Hindi ko nasagot si Kenneth sa tanong niya kahapon kaya medyo naguilty ako. Sinabi ko nalang sa kanya na sa tamang panahon. Pero nagulat ako sa sinabi niya.
Flashback:
"Alam kong hindi dapat ako magmadali Kier. I know you've been hurt so much.", napakunot ang noo ko sa sinabi niya. May alam ba siya? Sinabi ba ni Bren sa kanya lahat? Malamang sinabi niya, magkababata sila eh, at dalawang buwan din namalagi si Bren sa Africa, so siguro nasabi niya.
"What do you mean?", tanong ko pa din sa kanya kahit may hinala na ako kung bakit nasabi niya 'yon.
"I know about you and Bren.", well, that's it! Confirmed. Sinabi nga ni Bren sa kanya. "Alam kong nasaktan ka sa ginawa ni Bren, at nasabi din kasi sa akin ng mga kaibigan mo.", mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Sinabi nina Ellie sa'yo?",
"Oo, pero prior to that, sinabihan din ako ni Bren, though hindi niya sinabi sa akin ang dahilan niya at kong ano talaga ang nangyari . 'Yong unang pagkikita natin sa park, hindi ko talaga alam na magkakilala kayo ni Bren.",
Napapailing nalang ako, .. " Sana lang hindi sinabi ng mga kaibigan ko sa'yo lahat. Tsk.tsk, mga pasaway talaga.",
"Huwag lang mag-alala Kier. Wala naman silang masamang sinabi tungkol sa'yo. Pwera lang dun sa kong matulog ka daw, nakanganga ka! Hehehe", nanlaki ang mga mata ko.
"What? Hindi naman ako nakanganga ah kapag natutulog. Mga walang hiya 'yon. Patay sa akin ang mga 'yon mamaya.", tumawa lang siya ng tumawa
"hehe Joke lang. Naniwala ka naman agad. Wala silang sinabi. Baka mapatay mo pa 'yong mga kaibigan mo, kasalanan ko pa.",
"Ikaw kaya patayin ko Ken. Nagtitrip ka na naman. Nakakainis!", nakasimangot kong sabi sa kanya.
"Papatayin mo ako sa sarap Kier? Hahahaha", naku umandar na naman ang kalokohan nito.
"Ha-ha-ha . . Asa ka pa. Wala kang mapapala sa akin.",
"Ouch. .Ang sakit naman!!! hehe ", sabi niya sabay hawak sa dibdib niya. . . "Pero seriously speaking Kier. Kong hindi ka pa ready, okay lang naman. Maghihintay ako.",
"haaay, Thanks Ken. ", sabi ko sa kanya while sipping my drinks. "Boyfriend ng kapatid mo si Bren, alam mo naman siguro na awkward para sa akin ang sitwasyon, diba? Sana maintindihan mo.",
"I know Kier. Kaya nga nandito ako para sa'yo. Tsaka nagpaalam na ako kay Bren na liligawan kita. Okay naman sa kanya.", dapat akong maging masaya diba, kasi may lalaking tutulong sa akin na mag move on. Pero bakit may lungkot pa din nang malaman kong okay siya na ligawan ako ng kababata niya. Wala na talaga siyang feelings sa akin. Naka move on na siya. May girlfriend na nga eh!. Awkward nga lang. Ang liit kasi ng mundo eh, may koneksyon talaga ang lahat ng taong nakapaligid sa akin. .
End of Flashback:
"Haaay!",
"Ang lakas ah! Nagsasalita ako dito, hindi mo rin naman pala ako pinapakinggan.", Oo nga pala, kasama ko si Barry ngayon. Nandito kami sa isang coffee shop.
"Sorry Barry. May iniisip lang ako.", hinging-paumanhin ko sa kanya.
"Okay lang. Ano bang problema?", tanong niya sa akin.
"Sasabihan kita sa tamang panahon, hindi ko pa moment ngayon. Ikaw muna, dali na, sabihin mo sa akin kong bakit umalis ka.", na curious ako sa lalaking 'to. Ilang buwan lang kaming hindi nagkita, pumuti na ang mukha niya. Mas maputi pa sa akin, ang bading tingnan.
BINABASA MO ANG
The Missing Piece
Non-FictionThis is a sidestory of Destined Chatmate: (The Missing Piece) Hanggang pangarap nalang ba ang paghahanap ko ng forever? Meron pa ba kayang bubuo sa nawasak kong puso?