I know some of you ay maguguluhan nito. Pero ang technique lang ho diyan ay basahing mabuti. hehehehe. .basta ho, e connect niyo nalang.. heheh
-----------------------------------------------------------------------
Bren's POV
The time when Bren went toAfrica......
Kailangan kong umalis. Labag man sa kalooban ko ay kailangan kong gawin. Oo,nalungkot ako noong bago pa lang kaming magkakilala ni Kierra. Nabalitaan ko kasi noon na may may boyfriend na siya, ako naman nang mga panahon na iyon ay may Jade na sa buhay ko. Pero sino ba ang mag-aakala na si Kierra at Jade ay iisa. Noong una ay nagulat talaga ako, halos hindi ako makapagsalita nang makita ko si Kierra sa monitor when we had skype call. Isang bahagi ng puso ko ang natuwa,ang isang bahagi naman ay kinabahan. Ang pagkakakilala ko kasi kay Kierra ay matapang, direktang tao, seryoso at misteryoso. Nang malaman kong siya si Jade, after that call, halos mapasayaw ako sa tuwa. Pero nagdesisyon siyang maghiwalay kami dahil nga may personal siyang rason. Naintindihan ko din naman siya, dahil ako din naman na-awkwardan sa mga pangyayari. Humingi siya ng space, at ako naman si gago, ay hinayaan siya. Kung hindi ba naman ako gago ay wala sana ako ngayon dito (Africa) .
Sinadya kong huwag magpa-alam sa kanya, dahil kapag ginawa ko iyon ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya iwanan. Kailangan niya din ang space na binigay ko.
"O pare, anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito? Napauwi ka yata?", andito ako sa mini bar nang bahay namin. Tinawagan ko ang kababata kong si Kenneth para magpunta dito. Matagal ko din siyang hindi nakita.
"Wala lang pre, gusto ko lang magbakasyon. Mag relax kong baga.",
"Akala ko ba workaholic ka at wala sa bukabolaryo mo ang salitang bakasyon? Bakit yata----",
"basta magbabakasyon ako, huwag kang tanong ng tanong. Uminom ka nalang.", sabi ko sa kanya sabay bigay sa kanya ng bote ng beer.
"Ahh. .bakasyon nga ang ipinunta mo dito, klarong klaro sa reaksyon mo eh. Hehe", napapailing na lang ako sa sinabi niya. Bestfriend ko talaga siya dito. Alam na alam niya ang takbo nang utak ko. At hindi ako makakapag sinungaling sa kanya.
"Ang hirap pala pre, mahal niyo ang isa't-isa pero kailangan pang may space dahil hindi pa siya ready.",
"Ano ba kasi ang nangyari?", tanong niya. Kaya ikunwento ko sa kanya lahat.
"Eh halata namang mahal ka nun. Hayaan mo muna siya. Mabuti nga iyong umuwi ka dito eh. Sabi nga nila 'Absence makes the heart grow ponder.'",
"Hahaha. Saan mo naman nahukay 'yang kasabihan na iyan tol.",
"Naku tol, effective 'yan! Kaya huwag kang mag-alala, nami-miss kana nun. Hayaan mo muna.", tsk.tsk.tsk ayokong ma hopeless romantic katulad ng mga babae. Pero wala namang masama kong paniwalaan ko 'tong kaibigan kong 'to. Hindi man ito seryoso sa mga babae, ay matino naman ang utak nito. At kapag kailangan mo talaga ng advice ay nandiyan naman siya lagi.
BINABASA MO ANG
The Missing Piece
No FicciónThis is a sidestory of Destined Chatmate: (The Missing Piece) Hanggang pangarap nalang ba ang paghahanap ko ng forever? Meron pa ba kayang bubuo sa nawasak kong puso?