Magkikita kami ni Kenneth ngayon. We need to talk. Napagdesisyonan ko nang tapusin nalang, hindi dahil sa mga narinig ko mula kay Bren, pero gagawin ko 'to para sa sarili ko, at para na rin sa kanya. I know from the start na kahit isaksak ko sa utak ko na mahal ko si Kenneth, iba kasi ang tibok ng puso ko.
Akala ko rin kasi wala na siya sa sistema ko. Akala ko matatag na ako. Akala ko kaya ko na, pero hindi pa rin pala. Ang hirap kalabanin ng puso.
Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko si Kenneth, pero kailangan.
Mas pinili kung sa simbahan kami magkita para naman gabayan kami nang Panginoon sa mga desisyon namin sa buhay.
"Hi, kanina ka pa?", untag ko sa kanya. Ang awkward ng feeling.
"Hi. Kadarating ko lang din.", tumayo siya para bigyan ako nang halik sa pisngi.
Nagdasal muna ako bago kami mag-usap. Pagkatapos kung magdasal ay tumabi na ako sa kanya.
"Bakit kaya sila naging Santo?", turo niya sa mga santong nasa harapan namin.
"Hindi ko alam eh! Ikaw ba alam mo?", tanong ko sa kanya. .
"Sabi nila,naging santo sila, dahil mga martyr sila.", martyr! Nahugot ko nalang ang hininga ko. "Ako kaya, kailan kaya ako magiging santo?",nilingon niya ako na nakangiti.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Hindi naman siguro ang pagiging martyr lang ang rason kaya sila naging santo. Iyong iba siguro, dahil sa kanilang ipinaglalaban. Sa kanilang kagitingan? Sa kanilang paninindigan?",ngumiti ulit siya, ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya. Hindi naman ako nagreklamo. Hawak-hawak niya ang isang kamay ko.
"Kier, hindi ko pinangarap na maging santo. Ni wala sa isip ko na magiging martyr ako. Sinabi ko sa sarili ko na ipaglalaban kita. Paninindigan ko ang pagmamahal na inalay ko sa'yo.", hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Naramdaman ko din na parang kinakabahan siya, nahihirapan siyang magsalita.
"Pero hindi ko pala kayang ipaglaban ka. . . kung sa simula pa lang talo na ako."
"Ken, hindi nama----", gusto ko sanang humarap sa kanya para makita ko ang ekspresyon ng mga mata niya, pero pinigilan niya ako.
"Sssshhh, be still. Pakinggan mo lang ako, okay?", hinawakan niya pa ang ulo ko at inapuhap ang buhok ko.
"Binago mo ako Kier. From being a player, a womanizer at kung ano pang itawag sa akin, binago mo ako. Pinakita mo sa akin na deserving din naman pala akong mahalin. Na despite sa mga kapintasan na meron ako noon, may tao pa palang tatanggap sa akin.", hindi ko mapigilan ang luha ko.Hindi ko inakala na may nagawa pa pala akong maganda sa kanya.
"You're an angel to me Kier. Pero tulad ng isang anghel, babalik at babalik din siya sa kung saan siya nararapat. Dapat akong magpasalamat sa anghel na 'yon. Hindi dapat ako malungkot kapag umalis na siya, kasi binago niya ako – binigyan niya ako ng kahulugan. Marami siyang pina.realize sa akin. Tinulungan niya ako. Kaya. . .thank you Kier,salamat. .", tuluyan na akong napahagulgol sa sinabi niya. .

BINABASA MO ANG
The Missing Piece
SachbücherThis is a sidestory of Destined Chatmate: (The Missing Piece) Hanggang pangarap nalang ba ang paghahanap ko ng forever? Meron pa ba kayang bubuo sa nawasak kong puso?