CHAPTER 1

466 11 17
                                    

This is a SideStory of Destined Chatmate. Sana po suportahan niyo po ito. . Maraming salamat po. Basahin niyo rin po ang 'Destined Chatmate' . :) 

---------------------------------------------------------------

Maraming naiingit sa akin dahil daw sa hinaharap ko. Pati ang mga loka-loka kong kaibigan ay pinagkaka-isahan akong tuksuhin. Kasalanan ko bang biyayaan ako ng Diyos ng ganitong dibdib?


Kung naiingit sila nito, pwes ako nabubwesit na. Kulang nalang huwag akong pumunta ng mall, kasi ang mga kalalakihan ay sa akin nakatingin.Hindi naman sa gandang-ganda sila sa akin. Oo maganda ako, pero alam ko naman na hindi ang ganda ko ang nililingon nila – kundi – alam niyo na!!. . . at sobrang nakakabwesit na talaga.


Dada ako ng dada , nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si KierraJade Lopez. I'm a part-time model. Oo part-time lang kasi I'm working as an ESL teacher. Ako ang parang panganay sa pitong magkakaibigan, kapag sinabi kong panganay,huwag niyo nang usisain ang edad ko. Akin nalang 'yon (evil grin here!).


Kilala niyo naman siguro si Weng noh? Iyong babaeng kaibigan ko na mahaba ang hair dahil nakita na niya ang forever niya. Nakaka-inggit, biruin niyo, sa chat lang silanag kakilala tapos nagkagustohan na. Mabuti pa siya. Pero masaya naman din ako sa kaibigan ko. Marami ring pinagdaanan ang pag-iibigan nila.


Haaay, saan na ang forever ko? Kailan ba siya darating? Naiinip na ako eh. Minsan nga nawawalan na ako ng pag-asa.


Minsan na akong nagmahal, pero anong nangyari? Nawala pa – o sa tamang salita – nagloko pa. What a life! Nasaan ang hustisya?


I had a past relationship with a guy named Vincent . I loved him, cared for him, even came to the point that I was willing to move-in to his apartment. But – he fooled me – he took me for granted – he didn't even see my worth as a woman – he is irresponsible – and I hate it. Our relationship lasted for f*cking seven years. Oo, seven years akong naging tanga. Seven years akong parang isang statue sa paningin niya. F*cking seven years akong umasa na magbabago siya, pero sa tagal ng panahon na iyon, walang nangyari.


Hanggang sa tinamad na akong magpapansin sa kanya. Hanggang sa tinamad na akong pahalagahan siya. Hanggang sa tinamad na akong mahalin siya. Pero siguro, hindi naman agad-agad nawawala ang love – pero parang natatabunan na iyon ng galit at paghihinayang.


Alaka ko mag-isa lang talaga ako sa mundo. Hindi naman ako masyadong open sa mga tao. Gusto ko lang laging ako lang –in short – loner ako -- nang kaunti. Hanggang sa nakilala ko sila five years ago. At hindi ko akalain na hanggang ngayon, magiging karamay ko sila sa lahat ng problema.

At hindi ko akalain na lalabas ako sa lungga ko nang dahil sa kanila.


*Flashback

Nagtaka ako ng lapitan ako ng isang babae. . "Hi miss, okay ka lang?",she asked.


"huh?",nilingon ko siya sabay punas sa mga luhang dumaloy sa aking magandang mukha. "Oo, okay lang ako.", sagot ko sa kanya sabay tayo at naglakad palabas ng simbahan.


"Kierra,wait. . Nahulog ang panyo mo.", huh? Bakit alam niya ang pangalan ko? Nilingon ko siya at kinuha ang panyo ko. Kaya pala, may pangalan nga pala ang panyo ko.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon