CHAPTER 28

55 6 11
                                    

I'm Back!! hehehe 

---------------------------------

Oh, I think I've found myself a cheerleader

She is always right there when I need her

Oh, I think I've found myself a cheerleader

She is always right there when I need her

Gusto kong sumayaw sa musika na ito pero mas pipiliin kong mag-jogging while my headset is on. Mag-isa ako ngayon kasi wala si Kenneth. Naging busy kasi siya kahapon at gabi na nang makauwi kaya hindi ko nalang pinilit na mag-jogging.

"Good morning po. .", bati ko sa mga nadadaanan kong medyo may mga edad na. Nakakatuwa kasing isipin na kahit may edad na sila ay mas naging aware sila sa health nila. Hindi kagaya ng maraming kabataan ngayon na laging nagpupuyat sa gabi at kung anu-ano nalang ang mga kinakain at iniinom. Ni wala na nga siguro sa isip nila na mag-exercise.

Ilang minuto pa akong tumakbo hanggang napagpasyahan kong tumigil muna at mag stretching nalang sa may ilalim ng puno.

"Hindi mo naman kailangang mag-exercise ng husto. Sexy ka na naman. Tsaka hindi naman siguro ang katawan mo ang habol g kaibigan ko.", napatigil ako sa pag stretching ng marinig ko siya. Kahit hindi ko lingunin ay alam kong si Bren ang nagsalita. Kaya hinarap ko siya.

"Hindi ka ba naturuan maglinis? Ang dumi-dumi kasi ng utak mo eh.", he just smirk and I hate it. . .I hate it 'coz he's so damn sexy doing that. Ipinilig ko nalang ang ulo ko sa isipin na 'yon.

Akmang tatalikod at aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko. Kaya napaharap na naman ako sa kanya. He's just holding my arm for about 1 minute while staring at me. Pero iwinaksi ko ang braso ko para mabitiwan niya. Hindi ko kasi mahabol ang puso ko dahil sa mga titig niya. He was like the old Bren I knew before. Pero hindi. . . hindi pwedeng bumalik siya sa dati, dahil nag-iba na xa sa paglipas ng ilang mga buwan. Nakita ko iyon at naranasan ko din kung paano siya nagbago. Naranasan ko kung paano niya ako maliitin at insoltuhin, kaya, imposibleng bumalik siya sa dating siya.

"What do you want Bren? Magbibigay ka na naman ba ng babala para maprotektahan ang kaibigan mo. C'mon Bren, stop it. Wala naman ako------",

"I just want to talk to you.", putol niya sa sasabihin ko pa sana. He just want to talk to me? Using his calm voice. Wow! Himala, kalmado siya.

"Marami nang pagkakataon na nag-usap tayo Bren. At sa lahat ng pagkakataon na iyon ay puro pang-iinsolto at panghahamak ang narinig ko sa'yo. So sa tingin mo ba hahayaan pa kitang hamakin ako at insoltuhin ako?", nagtagis ang mga bagang niya sa narinig ko. At wala akong pakialam kong magalit man siya sa akin ng todo dahil sa mga sinabi ko.

"At tsaka, wala na naman tayong pag-uusapan pa. Tahimik na ang bu-----",

"Damn it Kierra, gusto lang kitang makausap!", impit na sigaw niya sa akin.

"Huwag na huwag mo akong sisigawan dahil wala kang karapatan.", kumalma naman siya nag duruin ko siya.

"I'm sorry. I just want to clear things up.", kumunot ang noo ko sa kung anong lilinawin niya. Wala namang malabo siguro sa amin. Klarong klaro naman siguro ang mga nangyayari simula ng bumalik siya.

Pero na realize ko din na siguro kailangan din namin mag-usap ng masinsinan para magkaliwanagan nga. Siguro may malabo nga. Kung gusto niyang klarohin ang mga bagay-bagay tungkol sa amin, ay mas lalo naman ako. Kaya, sige. . .

"I want to clear things up too. Kaya, sige, mag-uusap tayo.",

"Hindi ito ang tamang lugar para mag-usap tayo Kierra. How about tonight? Sa Your Local at seven sharp.", ang bilis nakapag-set ng place at time ah. Parang pinaghandaan. Uhhm. . Whatever!!

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon