“BWISIT! SINO BA ‘TONG AGA AGA NATAWAG!?” Tumayo ako para kunin yung phone ko na nakacharge. Takte! Si Dino lang pala! “Oh?!?!?!”
“Ty, napanaginipan ko na naman sya!” sabi ni Dino na medyo minamalat ang boses.
“Sus! Inistorbo mo ako para lang sabihin yan!?” naiinis kong sabi. Bah naman! Alas- singko pa lang ng umaga. Nasa gitna pa ako ng maganda kong panaginip!
“Hindi, Ty. Makinig ka! Sa panaginip ko, nahuli nya ako tapos kinulong nya ako sa bodega tapos naglagay sya ng mga ahas sa pinto para di ako makatakas!” nanginginig ang boses nya.
“Oh tapos!?!?!”
“Ty naman e! Natatakot ako! Malakas ang pakiramdam ko na uuwi sya.”
“Eh ano naman kung umuwi ang Lola mo?” tanong ko.
“Ty! Alam mo namang ayokong nandito sya!” parang nababaliw si Dino.
Kung may isang bagay na kinatatakutan si Dino, yun ay ang Lola nya. She’s like 10 times worse than Miriam Defensor Santiago ng Senate. Laging galit, nakasimangot, masungit at sobrang strict. Kaya ayaw ni Dino na umuuwi sa kanila yung Lola nya kasi hindi sya makakilos lalaki. Di ko pa talaga nakikita yung Lola, nakukwento lang minsan ni Dino. Hindi ko din alam kung bakit takot na takot sya dun sa Lola nya.
“Nagpapahiwatig na sya sa panaginip ko..” sabi ni Dino.
“Hala ka. Magiging maaga ang celebration mo ng Halloween, Dino.” Biro ko.
“Kailangan ko ng maghanda.. ayokong maabutan nya ako ng ganito.” Mahina nyang sabi.
“Hoy Dino!? Okay ka lang?”
“Baka lunukin nya ako ng buhay..” she sounded weird.
“Yuuhhhoooo!? Dino?”
“Ayoko pang maging palaman sa tinapay. Gusto ko pang mabuhay ng matagal.” Sabi pa nya. Hay nako! Natuluyan na talaga sya. Baliw na. Ibinaba ko na ang phone at bumangon na. Naistorbo ang tulog ko dahil sa kanya. Wala na tuloy akong gana matulog.
***
Malayo pa lang, nakikita ko na si Donna na masiglang naglalakad na may patalun- talon pa. Kumaway sya nang makita ako tapos tumakbo papalapit sakin.
“Pumunta ka na agad sa bahay, kuya Ty. Tingnan mo si ate Dione.” Sabi ni Donna at tumawa.
“Saan ka ba pupunta?” tanong ko.
“Ha? Sa tindahan lang. may pinapabili lang.” sagot ni Donna, “Alam mo kasi, kuya Ty, uuwi si Lola mamayang hapon.” Nagulat ako sa sinabi ni Donna. Pwede palang manghuhula si Dino e! Biruin mo yun, nahulaan nyang uuwi ang Lola nya dahil sa panaginip. Astig! “Bilisan mo na, kuya!” tinulak ako ni Donna.
“Oo na.” naglakad nako.
“Bilisan mo ah! Bye!” nagwave sakin si Donna at nagtatakbo na papunta sa tindahan.
Uuwi pala yung Lola nila. Kamusta na kaya si Dino? Ano kayang itsura nung Lola nila sa personal? Nung June ko lang kasi nakilala si Dino e. Kaya ngayon, makikita ko na ang greatest fear ni Dino.
Nakabukas ang pinto sa bahay nila Dino kayo kumatok ako. Sinilip ako ni TIta Fe mula sa kusina.
“Pasok ka, Ty.” Sabi nya na may hawak na sandok. Nakita ko si ate Diane sa sala at inaayusan ang buhok ni Danica.
“Si Dino po?” tanong ko at umupo sa isang sofa.
“Kuya! Tingnan mo si ate Dione! Ang ganda!” sabi ni Danica na mukhang manghang mangha.
![](https://img.wattpad.com/cover/5014331-288-k197246.jpg)