CHAPTER 26

66 6 12
                                        


Habang lumilipas ang mga buwan ay mas lalong napalapit si Kenneth sa akin, ganoon din ako sa kanya. Lagi lang siyang nandiyan para sa akin. Lahat ng mga hirit niya ay nakakatawa, na minsan din ay nakakaiinis!

"You look happy Kier. . ", tanong ni Kenneth sa akin. Nandito kami ngayon sa park kong saan kami unang nagkakilala. Napagkasunduan kasi naming mag-jogging ng maaga. Kaya naman 5 AM pa lang ay nandito na kami. Marami-rami na rin kasi ang tumatakbo dito kahit medyo madilim pa.

"Walan lang Ken. Naisip ko lang ang first meeting natin dito. Ang kulit mo 'non, and hanggang ngayon din naman.", nakangiting sabi ko sa kanya.

"Naku, kung alam mo lang Kier, na nang araw na 'yon akala ko patay na ako.", nakakunot ang noo kong napatingin sa kanya.

"Ei bakit naman?", nagtataka kong tanong sa kanya. .

"Eh kasi, 'nung makita kita, akala ko nasa langit na ako, dahil anghel ang nakita ko.", ahh ganun, humirit na naman 'tong isang 'to.

"Ikaw talaga para kang sira.", sabi ko sa kanya sabay hampas sa braso niya. These past few days kasi lagi lang siyang nahahampas, kasi grabe din kasi kong makahirit. "Alam mo, ako nung araw na 'yon, akala ko makakapatay na ako ng tao. Kasi ang kulit-kulit mo nun.", tumawa naman siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa dun? Eh totoo naman talaga ah, sobra talaga akong nainis nun.

I came from a heartbreak the night before that. Eh syempre, mainit ang ulo ko kinabukasan, kaya 'yon. Na sampolan ko siya ng katarayan ko.

Masaya naman palang isipin ang mga nakalipas na.

Ang hindi lang masaya ay iyong mga nakalipas na pilit ko mang kalimutan ay hindi ko magawa, dahil may kurot pa din akong nararamdaman.

Pero kumukurot lang naman ang puso ko kapag nakikita ko siya. Pero mabuti nalang at matagal-tagal ko na siyang hindi nakita, medyo nasasanay na din ako.

"Kier? You okay?", hindi ko namalayan na nakahinto pala ako. And Kenneth is here in front of me asking me if I'm okay.

"Yeah, I'm fine. Sorry, medyo pagod na ako eh. Pwede bang magpahinga muna tayo Ken?", hiling ko sa kanya, na sinang-ayunan naman niya agad.

Nagpunta kami sa ilalim ng malaking puno. Maganda dito kasi malamig ang hangin at presko pa.

Inihilig ko ang ulo ko sa katawan ng puno at ipinikit ko ang aking mga mata. Kinain na ako ng dilim dahil sa pagod na rin siguro.

Nagising ako sa malakas na tawanan at sa sakit ng balat ko dahil sa sikat ng araw. Pagtingin ko sa relo ko ay . . OMG! It's already 7AM. Ilang oras ba akong nakatulog? At sa lahat ng matulogan, dito pa talaga sa pampublikong lugar. Nakakahiya, baka naglalaway na ako! OMG!! .

Hinanap ko ang may-ari ng boses na nagtatawanan. And my heart suddenly stops when I saw him. He's here? Kanina pa kaya siya nandito? Sa tagal na hindi kami nagkita, may nagbago kaya? Sa palagay ko ay Oo. May nagbago. Nagbago na siya.

He is now more handsome than before. He got beard on his face that makes him so sexy to look at. He's wearing shorts and a tshirt. He's wearing a pair of rubber shoes, so malamang nag-jogging din siya. Kausap niya si Kenneth at nagtatawanan sila.

Bakit ba sa tuwing nakikita ko siya, iba ang nararamdaman ko. Na kahit magalit man ako sa kanya ng paulit-ulit, ay hindi ko magawang kalimutan siya.

Pero ang kalimutan siya ang mas magandang paraan para buksan ko ulit ang puso ko para kay Kenneth.

And then, his eyes landed on me. Biglang nagwala ang puso ko. Pero siya? Wala akong makita ng anumang ekpresyon sa mukha niya at sa mga mata niya. Tuluyan na nga ba niya akong kinalimutan?

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon