Have you ever been contented with your life? Well, my answer is Yes.
Hindi ko pa masasabing yung problemang napagdaanan namin ang pinakamabigat sa lahat. But, I'm ready for more. Hanggang nandyan ang pamilya ko at si Dino.. Kakayanin ko.
"Morning." Mahinang bati ni Ate. Sya ngayon ang pinoproblema ko. Hindi ko na mabalik ang dati naming pakikitungo sa isa't isa. Nakakausap ko naman sya minsan pero parang hindi na masaya. She needs more time. Siguro, darating din ang panahon na babalik kami ni Ate sa dati. I can wait for that.
"Malapit na birthday ni Dino ah. Ano daw ang plano?" Tanong ni Mama.
"Hindi ko pa po alam kasi wala pang sinasabi si Dino." Sagot ko naman.
"Such an important day. She'll turn 18." Singit ni Ate.
"Sana may debut party sya katulad nung kay Diane dati." Sabi ni Mama. Hindi nako nakapagsalita, because I'm starting to imagine how more beautiful she'll look of ever she wears a gown. And how lovely she'll look.
"Pupuntahan ko na nga ang prinsesa ko." Sabi ko pagkatayo ko. Nakita kong ngumiti si Ate. Si Mama naman, pinaalalahanan ako ng mga bagay bagay.
Pumasok agad ako nang marining ko ang malakas na pag-uusap ng mga tao sa bahay nila Dino.
"Morning, beautiful." Bulong ko kay Dino na nakahilata sa sofa. "Ang aga aga nakasimangot ka." Puna ko.
"They're all talking about my coming birthday. What should I do? Gusto nilang magparty katulad nung kay Diane date." Reklamo ni Dino.
"Gusto mo ba?" Tanong ko na nakangiti.
"Nakakaasar naman yang ngiti mo." Pinisil ni Dino ang pisngi ko pero hindi tinanggal nun ang mga ngiti ko.
"Hindi mo pa sinasagot yung tanong.." Ulit ko. She shrugged.
"I'm in the middle of embracing the 'girl' thing.. At parang biglang turn ang party na gaganapin kung katulad nung kay Diane dati. I just don't know yet what I want."
"Malay mo naman pwede mong i-customize yung party. More likely, do whatever you want. If don't want to wear a gown or any dresses, that's fine. As long as the thought of your debut party is there."
"But, every girl wishes to wear a gown even once in her life.." Tumungo sya na parang nahiya bigla. "It's like being a princess for just a night.." She continued. Tumawa ako ng mahina dahilan para kutusan nya ako.
"Ang aga aga naman, nananakit ka." Sabi ko.
"Eh bakit mo ba ako pinagtatawanan!?" Tanong nya. I smiled and took her hand.
"You don't have to wear a gown to be a princess..You don't have to wait for your birthday to be a princess.." I said. She remained silent, "I will make you a princess everyday of your life.. Not just for one night. Okay?" She nodded, smiled and hugged me.
"Infairness, kinilig ako ng konti." She whispered.
"Konti lang?" I asked. She nodded.
"Alam mo ba kung ano nang mga pwede kong gawin pag 18 nako? Pwede nakong---"
"Ikasal?"Dugtong ko.
"Baliw! Hindi. Pwede nakong bumoto." Sabi nya na natatawa. I watched her as she laughed. A sweet melody to hear. "Why?" Tanong nya nung napansin nyang nakatitig ako.
"Alam mo.. Mahal na mahal kita, pero pag sobra na-" I leaned closer to her, "Pag sobra sobra na, papakasalan na kita.." I saw how slowly her lips formed the most beautiful curved in the world.
