Bren's POV
"Sh*t! Bakit ba ang gago-gago ko. Bading pala 'yon?". . Iniwan ko siya sa restaurant dahil hindi ko nakaya ang kagaguhan ko. Dahil sa pangyayaring iyon ay nagbago ang lahat. Kasalanan ko. . Kasalanan ko ang lahat kung bakit naging napaka-miserable ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na maibabalik pa ang lahat sa dati. Gago ako eh, hindi ako nagtanong, hindi ako nagpakita sa kanya, hindi ko siya kinompronta. Ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Ininsolto ko siya, hinamak ko siya, pinagmukha ko siyang masama. Ang gago ko. Ang sama-sama ko.
"Hon! Are you okay?", It's Marj. Nandito ako ngayon sa mini bar ng bahay namin. Susulpot lang kasi siya dito kung gustuhin niya. Welcome naman kasi sila dito anytime.
"Oh. .Napadaan ka yata?", lumapit siya sa akin and she claimed my lips.
"You look stressed hon. What happened?", tanong niya sa akin sabay laro-laro sa buhok ko.
"Nothing. Pagod lang ako.", pagsisinungaling ko sa kanya. Hindi ko kasi kayang sabihin sa kanya ang napag-usapan namin ni Kierra. Malaki rin ang naitulong ni Marj sa akin noong mga panahong depressed ako. Depression na hindi ko naman sana dapat naramdaman kung nalaman ko lang ang totoo - kung inalam ko lang ang totoo.
"You're lying. Spill it! Anong problema mo?", bakit ba ang mga babae hindi nakukuntento sa salitang 'okay lang ako!', ang kulit kasi eh. . Kaya umiling nalang ako, hindi na ako nagsalita. Kaya kumuha nalang siya ng baso at uminom ng alak.
"Hindi kita mahagilap these past few days. Huwag mong sabihing pagod ka lang dahil hindi ako maniniwala.", mahinahon niyang sabi. .
"Busy ako sa office, alam mo 'yan.",
"Baka meron ka pang ibang pinagkaka.busy.han.",
"Stop over thinking Marj. Hindi maganda 'yan.", narinig ko ang pagbuntog-hininga niya. .How could I tell her? Mabait si Marj, ayoko siyang saktan. Nasaktan ko na si Kierra, ayoko nang pati siya na tumulong sa akin ay masaktan pa.
"Bren. Can I ask you something?", nilingon ko siya. And she's serious.
"What is it?",
"What's wrong with me?", kumunot ang noo ko. Anong mali sa kanya? Bakit naman niya natanong 'yon?
"You're perfect. There's nothing wrong with you. Ano bang tanong 'yan Marj.",
"Bren, I love you and you know that.",
"Oo naman. Alam ko 'yan. And thank you for your love. Hindi ako makaka.move on kung hindi dahil sa tulong mo.",
Marjorie's POV
"Oo naman. Alam ko 'yan. And thank you for your love. Hindi ako makaka.move on kung hindi dahil sa tulong mo.", wow ang sakit lang.
"Then, Bakit hindi mo ako kayang mahalin?.", I know, I caught him off guard. Oo sinsabi niyang naka move on na siya pero hindi ko kayang paniwalaan 'yon eh. Iba kasi ang nakikita ko sa mga mata niya. Ni hindi nga niya magawang sabihin sa akin na mahal niya ako eh.
Bakit ba ang mga babae ay mga dakilang tanga at martyr. Isa na ako dun. Pwede na pala akong magpagawa ng rebulto sa pagiging martyr ko at e-display sa harapan ng bahay namin. Nasasaktan ako - oo. Pero pinilit ko pa ring pinaniwala ang sarili ko na darating ang panahon na mamahalin niya rin ako. Pero ang panahong iyon ay malabo na yatang mangyari, lalo nang nandito kami sa Pilipinas. Nakikita niya siya - si Kierra. Noong isang araw na nagkita kami with Kierra's friend, alam kong tumitingin siya kay Kierra ng panakaw. At masakit sa akin 'yon. Masakit na ang taong mahal mo ay may mahal na iba. Magkasama kayo pero wala naman sa'yo ang isip niya. Halata naman eh, kahit itago niya pa. .
BINABASA MO ANG
The Missing Piece
Non-FictionThis is a sidestory of Destined Chatmate: (The Missing Piece) Hanggang pangarap nalang ba ang paghahanap ko ng forever? Meron pa ba kayang bubuo sa nawasak kong puso?