Bren's POV
Bukas pa sana ang flight ko pabalik nang Pilipinas, pero sobrang na excite akong umuwi. Kaya naman bumili agad ako ng ticket ngayon kahit na sa 8PM na ang dating ko mamaya. Alam kong nakakabaklang isipin na ang isang lalaking gwapo at matipuno .. ay kinikilig. Oo, inaamin ko, kinikilig ako sa isiping makikita ko sa siya. Siguro makalipas ang isang buwan ay mas lalo na siyang gumanda ngayon. Hindi naman ganito ang naramdaman ko sa mga past relationships ko – sa kanya lang talaga. Kaya sobrang nagulat ako sa sarili ko ngayon. Ganito ba talaga ang feeling nang taong inlove? Nakakaboang na kasi eh, ngumingiti na akong mag-isa. Baka itakwil ako ng pamilya ko kapag naboang ako. Pero okay lang, kasi kong mabaliw man ako, sulit naman, kasi – siya ang dahilan. Naku wala na! Baliw na talaga ako. Iba na kasi ang tama ko eh!. .
"Excuse me sir, are you okay? Is there something wrong?", nagulat ako sa paglapit ng flight attendant. Ganoon na ba talaga ako kabaliw, na kahit ang mga tao sa paligid ko ay nababahala na.
"No. I'm fine. It's okay, nothing to worry.", napahiya tuloy ako sa sarili ko. Kaya natulog nalang ako.
Pag gising ko ay malapit nang mag landing ang eroplano sa NAIA airport. Kaya inayos ko na ang mga dala ko. Tinawagan ko si Rafael. Siya lang ang nakakaalam, ayokong ipaalam sa iba, kasi ang iingay nun eh, lalo na si Peter. Baka sabihin pa nila kay Kierra na nandito na ako. Gusto ko kasi siyang e surprise.
"Raf, nandito na ako sa airport. Nasaan ka na?", usapan kasi namin nasusunduin niya ako. Alam niya din kasi na pupuntang bar sina Kierra, nagtext daw kasi si Tori sa kanya.
"Oo bro, malapit na ako. Atat ka naman masyado. Heheh", napatawa nalang ako sa sinabi niya.
Maya-maya pa ay nakita ko na siya sa labas ng airport. May dala siyang sasakyan syempre.
"Dederetso na ba tayo sa bar bro?",
"Akala ko ba ako ang excited? Heheh Hindi. Sa bahay na muna, ibababa ko lang 'tong mga gamit ko.", kaya naman sa bahay na kami dumeretso.
"bro nasa bar na daw sila, kanina pa.", untag sa akin ni Raf nang nasa mini bar kami ng bahay namin.
"After 30 minutes punta tayo.",
"Eh bakit after 30 minutes pa? Anong hinihintay natin, pasko?", binato ko siya nang ice galing sa ice box. Sobrang excite naman yata 'tong lalaking 'to.
"Ah basta, mamaya na. Huwag mong etext si Tori ah, patay ka sa'kin.",
"Oo na. Bakit ka ba parang matatae diyan, e magpapakita ka lang naman kay Kierra. Siguro...natotorpe ka noh? Wahahah", hayun! Binato ko ulit siya nang limang ice cubes. Nagkada-iwas-iwas naman siya sa akin. Sukat ba namang sabihing natotorpe ako? Pero hindi nga ba? Uh! Nakakainis, bakit ngayon pa ako magkakaganito. Kinakabahan ako.
"Huwag mo nga akong pakialaman, bwesit ka!", tumawa naman siya nang tumawa. Nang-iinis lang! "Tara na nga.", aya ko nalang sa kanya kesa mabugbog ko pa 'tong mokong na 'to.
BINABASA MO ANG
The Missing Piece
Non-FictionThis is a sidestory of Destined Chatmate: (The Missing Piece) Hanggang pangarap nalang ba ang paghahanap ko ng forever? Meron pa ba kayang bubuo sa nawasak kong puso?