Chris' POV
Birthday na ng Gago! Haha!
Nandito na ako sa tapat nila Crystal... Hinihintay ko sya lumabas ng bahay...
"Hi Chris!""Hi Crystaaaaa~"
Ang... Ganda... Nya...
Ang ganda ng buhok nya, may pacurl curl pang nalalaman...
Yung mata nya, ang cute ng pilikmata...
Ang puti nya!
Ang ganda ng lips nya...
Ang ganda ng damit nya(kita cleavage, nakakalaway... Tapos ang ganda pa ng legs! Hehe.. xD!)She's ALMOST perfect...
Ano kaya iktsura ni Becca mamaya?
Natigil ako sa kakadaydream kasi, tinaas ni Crystal yung baba ko.. Nakakahiya, nakanganga pala ako...
"Haha! Tara na Enrique Gil ko"oo, Lizquen kami ngayon...
Pumasok na kami sa sasakyan tapos nagdrive papunta sa MANSION ni Joe...
Pagdating namin, inalalayan ko agad si Crystal... Ohdiba! Ako na gentleman...
Si Joe yung nasa-may pintuan... Sya yung sasalubong sa mga guest...
"Oy gago!"sabi ko sabay hagis sakanya nung susi... Susi ng Sportscar ko yan! Di ko na ginagamit eh, sakanya nalang baka mapaglumaan...
"Ano to?"
"Gunting yan! Gunting! Baka kasi mabiyak yung kuko mo sa kaka-bukas ng regalo, guntingin mo nalang kaya..."
"Tengene ano nga?"
"Susi..."
"Putakte para san ting susi?"
"Para magbukas..."
"Anong mabubuksan nito?"
"Pinto"
"Pinto ng ano?!"
"SPORTSCAR! Susi yan ng sportscar na nakatambak lang sa garage namin..."
"Talaga?!"
"Hinde joke lang yan! Akin na"
"Oo na sige! Pumasok na kayong dalawang lovebirds!"
Pumasok na kami tapos unang una kong nakita si Becca at si Kris na nagtatawanan...
Eto ang perfect!!💕
Nakita ako ni Kris... Humarap sya sakin...
Eto ang epal!!😡
Tinuro ako ni Kris kay Becca... Parang sinasabi na "Rebecca, yung BESPREN mo nandyan ooh!"hmph! Walangjo! Matapos mo ko agawan ng date?!?!
Napatingin sakin si Becca habang magkabit yung braso namin ni Crystal, medyo nag-iba yung facial expression nya... Nagseselos sya?!?! Tch, wag umasa Chris... Huwag umasa...
"gusto mo punta tayo dun?"
"Hmm... Sige ba!"