"Naku Weng malapit ka nang manganak!", excited na sabi ni Misty. Nagkita-kita kami ngayon 'coz it's been awhile na din kasing hindi kami nagkakasama. At oo, malapit nang manganak si Weng. Nakasal na din kasi sila ni Jes. It was indeed a happy ending for them.
Ako kaya? Kailan ako magkakaroon ng happy ending? Sa tingin ko hindi na ako magkakaroon kahit na kailan pa. Parang galit kasi sa akin si tadhana eh. Grabe naman kasi kong makasakit, tone-toneladang heartaches din.
"Earth to Kierra!", bulalas ni Tori sabay pitik ng darili niya sa harapan ko.
"Anong nangyayari sa'yo Kier? You're out of this world. Saan kana nakapunta?", I just rolled my eyes on Audrey.
"Kierra, kong nasasaktan ka man, sabihin mo. Huwag 'yang tatahimik ka nalang diyan. Nag-aalala lang naman kami sa'yo.", sabi ni Weng. I smiled at her. I missed her, matagal ko siyang hindi nakasama.
"Thanks guyz. But you know, I just need some breath of fresh air.",
"Gusto mo magbakasyon Kier?", tanong ni Kookie.
"Parang ganoon na nga. . Gusto kong umuwi sa probinsiya namin - sa Leyte.", natahimik naman sila sa desisyon ko. First time kasing lalayo ako nang dahil sa heartbreak.
"Kailan mo planong umalis?", tanong ni Ellie. .
"Hindi pa naman final, pero pag-iisipan ko pa. Alam niyo naman na mahirap mag file nang leave sa opisina. Dapat five weeks before the day of the leave , dapat naka file na.",
"Alam mo, siraulo din 'yang kompanya niyo noh? Ang strict te! Sino ba ang nasa management? Si Obama?", inis na sabi ni Misty. Galit lang te? Hehehe
"Eh ganoon talaga. Pero guyz, ano sa tingin niyo?", tanong ko sa kanila.
"Para sa akin Kier, I'll support you all the way. Mabuti din siguro 'yan.",
"Susuportahan din kita Kier, basta mag-ingat ka lang dun.", segunda naman ni Ellie.
"Kier, sasama ako sa'yo. Feel ko din magbakasyon eh.", hirit naman ni Audrey. Sabagay, lahat naman kami sobrang stress sa mga trabaho namin. Mas lang ang sa akin dahil kasabay ng stress sa trabaho ay stress din ang puso ko.
"Bakit 'drey? Brokenhearted ka rin ba?", tanong ni Tori.
"Bakit Tori, brokenhearted lang ba ang pwedeng magbakasyon?", uhhmm sabagay naman may punto si Audrey.
"Eh bakit ka ba magbabakasyon 'drey?", kuryosong tanong ni Weng.
"Eh wala lang, matagal ko na din kasing gustong umuwi sa amin. Tsaka nitong mga nakaraang araw ang dami naming mga shoots, kaya pagod ako.", pareho kami ni Audrey na taga-Leyte, pero magkaiba lang ang lungsod namin. May karapatan din naman siyang magbakasyon diba?
"Sabagay 'drey, ang payat mo na. Umuwi ka sa inyo at kumain ka ng marami. Hehehe", sira talaga 'tong si Misty oh. .
"So mawawala kayo dito sa Manila. Ilang taon naman ang tagal niyo dun?",
"OA ka naman Kookie, taon talaga? Hindi ba pwedeng dalawang linggo lang.", saway naman ni Audrey.
"So I guess, matutuloy na rin ang bakasyon ko. Kailan tayo 'drey?", tanong ko naman kay Audrey
"Sa susunod na buwan nalang para makapag.file ka ng leave sa office niyo.", sagot naman ni Audrey. Sana naman makalimutan ko na si Bren sa bakasyon na 'to. Sana naman matahimik na ang buhay ko. Lalayo ako para magkaroon naman ako ng panibagong simula. Gusto ko nang ibang environment. Magulo kasi ang Maynila, kasing gulo nang isip at puso ko.
"Basta mag-ingat kayo ha.", paala ni Weng sa amin.
"Uu naman noh. At tsaka, hindi ka pa makapanganak, nandito na kami.", promise ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. . . "Kier, makakaya mo 'yan. Nandito lang kami. Hindi ko naman hahayaan na maging malungkot ka, o sino man sa inyo. Ako nga pinasaya niyo eh, noong mga panahon na gulong-gulo din ako sa nangyayari sa akin.",
"Ganyan naman tayo diba? Ang tunay na magkakaibigan, nagdadamayan, nagmamahalan, at...",
"Naglalaitan! Ahahahaha", sabay-sabay na sabi naming lahat. .
"hahaha Tama! Kaya nga sisimulan ko na ang panlalait.", sabi ni Tori sabay hawak sa ulo niya na parang nag-iisip. "Ikaw Kookie, lagi ka nalang walang alam sa direksyon ng mga lugar, saan ba nakalagay ang utak mo?", puna niya kay Kookie. Tama naman kasi, walang sense of direction itong si Kookie. Lagi nalang nawawala. Napasimagot nalang si Kookie. Lahat naman kasi nakikinig kapag si Tori na ang magsasalita.
"Ikaw Ellie, lagi ka nalang nagdi-drawing, may mapapala ka ba niyan? Iyong last drawing mo na babae, parang nakalunok ng isang buong apple sa laki ng pisngi. Ayos-ayusin mo rin pag may time.",
"Wow, grabe ka makalait Tori ah. Kong makalait ka parang ang galing-galing mong mag-drawing, nahiya naman ako sa straight line mo na hindi naman straight.", napatawa nalang kaming lahat sa sinabi ni Ellie. Hindi naman din kasi kagandahan mag drawing si Tori at tanggap niya naman iyon. Kaya nga siya nalang ang naging critic sa mga gawa ni Ellie.
"Hoy Ellie, tanggap ko naman na wala akong pag-asa sa drawing. Kaya hindi na ako nag-abala pa. Tsaka. . bakit napunta sa akin ang lait, hindi pa ako tapos. .", sabi naman ni Tori.. . Palaban talaga 'tong babaeng 'to. Kaya natahimik nalang si Ellie.
"Uhmm. . Ikaw Audrey, ang ganda-ganda mo. Ang ganda-ganda mong tanga! Hanggang ngayon Giovanni ka pa rin nang Giovanni, hindi ka ba nalalason sa pangalan ng lalaking 'yon?",
"Ouch! Sapol na sapol Tori.", tanging nasabi nalang ni Audrey, dahil alam niyang totoo naman ang sinabi ni Tori.
"Ikaw Weng. .",
"oh anu ako Tori? Ayusin mo.....", nanlilisik na matang sabi ni Weng kay Tori. Hehehe Ang kulit tingnan. Hehehe
"hehehe, ikaw Weng, exempted ka! Kasi baka may masabi akong hindi mo magustohan at makaanak ka diyan ng wala sa oras. Hehehe", ayun oh! Minsan kasi, takot si Tori kay Weng. .
"Ahh mabuti naman kong ganoon Tori dear, nagkakaintindihan tayo. Heheh ", sabi ni Weng
"Ikaw Kier. . Uhmm pwedeng bigyan mo naman si Audrey, Kookie at Ellie ng konting dibdib. Huwag Kang gahaman! Hehehe", aba't... .
"Siraulo ka talaga Tori. .ahahah dibdib ko talaga pinag tripan mo.", which is totoo naman, silang tatlo, medyo hindi ganoon ka gifted. .heheh
"At, .last but not the least. Ikaw Misty, ang lakas mo kumain, baka ngangawa ka kapag tumaba ka. Konting-konti nalang at tataba ka na te. And for sure, kapag nagka boyfriend ka, mamumulubi at mamomoblema ang magiging boyfriend mo, dahil 90% of your relationship is figuring out where to eat. Kaya pumili ka nang mayaman te.", litanya niya kay Misty. . At napanganga talaga si Misty sa sinabi ni Tori. Napatingin siya sa katawan niya na parang hindi makapaniwala. Hehehe minsan talaga ang harsh nitong si Tori, walang break! But infairness, totoo naman lahat ng 'yon. At hindi naman kami nagagalit sa mga ganoong katotohanan. We love the imperfections of one another. Kaya nga kahit minsan, wala pang deep misunderstanding sa amin. Alam kasi namin na hindi kami perpekto, at nandito kami para sa isa't-isa para buuin ang imperfections na iyon at maging perpekto para na rin isa't-isa. Minsan nga sinabi namin na hindi namin kailangan ng lalaki sa buhay namin. Pero mali naman kami dun. Kapag nakakita ka talaga ng taong mamahalin mo, mawawala na lahat ng pinag-usapan at pinangakuan. Kaya sinusuportahan nalang namin ang isa't-isa.
I'll surely treasure every moment with them. ..
==========
*Friendship goals!! hehehe Thanks guyz for the friendship... I love you all. .

BINABASA MO ANG
The Missing Piece
No FicciónThis is a sidestory of Destined Chatmate: (The Missing Piece) Hanggang pangarap nalang ba ang paghahanap ko ng forever? Meron pa ba kayang bubuo sa nawasak kong puso?