CHAPTER 31

33 4 5
                                    


It's been two months na nang sagutin ko si Kenneth. Everything went well naman. I am happy being with him. Napaka caring niya at protective sa akin. I couldn't ask for more. This is what I deserve, right? Nakahinga na din ang puso ko sa mga sakit at sama ng loob. At two months ko na ding hindi nakikita si Bren. Wala din naman akong balita from Kenneth about sa kanilang dalawa ni Marjorie.

"Kier, ice cream ka ba?", jusko po, heto na naman siya sa mga pick up lines niya. . Nandito kami ngayon sa isang ice cream store. Mainit kasi ang araw, gusto lang namin magpalamig.

"Bakit naman ako naging ice cream?", tiningnan ko siya na nakataas ang kilay.

"Kasi. . .I'm melting for you. Boom!", hahaha ang lakas ng tawa ko, super! Baliw talaga 'tong boyfriend ko na 'to.

"Alam mo, kung anu-ano nalang ang pumapasok diyan sa utak mo Ken. May virus siguro 'yan.",

"Oo eh, ikaw ang virus na nakatira dito sa utak ko. .",

"ahahah tama na nga 'yang mga pick up lines na 'yan. Oo na, gwapo ka na. .",

"Pa-kiss nga, sige na Kier.. ", nang-aasar pa oh. Nakanguso pa talaga siya.. kaya ang ginawa ko, kinuha ko 'yong ice cream niya at nilagay sa nguso niya. Haleer!! nasa public place kaya kami. .Maria Clara pa rin ako noh. Hindi ako basta-basta nagpi-PDA.

"Ang sarap ng kiss, ang tamis at ang lamig!", sarkastiko niyang sabi. . Kaya tinawanan ko nalang siya.

Mga ilang minuto pa kaming nanatili sa ice cream store. Maya-maya pa ay napagpasyahan naming mag-mall. As usual, window shopping lang – hehehe. Aminin niyo, alam kong kayo din, window shopping lang din.

"Tawagan kaya natin sina Misty. May skating range daw na bagong bukas dito.",

*riingg *riinng..

"Oh Marj napatawag ka?", ah si Marjorie pala. May problema lang siguro. "Oo, mabuti 'yan, walang problema. Sige, hintayin namin kayo dito.", pinatay niya ang tawag ang bumaling sa akin.

"Huwag mo na tawagan sina Misty. Pupunta sina Marj dito, gusto din niya mag-skate. Double date nalang tayo.",

"Okay!", hinintay nalang namin sina Marj sa may skating counter.

Hindi naman nagtagal ang paghihintay namin.

"Hi Ken. Hi Kier.", napalingon ako

"Hi Marj. Kumosta?", nag smile ako sa kanya, then she gave me a beso-beso.

"Excited akong mag-skating.", parang batang sabi niya.

"Bren, pare, mabuti naman at napapayag ka nitong si Marj na magpunta dito.", tanong naman ni Kenneth sa kanya. Then, he looked at me na para bang may paghihinayang sa mga mata niya. Kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Ah wala din naman akong ginagawa kaya pumayag na ako. Hindi rin kasi kami nakakalabas ngayong mga nakaraang araw.", sagot naman niya . .

"Nakabili na ako ng tickets. Tara na!", hinila niya si Bren. Si Kenneth at ako naman ay sumunod nalang sa kanila.

May nag-guide naman sa aming kung ano ang gagawin, tsaka may nagtuturo rin. Ang saya palang mag-skate, para kang batang ngayon palang natutong lumakad. Kailangan mo ng gabay, kailangan mo ng may kahawak, kailangan mo ng may magtuturo sa'yo. At higit sa lahat, kailangan mong matutong mag-isa, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay may nakahawak sa'yo. Hindi sa lahat ng pagkakataon may magtuturo sa'yo. Kailangan mong maging malakas, kailangan mong matutong bumalanse at tantiyahin ang sarili mo.

Nang higit isang oras na kaming nag-skate, sa wakas natuto na rin akong bumalanse. Hindi naman pala masyadong mahirap, basta may tiyaga ka lang. Hinawakan ako ni Kenneth para sabay kaming dalawa, medyo mahina lang kami sa simula, pero nang magtagal na ay medyo lumalakas na ang takbo namin. Madami pa namang tao. Pero sa lakas ng takbo namin, hindi na kami marunong komontrol para huminto. Kaya naman kinabahan ako ng husto at kapit na kapit ako kay Kenneth. Siya naman ay parang gusto niya akong yakapin na hindi ko maintindihan. Kaya naman nangyari ang kinakatakutan ko. .

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon