumayag kang maki—“

“tatanongin kita, pag ba nasimulan kaya mong pigilan?” she said sharply. Hindi ako nakasagot, “huli na yun, wala ng susunod. Tigilan mo na’tong kalokohan mo. Feeling ko pinagsasabay mo kami ni Dino.” Parang nagpipigil sya ng galit nya.

“Ty..” nanlaki ang mga mata ko. Unang nakalingon si Pepper, dahan dahan naman akong lumingon sa tumawag sakin. Dino is standing 10 feet away from us. Napatingin naman ako kay Pepper, tapos kay Dino ulit.

“excuse me.” Sabi ni Pepper na nakatungo at mabilis na nawala sa paningin ko.

“Ty, ano yun?” tanong ni Dino habang papalapit sakin. Eto na nga ba ang kinakatakutan ko. Ang malaman ni Dino ang dahilan kung bakit nagbreak kami ni Pepper.

“w- wala la- lang. Nag- uusap l- lang kami.” sabi ko.

“may narinig akong pangalan ko, ako ba ang pinaguusapan nyo?” she asked. I looked away.

“h- ha? Hin- di ah. Iba a- ang pinag- uusapan namin.” Sabi ko.

“sure ka ba?” hindi ako makatingin ng daretso sa kanya. Malalaman nyang nagsisinungaling ako. Malalaman nyang sya ang dahilan.

“oo. Sure ako. Halika na.” I started walking away from her.

                Iniwasan kong makapagtanong pa si Dino tungkol sa nakita nya kanina. Alam ko namang napapansin nya ako na kakaiba ang kinikilos ko. But, she didn’t comment on that. Minamata nya lang ako.

                Pero pag dating ng hapon, parang parehas na kaming nakalimot sa nangyari kinaumagahan. Gasuhan na naman at lokohan.

“gawa tayong assignment samin!” yaya ni Dino after ng last class namin.

“may laro kami.” sagot ni Nick. Tumango naman si DJ.

“Ty, tayo na lang dalawa.” sabi ni Dino.

                Ayun nga. Wala naman akong gagawin e. Kaya pumayag nako. Tsaka paguusapan pa namin kung saan namin gagawin yung community service. Kailangan din kasi naming humabol dahil nagkaroon kami ng demerits.

“di nga, Ty. Yung totoo, ano nang nangyayari sa inyo ni Pepper? Wala na talaga kayo?” tanong ni Dino habang nagsusulat sya. Nasa kwarto nila kami. Nandun kasi sa sala yung Lola nya at natutulog.

“sabi nya, wala na daw pag- asang magkabalikan kami.” sabi ko.

“seriously???”

“mukha ba akong nagbibiro?!”

“eto naman. Nagbibiro  lang ako.” humingan sya ng malalim, “sayang kayong dalawa. Bagay na bagay kaya kayo.” Hindi na lang ako umimik, “bakit ba kayo nagbreak? Anong dahilan?” Napatigil kami parehas sa pagsusulat. Kinabahan ako bigla. Naalala ko yung sinabi sakin ni ate Tony, pag ang babae nagtatanong, alam na nila ang totoo, hinuhuli ka na lang sa pagsisinungaling mo. Pero hindi babae si Dino. Hindi. “hello? Ty on earth. Ty on earth. Buhay ka pa?” sabi ni Dino tapos kinurot ako.

“masakit yun ah!” sabi ko sabay hawak sa kinurot nya.

“para kasing wala akong tinanong eh. Ayaw mo sumagot dyan.” Sabi nya.

“ayokong pag- usapan, Dino. Please lang.” yun na lang ang nasabi ko at nagsulat na ulit.

“pero best friend mo ako, Ty.” Mahinang sabi ni Dino, napatingin ako sa  kanya pero nagsusulat na ulit sya. Mukhang nalungkot sya dahil hindi ko pa sinasabi sa kanya ang nangyari. Magsasalita na sana ako kaso bigla syang tumayo at humiga sa kama. Mukhang nagtampo na nga.

                Pinabayaan ko muna sya at tahimik lang kami habang nagawa ng assignment. Minsan nangongopya si Dino ng sagot. Maya maya lang, naghihilik na sya. Daig pa ang lalaki humilik. Nakanganga pa. Natawa na lang ako sa itsura ni Dino.

                I moved closer. Inayos ko ang buhok nya at inalis sa mukha nya.

“pasensya ka na, Dino, ha?” bulong ko.

“ma.. daya ka…” sagot bigla ni Dino. Napangiti na lang ako ng wala sa oras.

                I stared at her. I have to save this moment. Baka hindi ko na ulit sya matingnan ng ganito. She has long and curly eye lashes.  Small nose. Kita ko na yung cheek bones nya dahil sa kapayatan. Her pale and smooth lips.

I choked.

What is it like to kiss her?

No.

Yes.

NO!

No.

Si Dino ‘to. Best friend ko. Hindi pwede ‘tong iniisip ko. I shook my head at lumayo ng onti. Huminga ako ng malalim.

                Nagulat ako sa biglang may nagvibrate sa table. Yung phone ni Dino. Kinuha ko at tiningnan kung sino. Si William.

Text: One round? :)

                Binuksan ko yung phone ni Dino. Ayoko namang maging pakialamero pero nacurious ako kung bakit nagtext si William kay Dino. I opened her inbox. I opened their conversation and browsed it. Kailan pa sila nagkatext? Bakit ang dami na nilang convo? Kailan pa ‘to?

                Something formed inside me. Inis. Selos? Bakit nagkakatext sila? Pag nakalaro mo ng basketball kailangan magkatext din? Sa sobrang inis ko, I deleted William’s recent text.

No Match for a GuyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon