CHAPTER 24

75 7 11
                                    



Pursigido si Kenneth sa panliligaw niya. Pero ni minsan ay hindi pa siya nakabisita sa bahay. Nag-aalangan pa kasi akong makilala siya ni tatay, baka kasi anong isipin nun. Hindi naman sa hindi ko gustong sa bahay ako ligawan, pero naman, si tatay kasi, advance ang isip lagi. Kaya, saka ko na muna papupuntahin si Kenneth sa bahay. Usually kasi, sa labas ng opisina siya maghihintay o di kaya kapag may shoot kami. Lumalabas kami, like going to a restaurant, watching movies, mall hopping, minsan kasama ang barkada sa bar, minsan din sa park kaming dalawa at kung saan-saan pa. At infairness naman, consistent siyang pasayahin ako. Never akong na bored kapag kasama siya. Naging comfortable na nga ako sa kanya eh. Ang gaan kasi niyang kasama. Kagaya ngayon, day off ko, hindi naman ako busy at nagyaya siyang mag-mall. Akala ko naman manonood kami ng movie, 'yun pala ay sa world of fun lang kami pupunta. And guess what? Maglalaro daw kami ng basketball. 'yun oh!, hindi ko sport ang basketball, kung si Tori 'to ay malamang na nagtatatalon na 'yon sa tuwa na parang bata. May pagka-sporty kasi si Tori. Pero ako? No way! Girl na girl ako. Mahihiya ang pagong sa kahinhinan ko.

"E-swipe mo 'yung card Kier para makapaglaro na tayo.", card na pala ang gamit nila ngayon, noon kasi ako ay coins ang gamit. Nagbago na pala? Ilang taon ba akong hindi nakapunta sa ganito? Haaaay, marami yata akong na-miss sa teenage life ko ah!. Ito namang si Kenneth parang bata, pero gwapo pa din. May pagka isip-bata palang 'tong isang 'to. Nakahanda na siya para mag-shoot.

"Kier, lahat ng maso-shoot ko ay para sa'yo ah.", sabi niya sabay kindat. Diyos ko, sumikip yata ang dibdib ko sa kindat niya. Ang cute niya pala tingnan, parang maginoo pero medyo bastos. Kong ang ibang babae siguro kapag kinindatan niya, nagtititili na siguro. Pero ako? Syempre, Maria Clara eh. Kaya smile lang muna. Nakakahiya naman kong tumili ako.

"Sige, magche-cheer nalang ako sa'yo. E-shoot mo lahat ah.", masiglang sabi ko naman sa kanya.

"Oh bah, ikaw pa! San mo pa gustong e-shoot ko?", huh? Mabilis naman ang pick-up ko sa sinabi niya kaya nahampas ko kaagad siya. Pilyo talaga 'tong isang 'to, parang si Barry lang. Teka..teka.. si Barry kaya komosta na?. Uhmmm... etetext ko nalang mamaya.

"Siraulo ka talaga. Sige na simulan mo na.", at kumindat pa siya bago nag-shoot. At ang galing niya ah, varsity player ba siya? Tatawa-tawa nalang ako kasi kapag nakaka-shoot siya ay kumikindat siya sa akin.

"Hoy, hindi kaya masira yang mata mo sa kakakindat jan. Para kang sira! Hehe", malaki ang score na nakuha niya, highest yata! Kaya papalakpak nalang ako.

"Hindi naman nakakasira ang ganda mo Kier. Nakakalinaw nga ng mata eh! Hehe",

"Naku, humihirit kapa jan.", hindi talaga siya nauubusan ng hirit. .

"Totoo naman ah..",

"Oo na..sige na.. totoo na kong totoo. Hehe 'san ka susunod na maglalaro?", Minsan, inisip ko na parang ang babaw naman kong maglalaro sa ganito, tsaka parang mga bata naman. Pero ngayon, napagtanto ko na hindi naman pala pabebe kapag nagpunta at naglaro ka dito. Isa rin pala ang lugar na ito para makapag-relax ang mga tao, mag-enjoy ang mga bata at palipas-oras na rin sa mga taong bored mag-ikot sa mall.

"Doon tayo sa may sayawan.", sabi niya tsaka hindi na ako nakatanggi pa, hinila na niya ako eh. "Sasayaw tayo Kier.",

"What? Naku Kenneth, huwag mo akong pagtripan. Alam mo bang parehong kaliwa ang paa ko.", reklamo ko sa kanya. Juice colored, ako? Sasayaw dito sa maraming tao? Naku, wala pa akong planong masira ang buhay ko.

"Hindi kita pinagtitripan Kier. Seryoso ako. Hindi naman kailangan na magaling kang sumayaw, hindi naman 'to contest. Basta sundin mo lang ang movements na nasa screen, madali lang 'yan. Sige na!",

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon