CHAPTER 30

43 5 5
                                    


"Bren..?", napalingon ako sa tumawag sa akin. . Hindi ko inakala na makikita ko siya dito. Akala ko busy siya sa opisina. .

"Ken. .bro, naligaw ka dito.", tanong ko sa kanya. .at ipinakilala ko siya sa mga kaibigan ko din.

"Kenneth, sama ka dito pre. Our treat.", yaya naman ni David sa kanya. .

"Salamat bro. Kasama ko kasi sina Kierra. Dun lang kami sa kabilang side.", at ang mga ugok sabay pang napa-oohh. ..

"O sige bro. Enjoy kayo, say Hello sa mga girls.", sabi naman ni Jian at umalis na si Kenneth bago nagpaalam. . Si David at Peter naman, parang mababali na ang mga leeg sa kakatingin sa kabilang side. If I know, si Ellie ang hinahanap ng mga ito. Raf, is just silent.

"Raf, hindi ba sinabi ni Tori na pupunta sila dito?", tanong ko sa kanya kaya nag-angat siya ng tingin sa akin, and I saw pain in his eyes. May problema ang isang 'to, sure ako.

"Hindi.", maikling sagot naman niya. I'll just talk to him about it later.

"Bren, boyfriend ba ni Kierra ang bestfriend mo?", seryosong tanong naman ni Joshua.

"Ewan ko, wala akong balita sa kanilang dalawa eh.",

"Walang balita o ayaw mo lang makibalita?", I got another serious look from Jian.

"Walang akong alam mga bro, but sige, tatanungin ko mamaya ang bestfriend ko.",

"Si Kierra nalang ang tanungin mo Bro.", napalingon naman ako sa sinabi ni Marco. No – hindi pwedeng si Kierra ang tanungin ko. Ewan ko ba, parang wala na akong mukhang ihaharap sa kanya eh.

"Etetext ko nalang si Kenneth mamaya.",

"Takot ka bang makaharap si Kierra, bro?", takang-tanong ni Peter. Napatingin naman ako kay Rafael, pero tahimik lang din siya.

"Oo nga bro. Anong nangyari sa inyong dalawa? I thought inlove kayo sa isa't-isa, tapos bigla nalang naming malalaman na may girlfriend ka na, at si Kierra may nanliligaw nang iba.", gulong-gulong tanong ni David. Alam kong tanging si Rafael lang ang may alam ng lahat ng nangyari, pero ang ipinagtataka ko ay ang inaakto ni Rafael ngayon. Bigla-bigla nalang siyang nanahimik.

"Mabuhay ang bagong kasal....", narinig naming sigaw nina Misty sa kabilang banda kaya naman napalingon ang lahat sa kanila.


Kierra's  POV

"Mabuhay ang bagong kasal....", sigaw nina Misty sa amin ni Kenneth. .ang lakas ng boses, na halos lahat ng tao sa bar ay nakatingin lang sa amin.

"Walang nangyari guyz, okay lang kami. .Go on! Party, party! Hooo", sabi naman ni Audrey sa mga tao. .

"Tumahimik ka nga Misty ang daldal mo. Anong kasal-kasal ka jan.", sita naman ni Tori kay Misty.

"Ses, natuwa lang naman ako sa kaibigan natin. Nagka-boyfriend na ulit, sa wakas. Bukas na bukas din magpapamisa ako.", satsat naman ni Misty.

"Iba ka rin kapag masaya Misty noh. But anyway, thanks sa inyo. Napasagot ko na rin si Kierra. Diba babe?", siniko ko siya. .

"Ang corny ng babe Ken. Huwag 'yan, please lang.", then I rolled my eyes on him. Kaya kiniliti niya ako sa gilid.

"Para kayong zonrox, alam niyo 'yon? Nakakalason kayo, promise. Huwag nga kayong magharutan dito.",

"hahahah ang bitter mo Tori. Chill lang bes.", sabi ko kay Tori sabay hagod sa likod niya.

Yeah, sinagot ko na si Kenneth, kagabi lang. Naging masigasig naman kasi siya sa panliligaw niya. And he makes me happy. Despite the reason I heard from Bren last time, hindi naman magbabago ang desisyon kung sagutin si Kenneth. It's not going to be easy, but I think, it's going to be worth it – I guess.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon