CHAPTER 32

32 4 3
                                    


After nung insidente sa skating range, the next day, hindi tumawag o magtext man lang si Kenneth. Kahit nagtext ako at nag try akong tumawag sa kanya, wala pa ring reply from him. At naiinis na ako, at mas lumala ang inis at galit ko kay Bren. Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana magagalit pa si Kenneth.

"Ate, may delivery para sa'yo.", kumkatok na sabi ni Julie. At sino naman ang magpapadeliver dito? Hindi naman alam ni Kenneth ang bahay namin, kasi never ko pa siyang dinala dito. Pwera nalang kung pizza delivery 'yan, naku sobrang matutuwa talaga ako.

"Baba na ako. .", dali-dali naman akong bumaba para malaman ko agad, nagugutom tuloy ako sa inisip kung pizza. . "Saan?", tanong ko kay Julie ng makababa ako.

"Nasa labas, hindi ko tinanggap kasi ikaw ang hinahanap. Choosy eh, ayaw sa mas maganda!",

"Che, feeling mo ha. ", binato ko siya ng pillow na nasa gilid ng sofa. .tumawa naman siya. .kaya lumabas na ako, kawawa naman 'tong delivery boy.

"Excuse me?", untag ko sa kanya. .

"Ms Kierra Jade Lopez po?",

"Yes, ako nga. .",

"Delivery po mam, para sa inyo.", sabi niya then he gave me a bouquet of white roses. Tsaka penirmahan ko na para makaalis na siya. Kanino naman galing 'to, eh hindi nga alam ni Kenneth ang address namin dito. .when I saw the note, napa nganga ako. ..

"I know I've been so redundant by saying 'I'm sorry', but I wouldn't be tired of saying those words until you forgive me. I'm really, really sorry Kier. - Bren",

The damage has been done. Kapag hindi kami magkaayos ni Kenneth, isusumpa ko talaga si Bren. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa niyang pagselosin si Kenneth. Bestfriend niya 'yon eh! Masaya na kami eh. .

"Oh sino ang nagpadala? Astig ah, may admirer kana sis.",

"Tigilan mo nga ako Julie. Kaibigan lang nagpadala for peace offering.",

"Kaibigan... o ka-i-bigan. .heheh",

"Alam mo sis, sa kakatambay mo dun sa tindahan ni Aling Ursula, naging tsismosa ka na. Sana naman huwag dumating ang panahon na maging magkamukha na kayo, sayang ang lahi natin sis. .", nakita kung napasimangot si Julie sa sinabi ko. .

"Tse. .", tanging nasabi nalang niya. .

"Ang aga-aga niyong nagtatalong dalawa, anong problema?",

"Eh kasi 'tay, 'tong si Ate Kierra, gandang ganda sa sarili, porket may nagpadeliver ng bulak--",

"Alam mo sis, I'm sure, nagugutom na si Tatay, maghanda na tayo ng almusal. .", putol ko sa iba pa sana niyang sasabihin, tsaka hinila ko siya patayo . .

"Sige na Julie, maghanda ka na sa kusina. Ikaw Kierra, dito ka, mag-usap tayo.", naku! Patay. .anong sasabihin ko. . Anong idadahilan ko. . Lord, help naman!. .

"Naku, parang may maha-hot seat, ki aga-aga. .", parinig naman ni Julie habang papuntang kusina. . Kaya hindi na ako makapag-react!. .

"Anak. .sa tingin ko may sasabihin ka.", hindi 'yon tanong, kundi isang malaking statement. At kapag ganyan na, dapat na talaga akong magsalita. .

"Eh 'tay, nagpadeliver kasi 'yong isang kaibigan ko, kasi nagkaalitan kami nung isang araw. Hindi ko siya kinibo. Masama ba ang ginawa ko 'tay?",

"Ano bang ginawa mo nak?", ano nga bang ginawa ko? Diyos ko. .tulong naman., .

"Kasi po 'tay, naiwala niya 'yong sinking funds namin sa office, tapos nagalit agad ako sa kanya dahil sa katangahan niya. Kaya 'yon. .",

"Alam mo 'nak, matanda ka na, nagsisinungaling ka pa din. .", boom! Halata ba? "Pero sige, sasagutin ko 'yan kahit hindi ako naniniwala. .", na-guilty ako bigla. . Nagpanic ako eh. . .

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon