Rebecca's POV
Kakahiga ko lang sa kama pero biglang may nag-text.
From: Joyie.
Becca! Pumunta ka dito sa bahay ni Crystal! Yung malaki? EMERGENCY! Kailangan nandito ka na. ASAP.
Napabangon naman ako agad doon. Kahit nakapambahay lang ako, lumabas ako ng bahay. Tapos nagbike agad ako.
Pagdating ko da tapat g bahay nila, may nakita agad akong babae sa rooftop. Teka si Crystak yun ah?
Teka, ano? SI CRYSTAL SA ROOFTOP??!! Ohghad! Wag syang tatalon noh! It's either matutusok sya sa gate ng bahay nila or mahuhulog sya sa kalye na punong puno ng nga sasakyan! Waaah! Emergency nga!
Sa sobrang taranta, hindi ko na inistand yung bike tapos sumugod agad ako sa gate. Luh! Bakit naka-lock? Aish. No choice!
Syempre inakyat ko yung gate na yun. Nung nasa loob na ko, narinig ko yung tunog ng gate.
Nice. May small gate nga pala sila dito sa gilid ng bahay nila. Dapat dun nalang ako pumasok, hindi yung nag-ala spiderman pa ko dun! Haaay.
Ayy ano ba yan! May iba akong problema! Si Crystal!
So ayun, pumasok ako sa loob ng bahay nila at umakyat sa 4 na palapag na bahay nila. Hay nako. Pangatlo palang pagod na ko!
Finally! Naka-akyat din!
Sinalubong agad ako nila Joy at Julie.
"Rebecca! Buti nalang nandito ka na!"-Joy
"Ano ba kasing nangyari? Anong emergency to?"-Me.
"Eh yang Bestie mo! Hindi kasi nag-iisip! Kung ano-anong ba namang sinabi kay Crystal!?"-Julie.
Tumakbo agad ako malapit kila Crystal at Christine.
"Bes, sorry ha? Nabigla lang talaga kasi ako! Eh kasi. Alam ko namang nasasaktan ka na nya. Eh alam mo naman na---"-Bes
"Bes! Alam ko. Pero dapat hindi ka rin nananakit ng ibang tao."sabi ko habnag nakagawak sa dalawang balikat ni Bes. Medyo naluluha kasi sya eh.
Tumingin ako kay Crystal na nasa rooftop. Halatang umiyak sya ng todo.
Anong dapat kong gawin? Iisa lang kasi yung naiisip ko.
"Hoy Becca! Tumigil ka nga!"-Joy
"Bes anong ginagawa mo?!"-Bes
"Nahihibang ka ba?! Hoy!!!"-Julie
Wala akong pake alam kung mahulog or malula ako. Sheesh. May Fear of Heights pa naman ako.
"Crystal..."
Khris' POV
From: Julie.
Hoy Khris! Pumunta ka sa Mansion ni Crystal! Asap to bro!
Hindi ko pinansin yung text ni Julie. Sheesh. Baka pagbatiin lang nila kami dun eh.
From: Julie
Hoy lalake! May balak ka bang mag-reply or pumunta?
Wala! Baka kung anong ikagagalit ko lang ang makita ko dun.
From: Julie
Ampupu! Lalaki k b tlga? Ang arte mo ah! Pumunta ka na nga! Bwiset ka ha. Wag mo painitin ulo ko.
Iooff ko na sana yung cellphone ko pero biglang tumawag si Julie.
Haay. Sesermonan ko nga muna para tumigil na.
"Alam m---"
"ANG ARTE MONG LALAKI KA HA! ANO BA??!!! PAPARATING KA NA BA??!! PUPUNTA KA BA??!! SUMAGOT KA NAMAN BWISET!! USO KASI MAGSALITA! TAE. MAPAPAMURA AKO SAYO NG DI ORAS HA!!! SINASABI KO SAYO, HINDI MO KO MAGUGUSTUHAN PAG MAGALIT!! SUGURADUHIN MONG PUPUNTA KA KUNG HINDI MABABARAG KA BUKAS!!!"Sigaw ni Julie sa phone tapos inend na nya agad.
Grabe, sabi ko sesermonan ko sya pero sya yung nanermon sakin.
Kailangan ko pumunta. No choice. Kung anong sinabi nya, gagawin nya. Tska ayoko pa mabarag bukas.
Sumakay ako sa motor ko tapos pumunta ako sa bahay ni Crystal. Habang nasa tapat ng bahay nila. Nagwala agad yung puso ko.
Pumasok na ko sa loob. Dun sa small gate sa gilid ng mansion nila.
Habang pataas ako ng pataas ng hagdan. Lalo akong kinakabahan. Ano kayang makikita ko dito? Si Crystal na kahalikan yung lalaki nya tapos magsosorry sya sakin at sasabihin na-- haaay. Ewan, wag na nga.
"Hindi kita gustong saktan sa mga sinabi ko noon! Gusto lang kita iligtas! Iligtas sa sobrang sakit na mararamdaman mo pag naghiwalay o mawala na kayo nila Chris! Ayokong matulad ka sakin. Kasi... Sino bang may sabi na hindi ko na sya mahal? Sino ba nagsabi na ayoko na sakanya? Sino ba nagsabi?! Dahil sa totoo lang, walang araw at walang minuto na hindi ako nasasaktan! At kung ano ako ngayon, dahil yun samin. Dahil yun sa nangyari samin!"-Crystal.
Teka. Ako ba yung tinutukoy nya?
"Bro! Nandito ka na pala?"sabi ni Joe na nasa likod ko lang.
"Uyy mukhang may heavy drama dito ah?"sabi naman ni Charlie.
''Nasa rooftop ba si Rebecca??!!"natatarantang tanong ni Chris.
Pumunta ako sa lugar na makikita ko si Crystal.
"Crystal"
"Khris."End of Chapter 47