Chapter 42- I'm Back

101 8 0
                                    

6 months later...

Rebecca's POV

Ang bilis! Anim na buwan na agad ang nakakalipas! Ang daming nagbago!

Sila Christine at Joe nagde-date na!

Si Charlie naman naging tutor si Joy.

Si Jhon at Julie naman laging nagba-bsketball!

At syempre kami ni Chris. Ganun padin! Sweet parin!

May isang tao nga lang na hindi pa nagbabago.

Si Khris.

Hindi ko na nga yon nakakausap since umalis si Crystal!

Hindi rin nya sinasagot yung mga tawag ko sakanya.

Hindi rin sya nagrereply sa mga text ko.

Hindi ko sya nakikita sa labas ng bahay nila.

Nagpalit kaya sya ng SIM? Or lumipat ng bahay? Or...

Hindi pa talaga nakakamove-on?

6 months? Hindi pa nakakamove on? Eh yung kilalako ngang lalaki, weeks palang ang nakalipas may iba agad. Siguro mahal na mahal talaga.

*toot-toot*

Uy! May nag-text!

From: 09*********

Hi! This is Crystal. I'm visiting Philippines. I'll be staying for a month. Btw, I bought a new phone and SIM card. Please save my number. Wait for me on the airport. Thanks!

WOW! Babalik na si Crystal! Good news to para kay Khris!

Dahil sa balitang yun. Napasugod agad ako kila Khris.

"Khris!*knock-knock* Khris buksan mo to! May good news ako!"tuloy tuloy yung pag-kalabog ko sa pintuan nya. "Waaah!"sabi ko sabay pag-salubog ng mukha ko sa sahig ng bahay ni Khris. "Aray"pagtingala ko, walang kamay na gustong tumulong sa pag-tayo ko. Pero nakita ko yung mukha ni Khris. "KHRIS!!"Sigaw ko. Pero parang hindi si Khris to. Ang dungis dungis nya. "Khris ikaw ba yan? Bakit? Bakit ang kapal ng bigote mo? Tska--"

"Ano yung good news?"wow ha. Excited.

"K fine. SI CRYSTAL DADALAW DITO SA PINAS!!!"sabi ko with super full force. Sya naman nanlaki lang yung mata tapos sinarado agad yung pinto. At guess what? Tumakbo pataas ng hagdan. Tch. Ano trip nun?

Naglibotuna ako sa bahay niya.

Ang linis naman. Ang galing. May nakita naman akong note sa Ref.

Habang wala ka.
Habang hinihintay kita.
Habang nag-aabang ang
Tenga ko sa boses mo.
Habang nangungulila ako sayo.
Patuloy kitang mamahalin ng tunay.
At wala akong magagawa sa buhay.
Dahil wala ka saking piling.
Kaya eto ako ngayon.
Naglilinis.
Para sakaling dumating ka.
Wala ka nang makikitang mali.

Di ko alam kung ano yung connect ng pagmomove on sa paglilinis eh. Hehe. Pero nakaka-touch. Pero cheesy. Heh.

"Tara na!"sigaw ni Khris. Napatingin tuloy ako sakanya.

Wahaw! Ahit na yung bigote nya! Ang ayos na nya tignan! Di na sya mukhang yagit!

"Wow. Nauna ka pa magready kesa sakin ah?"

Wala syang sinabi tapos hinila nya lang ako palabas ng bahay. Sheesh. Laki ng ngiti ng gago.

Nung nandun na kami sa airport. Umupo sya.

"Uh. Khrigs wag mong sabihin na hihintayin mo sya?"

"Bkit? Hindi ba pwede?"

"Pwede naman pero. Ang tagal pa kaya nya! Sure ka? Eh pwede ka naman kasi mamaya na pumunta para hindi na matagal yung hihintayin mo"

"Edi umalis ka muna. Ganyan naman lagi eh, lagi akong naiiwanan"

Aba't nangonsensya pa! Hay nako Khris.

So ano ba magagawa ko? Edi sinamahan ko rin sya. Mukhang mahaba habang hintayan to ah.

6 hours later...

Yawn. Hay nako! Hindi pa ba dadating si Crystal? Mahigit anim na oras na kami dito ah? Tsk. Si Khris naman kasi eh! Hindi ba nya alam kung gaano katagal ang byahe mula America hanggang Pilipinas?? Hay nako!

"Becca! Kanina pa kayo dito?"hay salamat! May makakausap na rin ng matino!!!

"Bes! Naku kung alam mo lang."sabi ko.

Kasama sya yung tropa ni Chris at syempre tropa namin.

"Nagtext si Crystal samin na malapit na daw sila dito sa Pinas."

"Buti pa kayo. Walang kasamang atat."bulong ko.

"Ha?"tanong ni Khris.

"Wala! Sabi ko buti pa sila sinabihan kung malapit na sya!"sabi ko

"Teka. Sya na ba yon?"sabi ni Charlie tapos tinuro yung babaeng papalapit.

Taray! Humahangin hangin pa ang buhok! Tapos may shades pa. Ang iksi iksi ng short! Amerikanang amerikana ang dating!

"Khris. Ayan na sya!"sabi ko pero walang sumagot. "Khris? Khris?"lumingon ako sakanya pero... Teka wala na sya! "Huh? Guys nakita nyo ba si Khris? Yung letter K ang simula?"

"Nagseselos na ko ah. Hmm. Hinde. Hindi namin nakita."tumango naman silang lahat sa sinabi ni Chris.

"Psh parang yun lang eh!"sabi ko sabay kamot ng ulo. Ang OA naman kasi ng lalaking to!

"Hello! Long time no see guys!"sabi nya tapos nakipag-beso beso pa sakin. Nagulat naman ako dun.

Lahat kami natulala sakanya. Ang laki ng pinagbago nya!

"What?? Haha! I'm back! I'm soo BACK!!"

Ghad.

End of Chapter 42

The Boy She Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon