[A/N] I dedicate this story to my ever supporting cousins, Pau and Jerico. Ang mga batang ito ang pumupuno ng reads ko. Hehehe. Joke. si Pau ang namimilit sakin na mag- update agad agad. Syadong excited! Nyaha. I love you both! :) ♥
She dribbled thrice, stepped forward and jumped. I jumped to deflect the ball. But she faked it, ran past me and dunk! “Tambak ka na!” Sabay sigaw ni Dino at binato sakin ang bola. “Papatagay ka mamaya ha!” Habol pa nya at umupo sa bleachers.
“Oo na!" Sagot ko. "Dapat kasi hindi na ako nakipagpustahan e.” Sumunod ako sa kanya sa bleachers. Binato nya sakin ang bimpo pagkatapos nyang magpunas ng pawis nya.
Maybe, nagtataka kayo. I called her she. Right. She’s a she. But her name is Dino. Ang totoo nyang pangalan ay, Dione. Dione Panganiban. And me, Tyron Lacsa. We’re in our 17 years of living. Mukhang weird diba?
“Dino! Catch!” Sa first layer ako nakaupo tapos sya sa second layer. Binato ko sa kanya ang phone nya. May natawag kasi, nasambot naman nya at sinagot agad ang tawag. Look, she acts like one of the boys. She’s kinda lesbian. Gulat kayo no? Ako din e. Eto pa, She’s my best bud, my comrade, my classmate and still a stranger.
Flashback..
Freshmen at College. Ibang school, ibang mga tao at ibang surrounding. I’m taking Criminology. Gusto kong maging pulis. Bata pa lang ako, yun na ang gusto ko maging pagtanda ko. And I’m starting to be like one.
Kasabay sya pumasok ng prof namin. Nagulat kaming lahat dahil sya lang ang babae sa klase namin. Sa unang tingin naman, mapapansin agad na babae sya, maliit sya kumpara sa lalaki, maputi, mukhang mahinhin at maamo ang mukha nya, pati narin ang structure ng katawan nya. Una pa lang naisip ko na baka tomboy sya, yung uniform kasi na gamit nya ay katulad ng amin, pati ang shoes nya ay mukhang panlalaki. Hanggang ilalim ng tenga nya ang buhok nya.
Umupo sya nun sa likod malapit sa upuan ko. Halos lahat kami, hagod ng tingin sa kanya. Inangasan nya kami lahat at sinabing, “Anong tinitingin- tingin nyo?” Sabi ni Dino noon, pambabae parin ang boses nya, maliit at medyo mataas. “Ikaw?” Nakatingin sya sakin, “Anong tinitingin- tingin mo?” Ulit nya. Nagbulungan na yung iba naming classmate sa angas nitong si Dino nun.
Nagsimulang mag attendance yung prof. Natawag na halos kalahati ng klase namin including me. Parang lahat kami, inaabangan ang pangalan ni Dino nun, na sa mga oras na yun ay question mark padin. Hanggang sa, “Dione Panganiban.” Tawag ng prof. Walang nagsabi ng present or tumaas ng kamay. Napatingin kaming lahat sa kanya, “Dione Panganiban.” Ulit ng prof namin. Napatingin kami sa kanya.
“Here.” Sabi ni Dino. May mga nagtawanan na ibang lalaki, kahit ako medyo napangiti. Babaeng babae pala ang pangalan nya.
Habang nagoorient yung prof, hindi ko maiwasang tingnan tingnan si Dino, kasi kung makaupo sya parang lalaki talaga. Sa haircut na ang inoorient. 3 by 4 dapat sa mga lalaki. Malinaw naman samin yun. Pero napatingin kami kay Dino nung sinabi nyang..
“3 by 4 pala dapat. Magpapagupit din ako.” Tumawa kaming lahat kahit yung prof namin sa pagaakalang nagbibiro lang sya.
"Ehem. Miss Panganiban..” Tiningnan ni Dino ng masama ang prof dahil siguro sa tinawag syang ‘Miss’, “Ah- eh para sa mga LALAKI lang ang 3 by 4, para sa mga babae, okay lang ang mahaba, basta naka fixed or nakapony or nakaboknay. Okay na naman din yang gupit mo, just keep it neat.” Sabi ng prof.
"Oooooookay.” Sagot ni Dino. Yung mga katabi ko pinaguusapan si Dino.
"Maganda naman.” Sabi ni Nick.
