Dino's POV
The next morning, pumunta ako kila Tyron. Napakabigat ng kalooban ko. Feeling ko anytime I might break down. Lalo na kagabi nung binalita sakin ni Ty ang tungkol sa pagtira ni Pepper sa bahay nila. Gusto kong sabunutan si Pepper dahil sa ginagawa nya, gusto ko syang bugbugin dahil nanggugulo pa sya. Kung hindi lang talaga sya buntis at wala kaming pinagsamahan. The mere fact that she was jealous of me that's why she and Tyron broke up. Kaplastikan mang tinatawag pero masama padin ang loob ko sa kanya, ginagawa ko ang lahat para pakisamahan si Pepper.. Para kay Tyron.. Para sa ama ng dinadala nya.
I looked up to the sky to prevent myself from crying.
Meron naman akong choice diba?
I can pretend that I'm mad.. Iwan sila. Iwan si Tyron. Maganda din yun para hindi na kami masaktan pa parehas. Kung maghihiwalay kami ngayon, mas maikli lang ang span ng pain kesa kung itutuloy pa namin 'to, habang buhay kami masasaktan. Naalala ko bigla yung sinabi ni Tyron kagabi. Yung pinangako nya. Alam kong gagawin nya lahat para tuparin yun kahit ako pa ang kumalaban sa kanya.
Kumatok ako sa pinto ng bahay nila. Nakita kong nagsusuot ng sandals si Ate Tony.
"Sinabi na ba nya sa'yo?" Tanong ni Ate Tony. I nodded. Malungkot syang tumingin sakin. Umupo naman ako sa tabi nya. Kahit hindi sabihin sakin ni Ty, alam kong masama din ang loob ni Ate Tony sa nangyari, babae sya. Parang tinapakan ang pagkatao nya sa nangyari. Kasi ganun din ang naramdaman ko. "I don't want her here." Nakatungong sabi ni Ate Tony, "Sabihin mo kay Tyron, paalisin na sya dito." Pagmamakaawa nya.
"That's unfair, Ate.." Sabi ko. Hindi sya nakasagot. Namumula na ang mata nya.
"Mauna na ako, Dino." Agad na lumabas ng bahay si Ate Tony, nakita ko pa kung paano unti-unting bumagsak ang luha nya.
I feel sorry for her.. And for myself.
I looked over to see Tyron standing beside the stairs. Sa unang tingin pa lang sa kanya, alam ko ng hindi sya nakatulog.
"Kanina ka pa?" Tanong ko. He gave me a weak smile. Panigurado akong narinig nya yung maiksing drama namin ni Ate Tony.
"Kumain ka na ba?" Tanong naman nya. I nodded. Gusto kong magtanong.
"Nasaan si Pepper?" I finally asked.
"Maagang umalis. Nakauniform na." Sagot nya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Narinig ko na lang syang bumuntong hininga.
*****
Dumating kami sa school ng hindi masyadong naguusap. Ibang iba ang mood ngayon ni Tyron kumpara kahapon. Nakita ko mula sa malayo si Pepper kasama ang mga tropa nya, I doubt na nakita yun ni Ty kasi malayo ang tingin nya.
Nasa gitna kami ng class ng pinatawag ako sa office. Nako naman! Uutusan na naman ako ng mga tao dun. Pagdating ko, pinapunta nila ako Armory dahil nandun yung si Sir Real. Binagalan ko para di ako mapagod. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si DJ na higit higit si Pepper. Tatawagin ko sana pero bigla kong naalala yung kahapon. Yung narinig kong may kausap si Pepper sa Armory. Iba ang kutob ko kaya sinundan ko sila. Kaya pala wala sa class si DJ at tsaka missing in action sya nitong mga nakaraang linggo.
"Ano bang gusto mong gawin ko?" Sabi ni DJ nung tumigil sila sa tapat ng Armory. Hindi sila pumasok pero pumasok sila sa medyo madilim na corridor sa tabi nun. Ang alam ko papuntang CR ng boys yun eh. Wala naman akong nagawa kundi sundan sila. Tungkol saan yung pinaguusapan nila? Alam na kaya ni DJ na buntis si Pepper? "Bakit kailangan mo pang sa bahay nila tumira?" Sabi pa ni DJ. Alam nadin pala nya.
