It's my birthday! Buti na lang wala si ate dito sa bahay. Nasabi ko na bang allergic sya sa mga kaibigan ko. Kay DJ, Nick at pati kay Pepper. Lagi nya ngang tinatanong kung malapit na kaming magbreak e. Kainis yung mga ganung kapatid. Si Dino lang naman ang gusto nya.
"KUYA!" Tawag ni Mama.
"PO????" Nanunuod kasi ako ng TV, ayokong naabala.
"Sigurado ka bang ayaw mong cake or ice cream man lang?" tanong ni Mama. "Gusto kasi ni Tintin e."
"Ma! Hindi naman si Tintin ang may birthday. Sa birthday na lang nya tayo magice cream at cake." Sagot ko. Si Tintin, pinsan ko, samin nakatira dahil OFW parehas ang magulang nya. 8 years old nadin sya. Naawa nga ako minsan pag hindi sila nakakapag-Skype ng parents nya kasi laging umiiyak. Ewan ko ba sa Tito at Tita kung bakit hindi nalang nila sinama si Tintin sa kanila.
"KUUUUUUYA!!" Tumatakbo si Tintin pababa ng hagdanan na may dalang papel. "Kuya! Kuya!" sigaw pa nya sa matinis nyang boses at talun pa ng talon. Hindi ko na tuloy narinig yung sinasabi sa palabas.
"Oh? Bakit?" I asked.
"Kuya! Happy Kaarawan!" bati nya.
"Salamat, Tintin." Sabi ko at ginulo ko ang buhok nya.
"Gift ko." inabot nya sakin ang gusut- gusot na papel na dala nya kanina. Kinuha ko at binuksan. Using crayons, she wrote 'hapi bertday kuya' tapos may stick na ako tapos sya din nandun, pati sila ate Tony, Mama at Papa. "Eto si ate Dino." Sabi ni Tintin na nakaturo sa isa pang stick na katabi nya.
"HAAAAAAAPPY BIRTHDAY!!!!" biglang pumasok si Dino.
"Hello, Dino. Anong handa nyo?" tanong ni Mama na nakadungaw mula sa kusina.
"As usual po. Himala nga at nagspaghetti sila na may hotdog at baboy." Sagot ni Dino.
"Edi kung anu- ano na naman ang sinasabi ni Tita habang nagluluto!?" Singit ko.
"Oo kamo! Ang arte. Masuka suka daw siya." She jumped beside me at the couch at kiniss ako sa pisngi.
"YUCK!" sabi ko sabay punas sa pisngi ko. "Kadiri ka."
"Makayuck ka dyan! Kung makahalik ka nga kay Pepper kulang na lang lunukin mo sya." Sabi ni Dino.
"Eh iba naman yun." Sabi ko.
"Iba na pala ako ngayon. Ganyan ka naman." Sabi ni Dino at tumingin kay Tintin.
"Ang arte mo-"
"Hi, Tintin. Sama ka sakin sa bahay. Birthday ni ate Danica mo. Kakain tayo ng madaming spaghetti." Hinawakan ni Dino ang kamay ni Tintin at lumabas na ng bahay. "Ay Tita! Isasama ko po si Tintin ha!" habol ni Dino.
"Sige!" sigaw naman ni Mama.
"Hoy! Bakit ako hindi mo niyaya!!!?" sigaw ko. Tumayo ako at pinatay ang TV.
"Nak! Papabili ako ng cake ha?" sigaw ni Mama.
"Bahala na po kayo." I shouted back tapos hinabol ko na sila Dino.
Alas- sais na nang magsimula magdatingan sila Nick. Kami kami lang dahil konti lang naman ang handa. Ang lakas nga ng loob bumili ng Red Horse, ang hihina naman. Dumating si Dino kasama si ate Tony.
"Errrrr." She made that sound again nung nakita nya sila Nick. She used to do that sound whem she's near my friends. Pero they don't mind. Hindi naman nila alam na ayaw sa kanila ni ate Tony e.
"Akala ko ba kila Lola ka matutulog?" tanong ko. yung bahay nila Lola, sa kabilang street lang.
"Hindi ako pinayagan ni Papa. Errrr. Papasok muna ako." Tumakbo na si ate sa loob.
"T- Ice for everyone." Said Dino, "At tira- tirang spaghetti bigay ni Moms."
"Ayos yan ah." Sabi ni Nick.
"Hoy Dino! Anong gusto mong kanta?" tanong ni DJ na nasa harap ng karaoke.
"Pass muna. Si Pepper mauuna." Sabi ni Dino. Umupo si Dino sa tabi namin ni Pepper.
"Hi kids!" lumabas si Mama na may dalang rectangular cake na may candle na number 18.
"Ma naman!" sabi ko sabay kamot sa ulo.
"Oh Ty, anak, blow your candle."
"Yun yun eh! Blow! Blow! Blow!" sabi ni Dino kaya nakigaya na yung iba. Pinagtawanan lang ako ni Pepper.
"Make a wish muna, p're." sabi ni DJ.
"Wish?" nagisip ako, "Sana maging babae na si Dino!" bago ko pa mahipan, Dino pushed my head onto the cake. Peste. Tumakbo agad sila palayo sakin. Inagaw ni Mama yung cake at bumulong na sayang naman daw at pinasok na nya sa loob. Dumating naman si Papa.
"Ganda ng make- up mo, anak ah." Biro ni Papa at pumasok nadin sa loob dahil nagkakatuwaan kami. Inabutan ako ni Pepper ng tissue.
"Kakainin nyo 'tong cake ah!" sigaw ni Mama mula sa loob ng bahay na dala parin yung cake.
"Ty, sayang may free clown ka na e." sabi ni Dino, "Deh. Joke lang!" tawa sila ng tawa.
Inabot na kami ng 8pm. May mga saltik na agad sila Nick at DJ tapos si Pepper medyo meron nadin. Kami pa lang ni Dino ang wala. Si Dino kasi, madaya yan. Nililito kami tapos sasabihin na nakainom na sya. Pero ang totoo, hindi pa talaga. Hindi nya din talaga hilig uminom, kaya lang madalas sumama sa mga inuman namin kasi makikikain lang at makikikwento. Kung anu- ano nang lumalabs na lyrics sa bunganga nung dalawa.
"Akin na nga yan mga unggoy!" sigaw ni Dino at kinuha yung mick ay Nick. Aba! Nasa mood sya. Hindi na yan titigil hanggang umaga. Sabi ko na nga ba, Brian McKnight na naman ang kakantahin nya e. Favorite ba naman kasi nya yung singer na yun.
Para sa kaalaman ninyo, maganda ang boses ni Dino, mala- Juris. Malamig at nakakarelax Aakalain mo talagang babae ang nakanta, pero ang di nila alam binate pala. Sinasabayan sya nila Nick at DJ. Nakita kong sumilip si ate Tony sa bintana. Isa si ate sa mga fans ni Dino. Kung hindi nga lang siguro mas matanda si ate baka natulad din sya sa mga babaeng nagkakagusto kay Dino e.
Ang iingay nung dalawa. Masisigaw na naman kami ng mga kapitbahay nyan e. Puro pa naman mga matatanda ang katabi naming bahay tsaka mga KJ at masususngit.
"Teka nga, Pepper. May nakakalimutan ka." Sabi ko kay Pepper na nakatungo sa balikat ko.
"Ano yun?"
"Yung gift mo."
"Ngayon na?" she whispered and kissed my ears. Natapos na ni Dino yung kanta nyang Back at one. "I'll bring you to heaven." Pepper said. saktong kinanta ni Dino yung Heaven by your side ng A1.
