CHAPTER 27

70 6 11
                                    



"Whaaaat? Sinabi niya 'yon sa'yo girl?", impit na sabi ni Barry na nakahawak pa sa noo niya. Ang bakla lang talaga te!

"Sobra ka naman maka-react diyan Barry.", si Barry ang kasama ko ngayon dahil busy sina Ellie. Hindi ko din mahagilap 'yong iba eh. At sinabi ko sa kanya ang engkwentro namin ni Bren. Kaya ganito nalang siya kong makapag-react.

At FYI, buong araw kong sinumbatan si Kenneth ng mangyari 'yon. Dahil kung hindi dahil sa suggestion niya ay hindi ganoon ang mangyayari.

"Eh kasi naman, ang taas ng tiwala sa sarili ng lalaking 'yon. Ipakilala mo nga sa'kin 'yon at nang mabigyan ko ng isang suntok.",

"Wow, akala ko ba ayaw mong manuntok dahil masisira ang manicure mo. At tsaka, baka hindi mo siya masuntok kasi masasayangan ka sa mukha niya.",

"Naku, pinagtatangol mo na naman.",

"Hindi ko siya pinagtatanggol, nagsasabi lang ako ng totoo. Tsaka, hindi ako nagsisisi sa mga sinabi ko sa kanya kahit gwapo siya.",

"Sabagay. ., ang tapang mo Kier. Anong nakain mo?",

"Sira! Na-realize ko lang kasi na kung paiiralin ko ang damdamin ko ay walang kabutihang dulot iyon sa'kin. Kaya I chose to move on.",

"You deserve to be happy din naman.", yeah . .alam ko na 'yan gusto ko sanang sabihin pero huwag na at baka masapak pa ako. Kahit bading si Barry, malaki pa rin ang katawan niya noh. Takot din akong mahampas, ang lakas pa naman manghampas ng mga bading.

"Barry, bakit ba kasi naging bading ka pa. Sana ikaw nalang maging boyfriend ko.", lambing ko sa kanya sabay hawak sa braso niya na naka-pout ang lips ko.

"Maghulos-dili ka nga jan Kierra. Tumatayo ang mga balahibo ko sa'yo.", ang sarap din asarin nitong si Barry.

"Sige na Barry magpakalalaki ka nalang. Ang hot mo kasi! Tapos sa tingin ko matigas ang ano mo. . .",

"Ang ano? Naku Kierra huwag mong ituloy. Kapag itinuloy mo yan ikaw ang kauna-unahan babaeng masasapak ko. .", parang nanlalamig na si Barry at parang tinakasan na nang kulay ang mga labi niya. Wahahahah

"Ang tigas ng abs mo girl. . Tapos iyong lips mo.. .", hinawakan ko ang mukha niya para matitigan ko nang husto ang labi niya. Ahahaha nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko.

"Ano ba Kierraaaaaaaaaaaa!!",

"hahahahaha ang OA mo talaga. Kung makasigaw ka diyan para naman ni-rape kita!", ang epic ng reaksyon niya, pramis! Hahaha "Aray naman! Kung makapingot ka ng tenga para ka naman nanay ko.", sinimangutan ko siya dahil piningot niya ang tenga ko. Pero ang sarap-sarap niya inisin, kaya hinalikan ko siya bigla sa pisngi. Hahahaha at para naman siyang palaka na lundag ng lundag dahil sa ginawa ko. Kumuha pa siya ng tissue para punasan ang pisngi niya.

"Hoy grabe ka ha! Wala akong virus. Kung makapunas ka diyan. Lika nga dito, ang arte mo te!", hinila ko siya paupo. Nag hysterical na kasi ay pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng coffee shop. Halos maluha naman ako sa kakatawa sa kanya.

"Kier, tama na please. Maawa ka sa beauty ko. Aatakihin ako sa'yo ng hindi oras eh.",

"Hehehe ang sarap mo kasi asarin friend. Tsaka, hindi ka ba natutuwa na napapasaya mo ako? Nakakatuwa ka kasi. Atleast hindi na ako madrama ngayon.",

"Naku! Oo na. Natutuwa na ako para sa'yo. Tsaka Kierra, huwag mo naman dalasan ang pagkatuwa sa akin, dahil baka mamatay ako ng maaga. Huwag 'yang ganyan ang ginagawa mo kapag natutuwa ka.", pagmamakaawa niyang sabi.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon