Rebecca's POV
Nakakaloka naman yung Cookies and Cream thingy ni Manong na yun! Graveh lang ah. Ano yun? Nakabatay sa flavor ng ice cream yung labstory nila? Ansaya naman!
Alam nyo hindi naman ako naiinis dun sa Ice Cream chorvaness ni Manong. Eh ang weird lang! Malay mo ano. Coincidence lang. Eh wala! Bahala na nga! Basta isa lang ang ayoko! Ayoko nang kumain ng Ice Cream na Cookies and Cream and Flavor! Malas na yun eh.
"Hi Becca!"sabi ni Keneddy tapos pumasok sya sa loob ng bahay namin.
Opo! Bahay namin! Syempre banda kami noh, pag kailangan namin mag-praktis hindi na kami magmi-meet meet pa!
"May dala kaming Ice Cream!"sabi ni Samantha.
"Oo nga! Masarap to! Cookies and Cream"sabi ni Keneddy tapos nilapag sa harapan ko yung Ice Cream.
Nako! Ayoko na ng Cookies and Cream! Isinusumpa ko ang flavor na yan!
"Heh! Ayoko nyan! Pede namang Rocky Road! Strawberry! Chocolate! Bakit cookies and cream pa?"
"Arte muh"Samantha. Ang Prangka netong babaeng to eh!
"Bakit ayaw mo ng Cookies and Cream? Ang alam ko favorite mo yan eh!"Keneddy
"Eh ngayon hindi na! Nagbabago ang taste ng isang tao!"
"Wow! Kahapon lang nakita kitang kumakain ng Cookies and Cream na Ice Cream tapos ngayon parang nandidiri ka na sa Flavor na yan? Ano ganyan ka kabilis magpalit ng taste? Ano na bukas? Sinigang flavored ice cream na ang gusto mo?"
"Eh basta nga! Akin na pera, bibili akong ibang flavor."
"Aba manghihingi pa ng pera. Bahala ka!"
Leche naman tong mga to! Dami dami ng flavor Cookies and Cream pa!
Habang naglalakad. May natanaw akong panget. Si Sarah lang pala. At ang loka, may kasamang lalake. Teka, pamilyar yung lalaki ah! Ayy wala baka namamalik mata lang ako.
"SARAAAAAH!!"sigaw ko at luckily napalingon sya. At agad naman syang tumakbo papunta dito. "Loka may lalaki ka nanamang kasama!"
"Haha... Haha..."sabi nya habang ngumingiti. Ngiting aso
"Bakit ka ganyan makangiti?"
"Wala laaaanngg!"
"Ewan. Ang weird mo! Ano bang pinasinghot sayo ng lalaking kasama mo kanina ha? Naadik ka na eh. Tara samahan mo nga muna ko bumili ng ice cream!"
"Cookies and Cream ba?"
"Oo-- ayy hinde! Ayoko nga nun. Psh. Ibang ano. Ibang flavor."
Sabi ko tapos hinatak ko na si Sarah.
Habang naglalakad kami, napapansin ko na pangiti ngiti sya. Natamaan kaya to dun sa lalaking kasama nya kanina? Putspa mamaya tatamaan ko na to eh!
"Rebecca!"
"Oww?"
"May horror house oh!"sabi nya tapos tinuro yung horror house sa may kabilang lane.