Chapter XVI: The World Stopped

81 4 0
                                    

As I thought, sobrang haba ng linggo namin. Bawat araw ay parang tatlong araw. Hindi pinasali si Dino sa mga ball games dahil babae daw. Asar na asar nga sya. Kaya sinalihan nya lahat ng pwede nyang salihan. Di naman sya ganun ka- active no!? Sumali sya sa badminton singles, 100 and 400 meter run, at sa iba pang palaro tulad ng, Tug of War, Amazing Race at iba pa.

Nagkaron ako ng minor injury sa braso nung laro namin ng Basketball against sa Seniors pero nanalo parin kami, sa Juniors kami natalo kaya 2nd place lang kami all over sa basketball. Sa Volleyball naman, 3rd place. Kulelat kami sa Soccer. Hehe. Pero dun sa sinalihan ni Dino, lahat  yun nanalo sila pero  maliit lang points nun e. Hindi mahahatak yung ibang kulelat kami.

“last day na pala bukas..” sabi ni Nick nung pauwi na kami.

“parang isang buwan nu!?” singit ni DJ. Simula nung nag cool off kami ni Pepper, medyo hindi ko na kinakausap si DJ, pati naman sya, minsan na lang din ako pansinin.

“diba half day lang bukas tapos sa gabi may Victory Ball tayo?” tanong ni Nick.

“oo. Konti na lang kasi yung activities bukas kaya pwede ng hindi pumunta yung mga walang game para makapagready sa Victory Ball.” Sabi ko.

“sabi nila nakaformal daw dun ah. Neck tie and coat. Tapos sa girls, nakagown.” Sabay sabay kaming napatingin sa nauunang maglakad na si Dino.

“hoy, Dino! May isusuot ka na ba sa Victory ball?” tanong ko. Nagpipigil kami ng tawa sa likod. Nilingon nya kami subo subo yung ice cream nya. Hinintay namin na may sabihin sya pero  wala. Hay nako! Parang di tinanong e.

Kinabukasan.. di nako pumunta sa school. Wala na naman akong game ngayon e. Inabutan ko na naman si Dino at William na naglalaro sa court. Nakashort na naman si Dino at t- shirt. Hindi ako sanay na ganyan kaiksi short nya. Lagi kasing lagpas sa tuhod nya yung dating sinusuot nya e. Hanggang ngayon di pa din ako nasasanay. Napapadalas na yata ang pagsasama nila ah.

“Tyron!” napatingin ako sa likod. Nandun pala si Wendy sa kabilang side ng court at kasama na naman ang aso nya. Nakahinga ako ng maluwag kasi naka t- shirt sya ngayon. Sumenyas lang ako kila Dino at William na mamaya nako sasali.

“tama yan! Hindi nyo kasi ako pinasali sa Basketball!” sigaw ni Dino. Tumawa lang ako. Bitter padin sya hanggang ngayon ah. Nakita ko naman na tumawa din si William.

“kamusta na?” tanong ni Wendy nung nakalapit nako sa kanya. Nakaupo sya sa pangalawang level sa bleachers tapos ako naman nakatayo sa harap nya.

“eto, buhay pa naman kahit papaano..” sagot ko.

“hindi yun.. yung problema mo sa girlfriend mo.” Natigilan ako sa sinabi ni Wendy, napakamot na lang ako sa ulo ko. Sasabihin ko ba sa kanya? “wag ka ng mahiya.. medyo nabigyan na naman ako ng brief intro ni Dino about sa nangyari.”

“ano?” natawa si Wendy, “hoy, Dino! Patay ka sakin mamaya!!!” sigaw ko.

“ano na namang ginawa ko?” sabi ni Dino na hindi natingin sakin at panay ang depensa kay William.

“pinilit ko syang sabihin sakin..” napatingin ako kay Wendy, “gusto kasi talaga kitang tulungan..”

“ahh.. ganun ba.. salamat.” Sabi ko na medyo nahihiya.

“hindi naman nya sinabi sakin kung bakit nakipag cool off sa’yo si Pepper e.”

“hindi ko talaga sinabi kasi.. sya yung dahilan.” Mahina lang yung huling sinabi ko.

“may gusto ka ba kay Dino?” nagulat na tanong ni Wendy.

“ha? Wala! Wala!” depensa ko.

“e bakit sya yung dahilan kung bakit kayo naghiwalay?” tanong nya. Umupo ako sa first level tapos she leaned closer to me. Buti na lang talaga nakashirt sya. Kinuwento ko kung bakit. “mahirap nga yang situation mo, Tyron.” Sabi ni Wendy nung natapos nako sa pagkwento. “hindi naman kasi maiiwasan ang mga bagay.. lalo na kay Dino, she’s awesome. Kahit naman siguro sino magkakagusto sa kanya.” Napatingin ako sa kanya, nakatingin naman sya kay William. “kaya kailangan mong timbangin kung sino ang mas mahalaga, bestfriend mo o girlfriend mo. Kung pinili mo si Pepper, babalik sya sa’yo  pero wala ka ng bestfriend. Vice versa naman pag si Dino ang pinili mo.” Habol pa nya.

No Match for a GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon