CHAPTER 34

44 4 7
                                        


"Hon, c'mon hurry!", sigaw ni Weng kay Jes na nasa loob pa ng bahay. Magbe-beach kasi kami ngayon – mag -o-overnight. Anong okasyon? Wala lang, para makapag-unwind lang naman. At para tulungan daw akong makapag-isip. Ang space kasi na hiningi ko kay Kenneth ay isang linggo. Kaya isang linggo kaming walang communication. Good thing's Kenneth is very open-minded. He's taking care of Marj's kasi. Babalik na siya sa Africa. She's going to London for a fashion show. Mabuti na rin 'yon para naman ma divert ang atensyon niya sa ibang bagay. I talked to her the day after the incident, kasi hindi kinaya nang konsensya ko eh. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko siya nakakausap. Kaya nagkita kami sa may park malapit sa kanila.

Flashback

"Hindi ko alam kong saan magsisimula Marj. Basta ang alam ko, na-guilty ako sa lahat ng nangyari .",

"Stop blaming yourself Kier, kasi wala ka namang kasalanan. Siguro ikaw ang puno't dulo ng lahat, pero wala ka namang ka alam-alam sa nangyari.", pero bakit nagi-guilty pa rin ako. .

"I'm sorry Marj. Oo, wala akong alam sa mga nangyari, pero nararamdaman ko ang sakit na dulot nito.",

"Kier, ginusto ko ang nangyari. Desisyon kong maging martyr. Sabi nga nila, kapag nagmahal ka, walang limitasyon diba, pero mali pala sila. Dapat pala, may limitasyon, para naman may matira pa para sa sarili mo. Iyon ang naging pagkakamali ko. Ibinigay ko nang buong-buo ang pagmamahal ko. Sumugal ako kahit walang kasigurohan na magtatagumpay ako.",

"You have a good heart Marj, kasi despite sa sakit na naramdaman mo, nagawa mong maging mahinahon. Nagawa mong maging matatag pa rin. Nagawa mong tanggapin sa sarili mo na nagkamali ka. At hanga ako sa katapangan mo. Sana---",

"Sana katulad mo ako?",

"Oo Marj. Sana katulad mo ako. Sana mayroon din akong katapangan na natatago.",

"Kier, naiintindihan ko ang ibig mong ipahiwatig.", sabi niya sabay lingon kay Kenneth na nasa di kalayoan. . "Maiintindihan naman ni Kenneth eh. Mahal ka niya, pero kaya ka niyang palayain para lang sa kaligayahan mo. Trust me, pareho kami niyan eh, matyr! Heheh", ngumiti lang ako sa kanya. .Iba talaga kapag ang babaeng kausap mo ay pareho ng pinagdadaanan ng sa'yo – in some ways. .

"Kialangan ko pa ng lakas. Ayokong saktan si Kenneth Marj. Sobrang bait niya, hindi niya deserve masaktan.",

"Mas lalo namang hindi niya deserve na hindi mahalin Kier. So habang maaga pa, kailangan mo siyang kausapin. Nasa sa'yo na ang desisyon niyan.",

"Kailangan kong isipin ng mabuti. Thanks Marj, at sana, friends tayo ah!",

"Oo naman.", niyakap ko siya, hudyat ng pagtatapos ng tensyon na nangyari.

End of Flashback

"Hello!. . earth to Kierra.", nagulat ako when Tori snapped her fingers in front of me.

"Saan ka na nakarating Kier?", sabi naman ni Misty kaya naman inirapan ko siya. .tinawanan lang niya ako. .

"Huwag niyo na ako asarin, maganda ang mood ko ngayon. Tara na.", nauna na akong pumasok sa loob ng sasakyan.

Mga almost an hour din ang byahe namin papuntang beach. Nakatulog na nga ang lahat pati ang kambal, pwera nalang sa driver. Huwag naman sanang matulog si manong. Ako nakaidlip lang ng kaunti pero hindi talaga nakatulog. Kaya medyo, inaantok ako ng makarating kami sa beach.

Dalawang cottages lang ang kinuha namin. Iyong isa para sa aming anim. Malaki naman kaya kasya lang kami. Kumuha nalang kami nang extra na higaan para komportable. Sina Weng naman ay sa isang malaking cottage naman para sa mag-anak niya.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon