Simpleng dress lang ang suot ko para sa lunch namin ni Kenneth. Sa Heaven restaurant nalang din kami magkikita. Hindi ko alam kong saan iyon, pero madali lang naman daw hanapin sabi niya. Habang nagda-drive ako papuntang restaurant, hindi ko lubos maisip kong bakit ako pumayag na makipag-lunch sa kanya. Eh kahapon lang halos suntukin ko siya sa inis. Bakit nga ba nagbago ang isip ko? Dahil ba sa hot siya, matangos ang ilong niya. Mamula-mula ang pisngi niya kapag naaarawan o di kaya sa malaki niyang ....... katawan! Eh hindi naman kalakihan talaga, sakto lang na yakapin. Heheheh naloloka na yata ako ah, hindi na 'to maganda. Ganito ba talaga kapag brokenhearted, kong anu-ano nalang ang naiisip. Nakakabaliw pala ang sobrang pagmamahal. Pero hindi ko naman sobrang mahal si Bren ah. In fact, nagsisimula pa lang ang nararamdaman ko sa kanya. Pero 'yon na nga eh, kung kelan nagsimula na, tsaka pa naudlot. Saka pa siya bumitaw, saka pa niya ako iniwan, saka pa siya nagka-girlfriend. Anong kasalanan ko kong bakit ganito nalang ang ibinigay na sakit sa akin. Hindi naman yata tama.
Nakahinto ako ngayon sa kahabaan ng EDSA. As usual, ma-traffic, mabuti nalang at 12PM ang usapan namin ni Kenneth, at medyo maaga pa ngayon, so kampante akong 'di male-late. Hinintay kong makausog ang mga sasakyan ng mapalingon ako sa gawing kanan ko. Nagulat ako, pero parang si Bren iyon eh. Para kasing kotse niya 'yon. Naharangan na din kasi ng ibang sasakyan, kaya hindi ako sigurado. O baka, guni-guni ko lang 'yon. Ewan ko ba, tanggap ko naman na nasaktan ako at hindi na talaga pwedeng maging kami, pero bakit parang may kulang pa din. Ang unfair ng buhay!
Gusto kong mag-share kay Barry, pero hindi ko naman siya mahagilap. Nung huling text ko sa kanya, papunta daw siyang America, may aasikasuhin daw. Gusto ko kasi magshare sa kanya, kasi lalaki siya, gusto ko din naman malaman kong anung stand niya sa nararamdaman ko. Kong anong opinyon ng mga lalaki tungkol sa kasawian ng isang babae. Uhhmm Bartolome! Huwag ka sanang matapilok. Naging kaibigan ko naman si Barry kahit papaano. Naging ka close ko nga siya eh. Pero di hamak na mas matipuno si Kenneth kay Barry. Eeehhhhh! Ano ba naman 'tong iniisip ko. Bunga lang siguro ito sa haba ng traffic sa EDSA o di kaya sa ekonomiya ng Pilipinas.
Sa wakas at natagpuan ko rin ang Heaven Restaurant. Curious ako kong bakit heaven ang pangalan nito.Pagpasok ko sa loob, nakita ko naman agad si Kenneth. Aba! Pogi siya ngayon ah or shall I say, mas lalong pumogi. Kumaway nalang ako sa kanya at nilapitan siya.
"Sorry, medyo ma-traffic sa EDSA eh.",
"No problem, kadarating ko lang din. Have a seat!", aya niya sa akin sabay hila sa isang silya. Pang apatan ang mesang inukopa niya gayung dalawa lang naman kami. Marami lang siguro siyang oorderin.
"Thank you. Ang gwapo at porma natin ngayon ah.", tukso ko sa kanya na siyang ikinangiti niya.
"Heh! Ngayon mo lang ba napansin?", wow ha, marunong pumatol. .
"wow ha! Naniwala ka naman agad sa akin. Ngayon lang ako nagsinungaling buong buhay ko. Heheh", hehehe
"Ouch naman!", sabi niya sabay hawak sa may dibdib niya. Ang OA lang huh!
"Hahaha alam mo, kapag kausap kita, feeling ko lumalabas ang pagiging siraulo ko. Haha", actually totoo naman. Kahapon ko lang siya nakilala, nagalit na ako at lahat-lahat, nainis, natuwa, at ngayon, para talagang natural ang pagiging siraulo ko kapag kausap ko siya. Hindi kasi siya maarte, though malinis sa katawan pero hindi talaga siya maarte. At tanggap na tanggap niya bawat banat ko at pang-iinis ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Missing Piece
Non-FictionThis is a sidestory of Destined Chatmate: (The Missing Piece) Hanggang pangarap nalang ba ang paghahanap ko ng forever? Meron pa ba kayang bubuo sa nawasak kong puso?