Chris' POV
"Yes! I'm going to meet Philippines nanaman! Yehey! I'm so masaya!"sabi ni Zoey.
Alam nyo, kanina pa kami natutulig sa ka-conyohan nyan eh.
"Ugh! Zoey, wala ka bang balak tumigil?"-Steven.
"Huh? What's balak?"
"Plan! Don't you have any plan to stop talking?"
"Why would I stop?"
"Ugh! Nevermind. I don't wanna mess up with girls. Specially my Dude's girl."
"Shut up"sabi ko nalang.
Kinakabahan ako. Nasa tapat na kami ng Airport.
Whoo! Relax Chris. Relax. I'm sure hindi mo sya makikita sa Pinas.
Nagkukulitan sila at binabara yung kaconyohan ni Zoey habang ako, tahimik at sinusundan lang sila kung san sila pupunta.
Pano kung magkita kami? Galit pa kaya sya? Anong gagawin ko pag galit pa sya? Susuyuin ko ba sya? Eh baka mailang kami sa isa't isa. Pero Best Friends naman kami diba? Edi ganun parin yung pakikitungo namin sa isa't isa?
Ayy nako. Ang daming tanong at Question Marks sa utak ko. Pero ni isa, hindi ko alam ang sagot.
Pero... Hindi ko naman sya makikita dun diba?
Relax nga lang. Hindi mo sya makikita dun. Malaki ang Pinas kaya may 15% lang na magkita kami.
Ok! Ano ba Chris! Wag ka nga kabahan.
Hanggang sa maka-upo na kami sa Eroplano, hindi parin ako mapakali.
"Thinkin' about her. Right?"sabi ni Zoey na tumabi sakin.
"Huh? Who?"
"Your one and only!"
"Oh. Yeah, right."
"Don't worry! Philippines is a huge place. I'm sure you'll not meet there. Just don't be nervous. You're acting Crazy!"
"Huh? Ok. I wish"
Hanga rin ako kay Zoey eh. Kahit si Rebecca yung dahilan ng pananakit ko sakanya, hindi parin sya nagtatanim ng galit. At sobrang bait nya sakin!
*riing riing*
Tumunog yung phone ko.
"Uy. Yung phone ko Ringing"sabi ko tapos sinagot ko yung tawag
"YUCK DUDE! ANG CONYO!"sigaw ni Steven na nasa likod ng seat ko. Sinenyasan ko lang sya na tumahimik.
"Hello?"
"Hello! Si Chris Alcantara po ba to?"
"Yes. Why?"
"Yes! Si Candace to. Remember? Yung from section (alam nyo na) sa Campus (lam na this din)! Kabatch kita!"ayy Oo! Si Candace! Naaalala ko na sya "May Reunion nga pala tayo."
"Huh? Kelan?"
"Mamaya"
"MAMAYA?!?!"sigaw ko.
Napahiya ako kasi halos lahat ng tao sa Eroplano, tumingin sakin. Medyo tumawa naman si Zoey at rinig na rinig ko naman yung halakhak nung dalawa sa likod.
"Sorry"sabi ko tapos hininaan ko yung boses ko.
"Mamaya na talaga agad? Bakit hindi mo ko ininform agad? Ng mas maaga?"