CHAPTER 11

118 8 9
                                    


Lumipas ang mga linggo na naging normal naman ang takbo ng buhay ko. Iwinaksi ko muna ang mga isipin tungkol sa amin ni Bren. Sigurado naman ako na nanjan lang siya lagi.

Minsan minsan din siyang nagtetext. Nangungumusta, nag-aayang lumabas, pero tinatanggihan ko naman. Hanggang sa umabot ng isang buwan.

"Kierra?", napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Si Rafael pala.

"Oh hi Raf, komosta?", ngiting tanong ko sa kanya. At naglakad papuntang bakanteng mesa dito sa coffee shop. Sumunod naman siya sa akin.

"Okay lang naman. Ikaw komosta na?", komosta na nga ba ako?

"Mabuti naman ako. Heto, busy pa rin sa buhay.", sagot ko sa kanya sabay upo.

"uhm, nabalitaan mo na ba Kier?", huh?

"Nabalitaang ano?",

"Babalik ng South Africa si Bren bukas.", napatigil ako sa pag-inom ng kape. Pupunta siyang South Africa? Bakit?

"Ganoon ba? Business ba?", ayoko namang maging nosey. Gustohin ko mang malaman kong bakit, pero hindi ko maisatinig.

"Ewan, biglaan kasi ang desisyon niya. Hindi pa ba kayo okay?", tiningnan ko siya. .

"Okay naman kami eh. Sa tamang panahon babalik din ang lahat sa dati.",

"Siguro magpapalamig din muna si Bren doon. Mga one month din siya doon eh.", one month? Bakit ang tagal yata? Bakit feeling ko mawawala na siya sa akin? Bakit feeling ko mag-iiba na ang lahat. Gusto kong pigilan siya pero hindi pa ngayon ang tamang panahon.

"Ang sabi lang kasi niya sa barkada ay babalik siya doon, walang rason na sinabi.", baka ako ang rason kong bakit siya aalis? Naging sobra na ba ang paghihintay niya?

"Ganoon ba?", hindi ko maitago ang lungkot

"Pwede mo naman siyang pigilan Kier. Puntahan mo siya sa airport bukas. 9:30AM ang flight niya.", ngumiti nalang ako kay Rafael.

"Salamat sa impormasyon Raf. Titingnan ko bukas.".


Bren's POV

Araw ng alis ko ngayon, 9:30AM ang flight. Labag sa kalooban ko ang pag-alis, pero kailangan ko din 'to. Kailangan ko din ng space. Higit isang buwan na ng mapag-desisyonan ni Kierra na humingi ng space muna. Ibinigay ko naman sa kanya. Sa loob ng isang buwan, pinipigilan kong lapitan siya tuwing nakikita ko siya sa coffee shop. Nagtatago nalang ako habang pinagmamasdan siya. At sa tuwing papasok siya sa opisina nila, andoon ako sa malayo, nakamasid sa kanya. Mahirap din, pero narealize ko na dapat din pala na may space sa aming dalawa para naman malaman ko kong gaano ko nga ba siya kagusto.

"Sir, nandito na po tayo.", bumalik ang diwa ko ng magsalita ang driver ko.

"Sige manong, salamat.", bumaba na ako at tinulungan niya akong buhatin ang mga bagahi ko papasok.

*Riinnnnngg *rrinnggg

"Hello bro. Uu nasa airport na ako. Naka check in na ang mga bagahi ko.",

"Ingat ka bro. Mami-miss ka namin.", nagtayuan ang balahibo ko sa katawan sa sinabi ni Peter.

"Ang drama mo Pedro, nandidiri ako sa'yo. Ahahahah", mga sira ulo talaga 'tong mga kaibigan ko. Kagabi pa ako inaasar at pinagtitripan. Isang buwan din akong mawawala, mami-miss ko din ang kalokohan ng mga 'to.

"Hahaha, basta bro, balik ka ah.", sabi ni Peter

"Huwag mong kalimutan ang mga pasalubong namin Bren.", sigaw naman ni Marco. Oo si Marco iyon, kilala ko mga boses nila.

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon