It's been almost a month since Bren went back in Africa. First week was like a living hell talaga kasi nami-miss ko siya. Iniyakan ko nga ang pagsisisi kong bakit hindi ko siya pinigilan agad, pero nang kalaunan ay nakaya ko din na wala siya. Mahirap nga lang, pero keri naman.
Lagi din nila akong inaaya mag-mall at mag-bar. Alam kong ginagawa nila ito para sumaya ako. At na appreciate ko naman iyon. Kaya nga hindi ko nalang iniisip masyado si Bren. Unfair naman eh, ako lang lagi ang nag-iisip sa kanya. Hindi ko alam kong iniisip din ba niya ako. Noong umalis siya, hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Ni isang salita – wala! Nakakasama ng loob pero inintindi ko din siya.
Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon. Umaasa ako araw-araw na tatawag siya, o di kaya magtext siya – pero wala eh. Nag-skype ako sa paniwalang baka mag online siya – pero wala rin. Minsan nga iniisip ko na hindi totoo ang lahat ng sinabi niya sa akin noon. Ngayon, para akong nakalutang sa kawalan.
Kaya inaliw ko nalang ang sarili ko sa ibang bagay. Minsan din nag skype ako para makakita ng makakausap, pero walang mga matitinong tao sa chatrooms. Kaya naman ang pagba-bar ang nakahilig na naming magbabarkada.
Bukas ay ang ika-isang buwan na ni Bren sa Africa. Sabi nila ay isang buwan siya doon. Kaya naman excited na akong makita siya. Isang buwan ding wala kaming komunikasyon. Tiniis talaga niya ako.
Nagkayayaan kaming magbabarkada na mag-bar ulit ngayong gabi – minus Weng.. Last na siguro ngayong gabi kasi nga kapag dumating na si Bren, siya na ang kasa-kasama ko. Kahit naman siguro wala kaming komunikasyon ay hindi niya ako kinalimutan.
"Oy Kier, sabi ni Rafael baka bukas daw ang dating ni Bren.", sabi ni Tori. Dito kami ngayon sa labas ng VIP room naka table. Puno kasi ang mga VIP rooms nila. Nalimutan naming magpa reserve, kaya tiis muna kami dito sa labas, sa mga tables na available.
"Excited ka na bang makita siya Kier? Isang buwan din kayong hindi nagkita, magkakaanak na kayo niyan. Heheh", huh? Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Misty. At alam ko kong ano ang ibig niyang sabihin.
"Anak agad Misty? And FYI, hindi ko gagawin 'yang iniisip mo. Wholesome ako.", sabi ko sa kanya sabay flip ng hair ko. Medyo napapainom na din ako, tipsy na eh.
"Hehe joke lang Kier. Pero seriously, excited kana?", tanong niya ulit.
Huminga ako ng malalim sabay sabing . ."sobrang excited! Hehe", hindi ko na mapigilan ang mapahagikhik. Iba na talaga ang tama ng nainom ko.
"Well, since baka bukas dumating na si Bren, then sulitin na nating ang gabing ito. Let's rock 'n roll to the world!.", ahahah na shocked naman kami kay Audrey. Saan ba niya nalalaman 'yang rock 'n roll to the world na 'yan. Ahahaha
"Okay! Okay! Inuman naaaaa. .at Sayawan naaaa. . ", sabay na sigaw naman nina Ellie at Kookie. Seriously? Kailan pa naging wild 'tong mga 'to. Hahahah mga baliw talaga.
Kaya naman inuman dito, inuman doon. Sayawan dito, sayawan doon. Wala na! Mga baliw na talaga kami. Kami na naman ang pinagtitinginan ng mga tao sa paligid. At wala kaming pakialam sa kanila. Hehehe
Hanggang sa mapagod kami at bumalik na sa table namin. I'm so thirsty, kaya naman inisang lagok ko ang alak na nasa lamesa. And feel ko ay lasing na ako! Hindi na ako makapag-isip ng maayos.
"Hi beautiful.", napaangat ang tingin ko sa lalaking nasa table namin. Hindi ko namalayang nakalapit siya sa amin. Hilo na nga siguro ako. May kasama siyang dalawa pang lalaki na kausap naman nina Misty.
"Hello there.", bati ko naman sa kanya.
"Can I buy you a drink?",
"Do you know what that question means to me? It means Can I have sex with you!", nakita ko naman ang pagkabigala niya sa sinabi ko. I smirked at him.
BINABASA MO ANG
The Missing Piece
Non-FictionThis is a sidestory of Destined Chatmate: (The Missing Piece) Hanggang pangarap nalang ba ang paghahanap ko ng forever? Meron pa ba kayang bubuo sa nawasak kong puso?