CHAPTER 16

98 6 13
                                    


Hindi pa tapos ang party pero nag-aya na akong umuwi. Sino ba naman kasi ang makakatagal sa ganoong paligid? Si Bren at Marjorie ang nakikita ko sa bawat sulok. Ang sweet nila. 


Sila nalang angnagpaalam kay Bren na uuwi na kami, hindi na ako sumama. Masama ang pakiramdam ko – sobrang sama na parang lalagnatin ako. Ikaw ba naman ang ma brokenhearted. Ako lang 'yong walang boyfriend pero na brokenhearted! Kakaiba si Kierra Jade Lopez! . .


Nauna na ako sa loob ng kotse at hinihintay nalang sila. Nakita ko na kausap pa nila si Bren. Maya-maya pa ay may kumatok sa bintana ng kotse, binuksan ko naman sa pag-aakalang si Tori lang o di kaya si Ellie. . Pero nahigit ko ang aking hininga ng pagbukas ko ay tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Bren. Imbes na kiligin ako, ay sakit ang naramdaman ko.


"Masama daw pakiramdam mo sabi nila?", Oo masamang masama ang pakiramdam ko at ikaw ang dahilan. Gustong-gusto kong isigaw sa kanya 'yon pero hindi ko magawa.


"ah Oo. .uhmm  Happy birthday nga pala.", iyon nalang ang sinabi ko. Gusto kong bawiin ang regalo ko sa kanya, pero nakakahiya naman. Pero bahala na. Pinaghirapan ko ang regalong iyon.


"Salamat. Sige, mag-ingat kayo ah. Pagaling ka.", tinangoan ko lang siya. Lumapit na din sina Misty. .


Sa buong byahe namin, walang gustong magsalita. Alam kong ingat na ingat silang tanungin ako. Kaya. ..


"That's it guyz. Maliwanag na maliwanag.", basag ko sa nakamamatay na katahimikan na namagitan sa amin sa loob ng sasakyan.


"Kanina pa ako nagtitimpi Kier, sasapakin ko na sana ang lalaking iyon", napalingon ako kay Tori na  nasa likuran umupo. .


"Huwag na Tori. Wala na tayong magagawa.", kinakalma ko nalang ang sarili ko kesa naman iyakan ko pa ng husto.


"Ganoon nalang 'yon Kier? Susuko ka na agad?", sabi naman ni Misty.


"Alangan namang agawin ko siya. Wala na akong pinanghahawakan ngayon.",


"That's not a bad idea, heheh. Why not agawin? Kayang kaya mo 'yan.", napapailing nalang ako. .


 "Hindi ako ganoon kadesperada Kookie.", ibinaling ko nalang ang tingin ko sa labas ng bintana.


Ayokong magpakababaw. Kung magpapakatanga ka lang din naman ako, dun nalang sa taong mahal ako. Hindi sa taong mahal ko nga, wala naman ibang ginawa kundi ang saktan ako. Unfair ang tawag doon. Walang hustisya! 


Hindi ko naman namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Langhiya kang luha ka.


"Ilabas mo 'yan Kier. Umiyak ka kong gusto mo. Nandito lang naman kami eh.", sabi ni Misty na siyang driver namin ngayon. At doon na bumuhos ang mga luha ko ulit. Ang bigat-bigat sa dibdib eh.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon