CHAPTER 14

115 7 10
                                    


"Hi guyz. . Oy coffeeeeee, latte ba 'to? Sa akin 'to?", tanong ko sa kanila sabay inom ng latte ko. Nandito kami ngayon sa coffee shop as usual. At late ako ngayon kasi inutusan pa ako ni tatay.


May pagtataka sa mga mata nila kong bakit ako sobrang hyper ngayon. Haleer, diba nga sila ang nagsabi na maging masaya ako at to love myself more? Haaay naku naman oh!


"Pwede kayong magsalita guys, huwag 'yang nakanganga lang kayo sa akin. Alam kong maganda na ako.",


"Wow conceited!", komento ni Misty. Siya kasi ang unang nakabawi. . I tilt my head and flip my hair! Gandang 'di nila inakala. hehehe


Nilapitan naman ako ni Kookie at hinimas ang noo ko. "May sakit ka ba Kier? O di kaya nasaniban?",


"Duh! Guyz, alam kong nababaguhan kayo sa akin. Pero, mas pinili kong maging masaya at e-enjoy ang buhay.", sabi ko sa kanila sabay ngiti. .


Kaya naman dahan-dahang lumambot ang expresyon ng mga mukha nila at alam kong sumasang-ayon sila sa akin.


"Eh ganoon naman pala eh! So cheeers sa magandang buhay! Hahah", hahah sira ulo talaga 'tong si Misty . .pinagtitinginan tuloy kami ng ibang mga coffee lovers dito.


Oo, pinili kong magpatuloy sa buhay at maging masaya. Total naman siguro masaya din si Bren kong nasaan man siya ngayon. Hiniling ko nalang sa kanila na huwag nang banggitin ang pangalan ni Bren kong mag-uusap kami. At sumang-ayon naman sila sa akin. Malaking tulong din naman sa akin ang ganito. Chill lang!


"Oy guyz, I think familiar sa akin ang mga lalaking iyon oh.", sabi ni Ellie sabay nguso sa may cashier. Kaya napalingon naman kami lahat. And OMG!


"Omg! Sina Boni.", sabi ni Misty sabay tayo at . . . "Hi Boni!. .", tawag niya sa isang lalaki. Sina Barry, . .so Boni pala ang pangalan nung lalaking halos nakakandong na si Misty. At kaya pala tandang-tanda niya ang pangalan hah!. 


Kumaway naman 'yong Boni, at nakita ko ring medyo nagulat si Barry nang makita ako. Minsan talaga, nagdududa ako sa ganda ko. Nakakagulat ba? Anebenemeeeen!!


"Kierra, it's nice to see you again.", nakangiting lahad sa kamay niya. .


"Barry, same here.", tinanggap ko naman ang kamay niya. Infairness, ang lambot! Nahiya ako bigla.


"What a small world girls. .", sabi naman nung isang hindi naman gaanong katangkaran. Hindi ko alam ang pangalan niya – sorry!


"Maliit lang talaga ang mundo, . .kasing liit mo Primitivo. Heheh", asar ni Boni dito


"Hoy! Bonifacio. Huwag mo akong simulan ha.", sagot naman ni Primitivo. Hahaha seriously?


"Hahaha. .Bonifacio ang real name mo?", tatawa-tawang sabi ni Tori sabay turo kay Boni. As in gusto kong matawa talaga. "dakilang bayani ka pala.", patuloy naman niTori. Sige ka Tori, kapag nalaman ni Boni ang real name mo, baka isumpa mo ang nanay mo. Hehehehe

The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon