Maaga palang ay gising na kami ni Ellie para maghanda ng almusal namin. Kami kasi ang nakatokang maghanda. Bumaba na rin si Weng para tulungan kami. Second day namin ngayon sa adventure namin dito sa Mountain Resort. Ang iba nasa labas na naglakad-lakad at ninanamnam si haring araw.
Nakakapag-relax naman ang lahat. Nakatakas kami sa magulong buhay sa city. We really need this vacation. Masakit man ang mga katawan namin sa mga activities kahapon, ay sulit naman.
"Hi Ellie babes!", muntik ko nang mabitawan ang niluluto ko nang biglang bumungad si Peter sa kusina kasama si Bren.
"Hi Kier", bati naman ni Bren sa akin. And take note, kami lang talaga ni Ellie ang binati. Hehehe andito kaya si Weng. . Kaya naman ang lola namin, nag-alburuto nang hindi siya binati ng dalawa. Heheheh mainit kasi ang ulo ng babae eh!
Pinatawag nalang niya ang iba para makakain na kami. May game pa nga kasi mamaya eh.
Pagdating ng iba ay nagsimula na kaming kumain. And it's Audrey's day today I guess. Malungkot na naman siya sa hindi pagsama ni Giovanni sa kanya. At alam kong nasasaktan din si Joshua sa nangyayari kay Audrey. Mahal niya eh.
Kong mahal mo ang isang tao, kahit na masaktan ka na sa nakikita mo at kahit pa hindi ka pansinin ng taong mahal mo, sige ka pa rin sa pagmamahal. Umaasa ka pa ring sana ikaw nalang, sana ikaw nalang ang nagpapasaya sa kanya. Sana ikaw nalang ang mundo niya. Sana ikaw nalang ang nakikita niya. At sana ikaw nalang ang mahalin niya.
Pero hindi mo naman matuturuan ang puso eh kong sino ang mamahalin nito. Hindi mo naman kailangang mamili kong sinong nauna. Pero iba ang nararamdaman ko. Katulad ni Nicholas at Bren, binaliwala ko ang damdaming umusbong para kay Bren at mas pinahalagahan ko ang pag-ibig ni Nicholas. Ika nga nila, first come first serve, hehehe pero hindi iyon ang rason ko kong bakit si Nicholas ang pinili ko. Oo, palagay ang loob ko kay Bren. Masaya ako kapag kasama siya. Komportable ako kong kasama siya. Pero hindi naman siya nanligaw eh. Hindi naman siya nagparamdam. Hindi naman siya nagpakita ng motibo. Pero hindi ko ipagkakaila na I like it when he's near.
Pagkatapos namin kumain ay naghanda na kami para mag swimming. May wavepool nga daw kasi dito. Gusto namin e.try. Kaya naman hindi na makapaghintay ang mga swimsuit namin. .nagbihis na kami para ma enjoy naman namin ang araw.
"Oh my G! Girls. . Ang ganda natin. .", kong makatili naman 'tong si Misty oh. .ahahahaha
"At ang sexy pa, I'm sure na maglalaway iyang mga lalaki niyo lalo na sa'yo Kier. Naku, luluwa ang mata ni Bren niyan. .ahahahah", sira talaga 'tong si Weng. .
"Oh bakit ako, aber?", nakapamaywang kong sabi sa kanila. .ako talaga ang pinagtripan oh.
"Kier, hindi ka ba aware?" napaka-hot mo tingnan sa suot mong iyan. Hinaharap mo palang te, power na power na!", sarap batukan nitong si Misty. At nasali pa talaga ang dibdib ko sa conversation na 'to. Kakaloka talaga 'tong mga 'to.
"Tse. Ikaw din naman ah. Si Ellie din, si Audrey din. Tayong lahat kaya noh!", kaming lahat talaga. May kanya-kanya kasi kaming tinatagong ganda. Hehehe
Maya-maya pa ay narinig na namin ang pagtawag ni Peter sa labas. Ang hyper talaga nang taong 'to. Kaya minsan na-iirita na si Ellie sa kanya.
Lalabas na kami dahil may bisita nga daw si Weng. Pero paglabas namin, nabigla ako ng makita ko sina Jes at Furkan. At kong nagulat ako, mas nagulat si Weng. Hindi na nga siya makapag-react at natulala na. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan. Kaya naman, nag Hi-hello ako kina Jes at Furkan para matauhan naman ang kaibigan ko.
At lumabas na din kami para makapag-usap naman sila ng masinsinan. Mag su-swimming nalang kami.
Nakita naming umalis na si Furkan at nag-usap si Weng at Jes. Bukas na bukas din puputulan ko ang buhok ni Weng, ang haba eh. Dadalawa ang lalaki! .
![](https://img.wattpad.com/cover/45072234-288-k334157.jpg)
BINABASA MO ANG
The Missing Piece
Non-FictionThis is a sidestory of Destined Chatmate: (The Missing Piece) Hanggang pangarap nalang ba ang paghahanap ko ng forever? Meron pa ba kayang bubuo sa nawasak kong puso?