Nakabalik na kami ng Maynila at balik na naman kami sa walang katapusang stress at pagod sa trabaho. Pero para sa akin, sulit lang ang stress at pagod kong ka skype call ko naman si Nicholas. Ngayong araw na 'to ang araw na napag.desisyunan kong magpakita na kay Nicholas. At dapat makumbinsi ko din siyang magpakita sa akin. Para naman hindi na ako mag imagine kong anong hitsura niya.
Kaso ang dami kong studyante ngayon, an hour before my shift ends pa ang bakante ko. Ggggrrr. Nangangati na akong makipag skype call sa kanya at magpakita. Nag chat ako sa kanya kanina, pero hindi naman siya nag reply. Baka busy lang siguro.
Hanggang sa naging bakante na ako ay hindi pa rin nag online si Nicholas. Ano na kaya ang nangyari sa kanya.
Thrity minutes nalang at matatapos na ang shift ko. Fifteen minutes nalang. . .
at may nag chat! .....................
"hello baby. I'm sorry, I was quite busy awhile ago. Lots of trouble here at the office.", konti nalang ang time, hahay!
"That's fine babe. So about what I chatted you?",
"Oh yah babe. So you're ready now to see me?", tanong niya sa akin. .
"Are you?", balik-tanong ko naman sa kanya. .
"Ready and excited babe. I'll call now, okay? Baby this is video call okay?", – him
"Ready as always babe. .", – me.
Kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
And then he calls. . ..
"Hi bab--", I am speechless. Hindi ako makapagsalita. Siya man ay ganoon din. Pareho lang kaming na shocked.
Basta nakatitig lang ako sa kanya. Para akong maluluha sa nakikita ko sa screen.
Naninikip ang dibdib ko. Pilit kong pinakalma ang sarili ko para naman may masabi ako. Kaya naman nang makabawi ako sa pagkabigla ay. ...
"You?", paano nangyari 'to.
"Your name is Jade?", shocks! . . may gana pang magtanong. .
What the hell Bren!
"And your name is Nicholas? Anong laro 'to Bren. Paano nangyari 'to?", ggggrrrr nag-iinit ang ulo ko. Mabuti nalang at absent ang ka share ko ng station, pwede akong mag stay ng konting minuto pa.
"Hindi ko alam. So Ikaw si Jade? Ikaw ang girlfriend ko?",
"I'm Kierra Jade Lopez! So pangalan ko rin ang Jade. Bakit mo ako niloko ah.", sumbat ko sa kanya. Kanina ko pa gustong sumigaw, kaso may katabi akong may klase pa, so kailangan kong hinaan ang boses ko.
"Kierr, hindi kita niloko. Hindi ko alam na ikaw pala si Jade. And for Pete's sake, I'm Bren Nicholas Williams." , whaaaaaat! Pangalan niya rin ang Nicholas? Waaaahhhh. . ..
"Ewan ko sa'yo.", at end call.
Okay, ipalagay na natin na hindi niya alam talaga na si Kierra at Jade ay iisa. Pero naman oh! Ggggrrrrr kaya ayokong magtiwala agad eh!
Hindi naman ako galit pero sama ng loob lang. Sama ng loob sa katangahan ko. Bakit ba kasi hindi nalang ako nakipag video call sa kanya noon pa, sana hindi umabot sa ganito. Nahihiya ako sa sarili ko. Nahihiya ako kay Bren. Gggrrrrr kyaaaahhhh!!! sino ba dapat ang sisihin ko? Ako lang naman diba? Diba? Diba? Sumagot ka!
Kaya dali-dali akong umuwi. Good thing naman day-off ko bukas. Kina Ellie muna ako mag-stay. Kailangan ko ng kausap!
That night ay nagtext si Bren. Gusto niyang mag-usap kami. Gusto niyang ayusin kong anu man ang nangyari.
BINABASA MO ANG
The Missing Piece
Non-FictionThis is a sidestory of Destined Chatmate: (The Missing Piece) Hanggang pangarap nalang ba ang paghahanap ko ng forever? Meron pa ba kayang bubuo sa nawasak kong puso?