Rebecca's POV
"Bes!"
No way! Kahit anong ala-ala, wag lang to! Ayoko na tong balikan!
"Bwisit! Ibang Memory nalang!"sabi ko habang sinasara yung pintuan pero wala eh. Ang tigas, ayaw masara!
Tumakbo ako papunta dun sa susunod na pinto. Baka sakaling mawawala yung Hologram na yun pag may ibang hologram na lumabas.
Pero hindi eh. Walang lumabas na bagong Hologram.
"Bes?"sabi dun sa Hologram.
(Flashback)
(Eto na rin po yung nangyayari dun sa Hologram)
"Baguhan ka dito noh?"
"Hindi halata, noh? Kaya nyo nga ko binubully eh diba?"
"Wag ka ngang mamilisopo dyan!"
"Bakit? Ayaw mo bang nababara ka?"
"Tumahimik ka nga sabi eh!"sabi nung nambubully sakin tapos tinulak ako kaya napasalampak ako sa sahig. Aba bastos to ah! Masupalpal nga!
"Hoy! Ano bang ginagawa nyo sa Bes ko?!"sabi naman nung isang babae na naliligaw ata.
"Bes?"tanong naming lahat. Oo, yung mga nambubully sakin plus me!
"Huy, tayo ba kinakausap nyan?"tanong ko dun sa mga nambubully sakin pero tinitgnan lang nila ako ng masama. "Oy. Bakit kayo tumahimik? Takot kaya dyan noh?"bulong ko dun sa katabi kong bully.
"Teka nga. Sinong BES?"tanong nung isang bully.
"Sino pa ba? Edi--"parang naghanap pa yung babae. Hinahanap pa si BES nya. Eh sino ba yun? Nawiwindang na ata si Ate ah. "Ayun!"sabi sabay turo sakin. Napaturo din ako sa sarili ko.
"Ako?"bulong ko.
"Oo ikaw! Kaya kung ako sainyo. Magsi-uwian na kayo! Losers!"tapos nagsilatasan na nga yung mga bully na yun.
"Langya! Sabi ko na nga ba takot kayo sakanya eh!"sabi ko habang patayo. "Miss thank you nga pa---"
"Thank You ka dyan?! Bwiset to"
"Aba naman! Ang sungit neto! Kung susungitan mo rin pala ko edi sana di mo na ko pinagtanggol! Kayang kaya ko naman na yung sarili ko dun eh!"
"Bwisit"
"Oy! Bakit ba bwisit na bwisit ka sakin? Bakit lahat kayo naasar sakin? Ganyan nyo ba igreet ang mga Transfer student dito? Aba, nakaka- overwhelm naman! Tska kung bwisit ka rin pala sakin, dapat pinabayaan mo na kong bullihin ng mga yun kanina. Abnurmal"
"Eh sa akala ko kasi ikaw si BES ko! Peke pala!"
"Aba. Kasalanan ko pa pala na ikaw tong eengot engot na hindi tinitignan yung ipapagtanggol nya! Sa sususnod kasi ate, titingin muna bago mag-eskandalo! Skendalosa..."