Hinatid kami ni nina Misty sa pier kong saan kami sasakay ni Audrey nang ocean jet patungong Leyte. This is it! A breathe of fresh start. Pinili namin ni Audrey na sa likod pumwesto para kita namin kong gaano kalawak ang karagatan.
"Sana ganyan din kalawak ang pagmamahal ni Giovanni sa akin.", biglang sambit ni Audrey. Nakaupo kami ngayon habang nakaharap sa dagat. Naguguluhan din ako kay Audrey. Maganda naman siya, sexy, model, pero bakit hibang na hibang siya sa Giovanni na 'yon. He's not deserving. Nandiyan naman sana si Joshua. Pero naisip ko din, kapag nagmahal ka, lahat ng bounderies mawawala na talaga. Kahit na tangang-tanga ka na sa paningin ng iba, pero para sa'yo sakto lang ang ginagawa at nararamdaman mo. Kung bakit naman kasi titibok-tibok pa si puso sa taong hindi naman karapat-dapat. Kung pwede lang naman turuan ang puso na magmahal ng iba, siguro matagal ng ginawa ni Audrey iyon, at malamang ako din.
Dalawang linggo kami doon at napagkasunduan namin na sa amin siya tutuloy for a week. And the next week ay sa kanila naman ako. Malapit nang dumaong ang ocean jet sa pier ng Ormoc. Sasakay pa kami ng Van going to St. Bernand, Guinsaogon Leyte - hometown ko. It will take us about 5 hours siguro by Van. Mahaba-habang byahe din ang lalakbayin namin. For sure, pagod na pagod kami pagdating sa bahay nang lola ko. Doon kasi kami tutuloy.
Mga bandang hapon na nang makarating kami sa bahay ni Lola. Huminto ang Van sa tapat ng bahay. Wala pa ring nagbago simula nang huli akong umuwi dito. Kahit na maraming taon na ang nakalipas, ganoon pa rin, maganda pa rin ang bahay kahit luma na. At ang nagustuhan ko talaga dito ay ang mga bulaklak na tanim ni Lola - may mga orchids, Gumamela, African Daisy, Sampaguita, Gold Yarrow, Indian Blanket at Roses. Ang sarap sa mata ng mga bulaklak. Papasok na kami ng gate nang lumabas si Lola ng bahay.
"Kierra, apo. . He-he lalo ka naman gumanda. .", salubong sa akin ni Lola at hinalikan ako sa noo. That's what Lolas do talaga. Nakagawian na nilang sa noo humalik.
Ginantihan ko naman siya nang halik at hug! "Lola . .na miss ko po kayo. . sobra!",
"Ikaw na bata ka, agad-agad kang nagsasabi na bibisita ka dito, hindi tuloy ako nakapaghanda.",
"he-he biglaan din po kasi lola eh.", sabi ko sa kanya. .
"Sino naman itong magandang dilag na kasama mo?", natawa naman si Audrey.
"Lola, siya po si Audrey. Kaibigan ko po.", pakilala ko sa kanila
"Komosta po lola?", tanong ni 'drey sabay mano kay Lola.
"Mabuti naman ako apo. Dali kayo sa loob at magpapahanda ako nang meryenda niyo at nang makapag pahinga kayo pagkatapos. Sigurado akong pagod kayo.", nauna na si Lola sa loob at nakasunod nalang kami ni 'drey.
"This is what I love being in the province Kier. He-he.", agree ako.
Nagmeryenda kami habang sinasagot namin ang walang humpay na interview ni lola.
"May problema ka ba apo at biglaan ang pagpunta mo dito?", kuryosong tanong ni Lola. Nagkatinginan nalang kami ni Audrey. Ayoko din naman na mag-alala pa si Lola.
"Wala naman po Lola. Gusto lang po namin magbakasyon. Pupunta din kasi kami kina Audrey sa susunod na linggo.", paliwananag ko sa kanya
"Ah mabuti naman at nagkaroon ka nang time na bumisita sa akin dito.", naka-pout na sabi ni Lola. Seriously la? Ang cute lang nang pag-pout ha. Heheh
"Siyempre naman po La. Basta may time ako, bibisita ako dito. Love ko kasi kayo eh!",
"Naku nambola ka pa. .", hehe napakamot nalang ako sa ulo ko.
BINABASA MO ANG
The Missing Piece
Kurgu OlmayanThis is a sidestory of Destined Chatmate: (The Missing Piece) Hanggang pangarap nalang ba ang paghahanap ko ng forever? Meron pa ba kayang bubuo sa nawasak kong puso?