Nagbabasketball kami ngayon ni Dino. Hanggang ngayon natitigilan ako pag biglang tingin kay Dino. Nakashort kasi sya tapos fit na sandong blue kaya kitang kita ang korte ng katawan nya. Tapos sila Nick at DJ, nandun sa bench at tinutukso tukso si Dino. Babaeng babae ang itsura nya, nagkatalo lang sa kilos.
Ganito kasi ang kwento nya.. Suot nya yung madalas na pambasketball nyo, jersey shorts na panglalaki at t- shirt. Kaso paglabas nya ng kwarto nya, nakita nyang gising agad ng maagang maaga ang Lola nya. Kaya nagmadali syang pumasok sa kwarto ni ate Diane at nagpalit ng damit. Hindi na nga sya nagpaalam kay ate Dianne eh. Paglabas nya tinanong pa sya ng Lola nya kung saan pupunta at ang aga magising. Ang sabi na lang ni Dino, mageexcercise sya. Ang sabi ba naman ng Lola nya..
“Maigi yan para hindi ka tumaba katulad ng nanay mo!” muntik na nga daw sugudin ni Dino ang Lola nya, pero syempre hindi nya ginawa dahil takot sya.
Buti’t hindi sya pikon dahil grabe makapanukso yung dalawa. Tahimik na lang ako at nakikitawa.
“Sexy Dino!” sigaw ni DJ na may kasama pang sipol. “SEXY! SEXY! SEXY!” they both chanted.
“Tama na nga mga tol! Respeto naman para sa babae.” Sabi ko. tiningnan ako ng masama ni Dino. Nagkatinginan naman kami nila DJ at Nick, sabay sabay kaming humalakhak na halos lumabas na ang lalamunan namin.
Napansin kong hindi talaga comfortable si Dino sa suot nya. Sa 4 games kasi namin, ni isang point wala syang nagawa. Tuwing tumatalon sya, imbis na i- shoot ang bola, hinihigit nya pababa yung sando nya na medyo nataas. Tapos hinahatak nya ng hinahatak para lumuwag yung damit nya. Mamaya siguro loose na lahat ng garter sa damit nun.
Naglalakad na kami pauwi ni Dino habang kinukwento nya ang nangyari kahapon sa pagkikita nila ng monster. Malapit na kami sa bahay nila, may natanaw akong isang matandang babae na palakad lakad. Sya na siguro yung Lola nila Dino. Mukha ngang sobrang terror.
“Sya na ba yun?” tanong ko. “Your greatest fear???”
“Sya na nga. Wala ng iba.” Sagot ni Dino na halatang ninenerbyos.
“Alam mo, naiisip ko kung.. malaman nyang magpupulis ka.”
“Wag mo ng isipin, baka mapagod pa yang katiting mong utak.” Pang- aasar ni Dino. Binatukan ko lang sya para sagot sa pangaasar nya.
Hindi yata kami napansin ng terror na matanda at pumasok na sa loob ng bahay nila Dino. Pag daan namin sa 3- story apartment nila Dino. Nakita namin si Tita Fe na may kausap na mga trabahador.
“Moms!” sigaw ni Dino sabay taas ng kamay. “Sila yata yung bagong lipat.” Sabi naman sakin ni Dino.
“Ahh… hindi ko nga nakikita eh.” I said sarcastically. Paano ko naman kasi hindi malalaman na bagong lipat, eh binababa na yung mga gamit nila mula sa truck. Tinawag kami ni Tita kaya lumapit kami.
“Good morning po.” Bati namin ni Dino sa bagong lipat.
“Dione, Tyron, si Tita Wilma nyo. Sila yung bagong lipat sa 302.”
“Welcome po.” Sabi ni Dino, ako naman ngumiti lang.
“Wilma, si Dione, pangalawang anak ko tapos si Tyron naman, kaibigan ni Dione.”
“Hello po.” Sabi ko naman.
“Dione, Ty, tulungan nyo naman sila mag- akyat ng mga gamit nila, kulang kasi tayo sa mga tagatulong e.” utos ni Tita.
“Rogger that!” sabay naming sabi ni Dino.
Binuhat ko yung medium size na box na may nakalagay na KUYA. Napansin ko naman ang buhat ni Dino ay box na may nakasulat na ATE. Mas madami yung box na may ATE kesa sa may KUYA. Grabe! Mga babae talaga. Kahit sino, madami talagang gamit.
