Kumain kami sa isang ... . ... ... Filipino Restaurant. 5:30 PM na kasi, at ang sabi ni Amara ay gusto niya ang mga Filipino food. Mahilig daw kasi magluto ang mama niya. At nasanay sila sa mga Filipino food. Kaya din naman pala walang ka artehang kumain si Bren sa mga Filipino food na inihanda namin noong nag bakasyon kami.
Ang bubbly kasama ni Amara. Tapos ang dami niyang storya. Kaya naman gumana ang kadaldalan ko at ni Tori. Si Rafael, tatawa-tawa lang at nakikinig sa amin.
"At noong nag college kami ni Bren dito sa Pilipinas. Lagi kaming magkasama, kasi nga matagal na kaming hindi nakabalik ng Pilipinas.",
"Same school kayo? Same course din?", tanong ni Tori.
"Yeah same school. Pero Business Ad ang kinuha ko, at siya naman ay IT. I'm a year older than him, kaya naman close kami.", kaya naman pala, hindi naman pala naglalayo ang edad nila.
"Kaya 'yon, alam namin ang lahat sa isa't-isa. We're bestfriends. Ipinagtatanggol niya ako. At ipinagtatanggol ko din siya sa mga babaeng naghahabol sa kanya.",
"Habulin siya ng babae?", curious na tanong ko sa kanya.
"Sinabi mo pa Kier. Sumasakit ang ulo ko noon kasi hindi siya tinantanan ng mga babae hanggang sa nagka girlfriend siya.", nagka girlfriend siya. . Ano ba kasi ang iniisip mo Kierra, alangan namang hindi magka boyfriend, eh ang gwapo nung tao! Haaaaay. .
Bakit ba siya ang pinag-uusapan namin ngayon. Baka naman napatid na 'yon.
"Baka naman kong anu-ano na ang pinagsasabi mo tungkol sa akin sis.", huh? Tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ko siya. Pamilyar na sa akin ang boses niya. It gives me chills.
"hey there dear brother. Mabuti naman at iniwan mo 'yong ginagawa mo para pumunta dito.",
"Matatangghihan ba naman kita?", sabi niya sabay tingin sa akin. He sits in front of me. At parang nanunuot sa kaluluwa ko ang mga titig niya sa akin, kaya naman nag-iwas ako ng tingin. Tingin ko tuloy ay pulang-pula ako. Bumabalik na naman sa akin ang mga pinag-usapan namin nung si Nicholas pa siya. . Napapikit ako saka bumuntong-hininga.
"I know na hindi mo ako tatanggihan ng sinabi kong kasama ko si Kierra. Heheh I know you bro.", lalo akong namula sa sinabi ni Amara. Feeling ko tuloy, babaeng-babae ako.
"Bro, komosta na si Jade?", tanong naman ni Rafael. Seriously? Sinabi niya sa mga kaibigan niya? Akala ko ba ang mga lalaki ay hindi mahilig magkwento?
Tiningnan ko ng masama si Bren. Nagkibit-balikat lang siya. Mas lalong ayokong makita na siya. Lang hiya! Iba kasi ang feeling kapag male friends mo ang makakaalam. Medyo awkward.
"I think she's fine bro.", inismiran ko lang siya. . Busy naman sa pagkain sina Amara at Tori.
Maya-maya pa ay nagpaalam na si Amara, mauna nalang daw siya dahil may pupuntahan pa siya.
Hindi naman kami makaalis dahil sabi niya dapat mag-enjoy daw kami. E paano naman ako mag-eenjoy kong ang nararamdaman ko ay puro hiya.
Hindi ko nalang kinikibo si Bren, at kina Tori at Rafael nalang ako nakikipag-usap. Hindi naman nagtanong ang dalawa kong bakit ganoon ang trato ko kay Bren. Mabuti na rin'yong para wala ng paliwanagan.
"Why don't we watch a movie?", suggestion naman ni Rafael. Seriously? Dinamay pa kami, e si Tori lang naman ang gusto niyang makasama.
"Kayo nalang ni Tori Raf, uuwi na ako. Nagtext na sa akin si Tatay eh.", tanggi ko sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/45072234-288-k334157.jpg)
BINABASA MO ANG
The Missing Piece
Non-FictionThis is a sidestory of Destined Chatmate: (The Missing Piece) Hanggang pangarap nalang ba ang paghahanap ko ng forever? Meron pa ba kayang bubuo sa nawasak kong puso?