Crystal's POV
Bakit sya nandito? Hindi sya pwede dito! Ayokong nandito sya!
"Crystal bumaba ka dyan."cold na sabi nya.
"Ayoko nga! Sino ka ba sa buhay ko?"sabi ko pero ganun parin yung expression nya.
Tumahimik sya. Walang nagtangkang bumasag tahimikan.
Bakit? Totoo naman ah! Sino ba sya sa buhay ko? Hindi na kami. Tska may iba na sya. Diba?
"Ako lang naman... Yung nagmamahal sayo... Ako lang naman yung... Nagmamahal PARIN sayo. Kahit nasa malayong lugar ka. Kahit alam kong may iba nang lalaki sa puso mo. Walang oras na hindi kita minahal. Kahit alam ko na hindi mo na ko kayang mahalin pabalik. Ginawa ko. At kahit kelan, hindi sumagi sa isip ko ang mag-move on..."sabi nya na medyo naluluha luha pa.
Humakbang sya...
Teka... Lahat ba ng sinabi nya... Totoo kaya yun?
"Rebecca bumama ka dyan..."-Khris.
"Ha? Eh--"-Becca
"Baba!!!"-Khris
"Oo nga. Bababa na nga diba? Excited naman eh."sabi ni Rebecca tapos nagmadaling bumaba sa rooftop.
Tapos nung nakababa na si Becca, sya naman yung umakyat. Lumayo ako.
"Lumayo ka!! Bumaba ka!! Umalis ka na!!"sabi habang paiyak na ng paiyak.
"Crystal... Please... Can you give me a chance? Pwede naman nating ayusin to ah? Diba? Pwede pa tayong magsimula ulit..."pinunasan nya yung luha nya. "Hello! I'm Khri--"
"Kung balak mong magpakilala ulit... Wag mo na utuloy... Isipin mo nalang na inisnob kita nung nagpakilala ka... Ok? So ibig sabihin hindi tayo magkakilala..."
"Ano ba Crystal! Bakit ba ang Hirap mong iplease?"
Rebecca's POV
"Hello! I'm Khri--"
"Kung balak mong magpakilala ulit... Wag mo na utuloy... Isipin mo nalang na inisnob kita nung nagpakilala ka... Ok? So ibig sabihin hindi tayo magkakilala..."
"Ano ba Crystal! Bakit ba ang Hirap mong iplease?"
Dahil dun sa sinabi nilang dalawa. May naalala ako.
Naalala ko yung araw na... Nagdala sya ng sulat sa locker ko... Tapos sinugod ko sya... Tapos ayun... Sinubukan kong makipag-bati pero wa-epek.
"Wag ka na umiyak Becca. Alam kong may naaalala ka."-sabi sakin ni Chris tapos inakbayan/niyakap nya ko.
"H-hindi ako... Umiiyak"-Sabi ko na nauutal pa.
"Suuus. Hindi daw."hinarap nya ko sakanya. Napataas naman yung kilay ko dun. Pero ang mas kinagulat ko...
Kiniss nya ko sa lips...
Smack lang naman!
"Huy! Tama na PDA!"-Bes
"Public Display of Abnormality."-Julie
Si Joy naman walang reaction. Parang naaantig ang kanyang pusong mamon sa pinanonood nya sa rooftop. Nyeh.
Khris' POV
"Ayoko na Khris. Ayoko nang magdesisyon. Kasi sa dalawang pagpipilian ko. Parehas lang akong masasaktan. Ayoko nang masaktan Khris. Ayoko nang maniwala sa Panghabang buhay na pag-ibig. Na minsan mo nang pinangako. At minsan mo na ring pinako. At itong puso ko, minsan mo na ring pinaasa. Ayoko na eh. Ayoko na!"tumingin sya sa baba. Bigla naman akong kinabahan. Hindi nya pwedeng ituloy kung anong nasa isip nya.
"Crystal--"
"Gusto ko lang tong sabihin sainyo!"napatingin kaming lahat sakanya. Bigla syang ngumiti. "Sorry. Hindi na maulit"
"CRYSTAL!!!"Sigaw naming lahat
*beep- beep*
Rebecca's POV
Hindi! Hala! Nako! Lagot! Ano nang gagawin namin?!
Natataranta na kaming lahat.
SI CRYSTAL TUMALON MULA SA ROOFTOP!!!
Halos tatlong beses kaming nagunahan pababa ng hagdan.
Habang palapit kami ng palapit, lumalakas ng lumalakas yung mga busina sa labas.
Crystal! Ano bang nangyari?! Ano bang nangyari sayo?? Bakit mo ginawa to?
"Hoy Khris! Ano bang sinabi mo kay Crystal? Tinulak mo ba?"tanong ko kay Khris habang palabas na kami ng gate. Pero walang sumagot. Bigla akong kinabahan. "Teka... Khris? SI KHRIS??!!! NASAN??!!"sigaw ko. Lalo akong nataranta.
"Wag!!!"sigaw ko...
S-si... Khris... T-tumal-lon din... At magkatabi pa sila ni Crystal...
Napaluhod nalang ako tapos napahawak sa dibdib ko habang yung isa kong kamay naman nasa lupa.
Sobra ang iyak ko. Dalawang kaibigan ko ang nawala...
Pero naantig ang puso namin lahat sa huli naming nakita..
Bago tuluyang mawalan ng buhay si Khris. Hinawakan muna nya yung kamay ni Crystal. Tapos tuluyan na syang nawalan ng buhay.
"Khris... Crystal?"sabi ko habang umiiyak parin...
Bigla nalang akong niyakap ni Chris. Habang ako naman, umiiyak parin.
Wala na sila.
Pero sa pagkawala nila, halata namang mahal parin nila ang isa't isa.
Napatingin ako sa langit.
Alam kong matutuloy nila sa langit ang pag-iibigan nila.
End of Chapter 48
Reactions naman po dyan! Hehe. Comment lang po. Tnx