WEDNESDAY. Araw na itinalaga nilang mag meeting kami. Kaya nandito na naman kami ngayon sa coffee shop.
Kanya-kanya nang assign ng mga gagawin at dadalhin.
"Kami nina Kierra at Tori ang maghahanda at magluluto.", nilingon ko si Ellie. Oo marunong akong magluto pero hindi naman ganun kagaling talaga.
"Anong gagawin namin?", tanong naman ni Bren. Tiningnan ko siya, napangiti ako sabay sabing. .
"Good question Bren. Ikaw ang ma-a-assign sa paghuhugas nang mga pinggan, kaldero at ibang things na gagamitin namin sa pagluluto.", napanganga naman siya sa sinabi ko. Hehehe trip ko lang na asarin siya. Mejo maarte kasi, feeling ko ayaw niya madumihan. Nagkibit-balikat naman siya at tumango. Eh mabait na bata naman pala. Susunod din naman pala.
At kong anu-ano pa ang pinag-usapan namin hanggang napag.desisyonan namin na tapusin na ang meeting at magkikita nalang kami sa Sabado.
Inimbitahan naman ako ni Bren na mag dinner pagkatapos, kaya umoo nalang ako. As usual wala kaming imikan, bakit ba kasi nagyayaya 'tong isang 'to. Hindi ba sila magkikita ng girlfriend niya? Baka naman sabunutan ako nun kapag nakitang kasama ko ang boyfriend niya. Ah ewan ko ba kong bakit ako pumayag na sumama sa kanya. Basta nalang ako napa.oo.
Hanggang sa nakarating kami sa isang Japanese restaurant.
"Ang tahimik mo talagang tao Kier.", napakunot naman ang noo ko ng marinig ko ang sinabi niya. Tahimik nga ba ako? Iginiya niya ako sa table at pinaupo at nag order kami.
"Ikaw nga jan eh ang tahimik mo rin.", ganting sabi ko naman sa kanya. .Totoo naman ah!
"Bakit nga pala nag-aya kang mag dinner?", tiningnan ko siya na parang natigilan sa tanong ko.
"uhmm wala lang, gusto ko lang makilala ka.", huh?
"Nagkakilala na tayo diba?",
"ah, basta lang.",
"trip mo lang?"
"Hindi ako marunong mag trip Kier.", naguguluhan din ako sa lalaking 'to. Baka nagbabalak 'tong kidnapin ako. Naku wala akong pan ransom. "Huwag kang mag-isip ng masama.", huh? Nabasa ba niya ang nasa isip ko?
"Hindi naman ako nag-iisip ng masama ah.", depensa ko agad sa sarili ko. . He chuckled! Duh!!
"Kumain na tayo, may pupuntahan pa tayo.", gusto ko sanang magtanong kong saan, kaso nag doorbell na ang tiyan ko, kawawa naman. Kaya kumain nalang ako.
Pagkatapos namin kumain, lumabas na kami para puntahan kng saan mang langit kami mapunta!
And then, nakakamatay na katahimikan pa rin sa loob ng kotse niya. Almost 30 minutes na yata kami sa daan. From buildings na nakikita ko, ngayon napalitan na ng mga puno at ang lamig ng hangin, gumagabi na kami.
"Where are we going exactly?", tanong ko sa kanya. .napapanis na ang laway ko dahil para siyang pipi, hindi ako sinasagot. Daig pa niya ang naputulan ng dila.
"May boyfriend ka na ba Kierra?", automatikong napalingon naman ako sa kanya. Ako? Tinatanong niya kong may boyfriend na ba? Syempre. . .
"Parang meron na wala.", iyon ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko naman kasi alam kong boyfriend ko si Nicholas o hindi eh. Naguguluhan din ako. Alam mo 'yong mga foreigners, hindi naman uso sa kanila ang mag.court. Pero tinawag niya akong baby. .siguro girlfriend na niya ako. Waaaaahhhhh ewan kooooo!!!!!
Nakakunot ang noo niya sa sagot ko. .
"May nanliligaw ba sa'yo?", aba! Anong klaseng tanong 'yan? Para namang pinapahiwatig niyang hindi ako ka-ligaw-ligaw na babae.

BINABASA MO ANG
The Missing Piece
NonfiksiThis is a sidestory of Destined Chatmate: (The Missing Piece) Hanggang pangarap nalang ba ang paghahanap ko ng forever? Meron pa ba kayang bubuo sa nawasak kong puso?