CHAPTER 15

101 6 11
                                    


Sa mga araw na lumipas, unti-unti kong nakakalimutan si Bren. Hanggang sa mag two months na. At nakatanggap kami ng imbitasyon galing kay Amara – ang kapatid ni Bren. It's like welcome-home party plus birthday celebration din daw ni Bren. Na realize ko na ganoon ko pala hindi kakilala si Bren. Ni hindi ko alam ang birthday niya, ang mga interests niya, ang mga gusto niya, ang mga hindi niya gusto, at iba pa.

"Hoy Kierra, okay ka lang?", untag sa akin ni Audrey. .

"yah.", maikling sagot ko habang namimili ng damit dito sa mall. . Mamayang gabi na kasi ang party kina Amara.

"Are you really sure that you're ready Kier? Handa ka na bang makita siya?", napabuntong-hininga ako sa tanong ni Ellie . .

"Honestly, a part of me says 'Yes', pero may isang bahagi ng puso ko na natatakot at nag-aalala.", umupo ako sa bench na nasa loob ng shop ng mall . . "Ewan ko ba, sa tagal naming walang komunikasyon, parang hindi ko na siya kilala.".

"Pero kilalang-kilala siya ng puso mo.", sabi naman ni Tori. .hindi ako kumibo at nakatingin lang ako sa malayo.

"Kier. .this is it. Ito na ang tamang panahon para sa lahat. Para na rin maging masaya ka na.", sabat naman ni Kookie. .

Lumapit naman si Misty at . . "Oo nga Kier, malay natin, tatakbo siya sa'yo, yayakapin ka niya ng mahigpit na mahigpit, hahawakan niya ang mukha mo, at dahan-dahan ka niyang hahalikan. .kyaaahhh nakakakilig.", napailing nalang ako. .

*boooogs!!*

"Aray naman Tori, kong makasapak ka te parang unan lang ako? Unan ako? Unan ako?", ahahah mga siraulo talaga oh . . ang kukulit. .

"Eh kasi naman, inuunahan mo na ang mangyayari. Eh paano kong umasa iyang si Kierra at hindi mangyari iyang iniisip mo, edi hindi na naman maka move on 'yan. .", sermon ni Tori kay Misty. .

"Nagbibiro lang naman ako noh. Diba ako ang joker sa gropo? Eto na te, nag joke ako... seryoso ka naman jan eh.", ismid naman ni Misty kay Tori. .

"hahah seriously? Nag-aaway kayo sa harap namin? C'mon guyz. .simpleng bagay lang 'yan.", sabi naman ni Ellie. .

"Guyz. .I really appreciate your concern towards my well-being (charoot!). Pero handa na ako, handa na akong harapin siya o kong anuman ang mangyari. Kaya, tama na 'yan! Let's buy something nalang.", suhestiyon ko sa kanila. . At sinang-ayunan naman ng lahat. 

Namili kami ng dress na isusuot mamaya. Sabi sa imbitasyon ni Amara – just wear cocktail dress. Kaya naman pinili ko ang black cocktail dress with see-through-laced sleeves and open back that would expose my back! Hindi ko pinili  'to para mang-akit, kundi nagustohan ko talaga ang dress na 'to. Okay lang na ma expose ang likod ko, basta huwag lang ang harap ko . At tinirnohan ko ng black 4-inch heels.


Nang gabing iyon, hindi ako mapakali. Tapos na akong magbihis at hinihintay ko nalang sina Ellie.Dadaanan kasi nila ako dito para sama-sama na kami papuntang party. Ewan ko ba, kanina lang, sinabi kong handa na ako. Pero bakit ngayon parang nadadaga na ang puso ko sa kaba. After two months, magkikita na kami. Excited ako – oo! Pero hindi ko alam kong paano ko siya kakausapin. Para sa kanya ang party, kaya, sigurado akong magiging busy siya sa mga bisita niya.


*peeeep *peeep


"Ay! palaka..", napaigtad ako ng marinig ko ang busina ng sasakyan. Sina Ellie na 'yon. Kaya, this isit! Kaya ko 'to. Palabas na sana ako ng kwarto ng. . ."one last look!", dali-dali akong bumalik sa harap ng salamin at sinipat ng husto ang hitsura ko pati na rin ang make-up ko. At nang makontento ako sa nakikita ko, ay lumabas na ako.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon