Chapter XXIV: An Angry Person is Dangerous, but A Jealous Person is even Worst.

84 5 0
                                    

[A/N] Hi there! :) Sorry kung mahaba masyado title ko. Gusto ko lang i- emphasize yung mangyayari sa chapter na’to. Anyway, thank you in reading. Leave a comment. Please vote. Ciao! =))))

                I checked our list. School supplies. Personal kits. Manuals. Present na lahat. Sinara ko na yung back door ng sasakyan nila Dino.

“oh!” biglang may nagdikit sa mukha ko ng kung ano. Tinanggal ko. Tinapay pala. “panlaman tyan.” Sabi ni Dino.

“okay na lahat. Aalis na tayo.” Malamya kong sabi at nagsimula ng pumasok sa sasakyan.

“teka nga.. may sakit ka ba?” tanong ni Dino na nasa tabi ko na.

“wala.”

“eh ba’t parang ang tamlay mo  at tahimik?” she asked with full of concern.

“masama lang gising ko.” sabi ko sabay ng pagtilaok ng manok.

“hay nako.. kung ano man yang iniisip mo  at masama ang gising mo, iwanan mo muna sa kwarto mo!” nakangiting sabi ni Dino. Eh paano ko iiwanan sa amin yung iniisip ko kung yung mismong iniisip ko ay nasa harap ko? Kahit anong gawin ko, hindi ko sya matanggal sa utak ko. And I don’t know either kung bakit.

                Pumasok na si Dino ng sasakyan. I heard the car roared to life. I climbed inside and closed the door. Time check, 6:04 AM. Pupunta kami sa Milagrosa Elementary School. A public elementary school. Dun namin napiling gawin ang Community Service namin na parusa nung sinira ni Dino ang Victory Ball namin.

At nadamay naman ako.

“Wag mo akong isipin.. Nandito lang ako..” tumugtog ang Matututuhan Mo Rin by Rocksteddy. Kaya sinabayan ni Dino. “At kahit di mo man pansinin.. hindi ako magtatampo.. di ako hihingi kahit anong kapalit, hindi magagalit kahit ano ang ‘yong sambitin.. walang maririnig kundi ang puso kong tahimik. Matutuhuhan mo  rin.. akong mahalin..” favorite nya yang kantang yan kahit hindi pa naman nangyayari sa kanya. Trip lang nya. “balang araw ay mapapasakin… ang ‘yong damdamin.. hihintayin.. ko ang pusong matutuhan mo rin akong mahalin..”

Biglang nagpreno si Dino, hinarang ko agad ang braso ko sa harapan ni Dino at humawak sa balikat nya para hindi sya msubsob sa manibela. Pero nauntog ako sa board dahil hindi pa ako nakasuot ng seatbelt dahil nandito pa naman kami sa Village.  Hindi namin napansin na may aso sa gitna ng kalsada.

“ayos ka lang, Dino!?” napapanic kong tanong. Inayos ni Dino ang buhok nya.

“gago yung asong yun ah!” sabi ni Dino. It means, ayos lang sya. Napahinga ako ng malalim. Inalis ko na ang pagkakahawak ko sa balikat nya. Binusinahan ni Dino yung aso ng sobrang haba. Pero ayaw pa ding umalis.

“ako na.” bumaba ako ng sasakyan at tinaboy ang aso. Umalis naman. Gusto pa personal mong itataboy. Choosy masyado. Pagpasok ko ulit, sinuot ko kay Dino yung seatbelt.

“ako na, Ty..” she said under her breath. Pagkatingin ko sa kanya, masyado na palang magkalapit mukha namin. “Ty..” I blinked. How long I stared at her?

“uh—si- sige, ikaw na.” lumayo nako at inasikaso naman ang sarili kong seatbelt. Nanginginig kamay ko kaya hindi ko malock yung belt.

“anong problema? Sira ba?” tanong ni Dino.

“huh? H- hindi. I got this.” the seatbelt made a click sound. It’s locked.

“okay na ba?” she asked. I nodded. Umandar na ulit kami.

                That 20- minute travel was filled with silence. I pretended to be asleep. Yung radio lang ang naririnig kong tunog. Gusto ko munang umiwas makipagusap kay Dino. Nung naramdaman kong tumigil na kami, dahan dahan kong minulat mga mata ko. Nandito na kami. I rubbed my face with my hands to wake myself up. Nagtanggal na si Dino ng seatbelt tapos inaayos na nya yung bags nya. ginaya ko sya, nauna akong bumaba ng sasakyan.

No Match for a GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon