CHAPTER 23

77 6 14
                                    



Kierra's  POV

"Kier, ano ba! ang tagal mo.", ggrrr nakakainis 'tong si Audrey, eh maaga pa naman ah, bakit kailangang magmadali.

"O, heto na, bakit ba nagmamadali ka diyan.",

"Eh kasi naman may guest pala ngayon sa photo shoot.", yeah. .si Butch na bading! Nakipag-coordinate kasi siya kay Audrey pagdating niya dito sa Maynila. May project kaagad, at ito namang si Audrey ay isiningit ako kahit ayaw ko. Pero as usual, nadala na naman ako sa paglalambing nang babaeng 'to. Hindi ko matanggihan eh. Sabagay, may tiwala naman ako kay Butch, kasi kahit papaano ay nakilala ko na siya.

"Eh bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad at nang makapaghanda sana ako ng maaga.",

"Eh nakalimutan ko eh, nakatulog ako ng maaga kagabi.", hmp, natataranta tuloy ako ngayon.

"Nakatulog ng maaga? Sure ka? Nahihiya naman ako sa eyebags mo, nakatulog ka talaga ng maaga niyan?", ako pa talaga ang niloko?

"Sige na Kier, huwag mo na muna ako pangaralan. Tara na!", kaya 'yun, umalis na kami papuntang venue. Kahit nasa kotse kami ay panay pa rin ang sisihan namin. Nakakawala nang poise.

"Sa wakas naman at dumating na kayo!", bungad sa amin ni Butch pagdating namin sa venue. Nag-beso-beso naman kami.

"Eh hindi pa naman kami late ah.", depensa naman ni Audrey. "Nandiyan na ba 'yong guest natin?", tanong ni 'Drey.

"Wala pa. Sige na, dun na kayo para makapag-bihis na.", taboy sa amin ni Butch. Kaya naman nagkandaugaga na ang mga make-up artists namin sa pag-aayos ng iba pang mga models.

"Haay naku girl, anyare sa eyebags mo? Pwede na 'yan ebenta ah!", sita ng isang make-up artist kay Audrey.

"Huwag ka na nga lang magreklamo jan. Pasasaan pa't naging make-up artist ka kong hindi mo rin lang magagawan ng paraan 'yan. At sayang naman kong hindi natin gagamitin ang isang taong supply ng concealer. Lagyan mo kahit sampu pa!", wala na, mainit na ang ulo ni Audrey. Ano ba naman kasi ang nangyari sa babaeng 'to. Nag-e-emote na naman siguro kagabi. Tatanungin ko mamaya.

Mga 20 minutes lang yata kaming inayusan at nagbihis. It's going to be a long day today. Excited naman ako kasi kababalik ko lang ulit sa ganitong trabaho. Kahit na absent ako sa online classes ko. Mawala na ang ATI (attendance incentive), mabawasan na ang PFI (performance incentive), makareceive man ako nag IR ay wala akong pakialam. Mas enjoy naman dito sa photo shoot kesa sa opisina na lagi nalang may nakabantay sa lahat ng kilos mo. Kapag wala kang klase ay bawal kumain sa stations, bawal manood ng videos, movies at iba pa, bawal mag soundtrip. 'San ka pa? Kulang nalang sabihin nila na bawal huminga. Wadapak! . . . Pero dito, cool lang! Pa-upo2x ka lang, make-up dito make-up doon, bihis dito bihis doon, pose dito at pose doon. Diba, masaya ang buhay, walang pressure!

"Oh mag ready na kayo, nandito na yung guest natin!", bungad ni Butch sa amin sa loob ng dressing room. Siguro super duper ganda ng guest namin, sabi kasi nila na siya ang top model sa sister company namin.

Pumwesto na kami sa likod ng maliit na stage, sabi kasi ni Butch na magkakaroon ng mini-fashion show, para naman daw mapanood nung guest namin at kung may mae-advice siya sa amin. Batikan na fashionista at model daw siya eh. Nasa harapan na siguro siya ngayon at nanonood. Isa-isa nang naglabasan ang mga models at rumampa. Nasa bandang likuran kasi kami ni Audrey, mga third to the last kami. Sabay kasi kaming lalabas mamaya.

And this is it! Lalabas na kami. Iyong ibang mga models na tapos na ay naka-pwesto at naka-pose sa gilid ng daraanan namin. . We give our sweetest smile sa mga naroon at rumampa kami ng walang humpay. Bawat kembot at bawat lakad namin ay ingat na ingat, kahit papaano naman ay kinakabahan din kami. Ikaw ba naman ang e observe ng isang top model, hindi ka kaya kabahan!? At nang malapit na kami sa harap ng stage, muntik na akong matapilok, nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya – sa kanila. Napansin naman agad ni Audrey ang reaksyon ko kaya lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko while she's still smiling at nag pose na parang natural lang. . .

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon