CHAPTER 13

113 8 11
                                    


Inaasahan ko na ang hangover na mararamdaman ko ngayon. Kong hindi ba naman parang fiesta at nagwala kami kagabi, edi sana hindi ganito ang nararamdaman ko.

Pero isa pa ang nagpapasakit ng ulo ko ngayon ay iyong parang nakita ko si Bren kagabi. Guni-guni ko lang ba 'yon o totoong nandito siya. Medyo lasing ako – oo, pero malinaw pa naman sa isip ko ang mga nangyayari sa paligid ko kagabi.

Pero speaking of Bren – sheeet! Ngayon ba ang dating niya? OMG! Nasaan ang phone ko?

Hanap . .

hanap......

hanap.... ayun!

"gggrrr Misty gising!, ang laki ng hita mo, mababasag ang phone ko. Maawa ka!", eh, bakit ba kasi napunta sa may hita niya ang phone ko.

Ang gulo namin matulog. Nasa iisang kwarto lang kami – sa kwarto ni Ellie. Kong anu-ano nalang ang mga posisyon namin. .

"Ano ba Kier, ang ingay-ingay mo.", sabi naman ni Audrey sabay hikab. . It's 9AM na kaya!. . Ang gulo-gulo pa ng mga buhok namin, pero magaganda pa rin. Pero .. wait! Ang phone ko nga eh. .

"Eh ang phone ko 'drey, nasa may hita ni Misty. Hindi ko makuha eh.",

"Sino ba kasi ang tatawagan mo at ang aga-aga pa.",

"Anong maaga, eh alas-nuwebe na kaya bruha. Tulungan mo nga ako dito.", kaya iyon, tinulungan naman ako ni Audrey na makuha ang phone ko. Nakapulupot pa kasi ang hita ni Tori sa hita ni Misty, kaya sobrang mabigat na.

Tinulungan ako ni Audrey na makuha ang phone, sabay naming tinulak si Misty. Not knowing na sa gilid pala siya ng kama nakahiga, kaya naman . . . .

***Booooogsss!!!!

"Araaay!.", napangiwi naman ako sa hitsura ni Misty na nahulog sa sahig.

"Sorry friend/mads", sabay na sabi namin ni Audrey. .

"Mga walang hiya kayo. Bakit ba kayo nanunulak? . .aray, ang sakit ng balakang ko.", sabi niya sabay tayo. .kaya inalalayan naman siya ni Audrey. At ako naman, ay hinagilap ang phone ko. Tatawagan ko si Bren at baka nandito na siya -kasi parang nakita ko siya kagabi talaga.

'The subscriber you are trying to reach is not in service.'

ggrrr.. . Dial again. . Pero ganoon pa rin. .

"Anong nangyayari, bakit nagkakagulo kayo?", hikab na sabi ni Tori. .sabay tingin sa akin na nakakunot ang noo. Kaya sumimagot nalang ako.

"Si Bren ba ang tinatawagan mo Kier? Tumawag si Rafael kaninang pauwi tayo. Sabi niya, hindi pa raw uuwi si Bren. Mag-eextend pa daw doon.", paliwanang ni Kierra.

"Huh? Bakit? Akala ko tapos na ang paghihintay ko. Ni hindi nga siya nagparamdam, ni ha-ni ho, wala. ", hindi ko maitago ang lungkot. Kaya tumulo nalang ang luha ko.

"Kier. .", lumapit naman si Audrey. . "ang taong nagmamahal, marunong maghintay.", pinahid ko ang mga luha ko. .

"Ang tanong 'drey, kong may hihintayin pa ba ako?", humiga ako ulit habang lumuluha na naman. .

"Hoy, anong nangyari jan?", si Ellie, bumangon na. .

"Ngayon, wala na akong pinanghahawakan. Ang sinabi niyang maghihintay siya, hindi ko alam kong nagbibiro siya, o pinapaasa lang niya ako.".

"Kier, subukan mo kayang mag message sa kanya sa skype.", Oo gagawin ko iyon.

Gagawin ko ang lahat para makausap si Bren. Skype, Facebook, Instagram, Twitter at iba pa.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon