Rebecca's POV
Totoo kaya yung sinabi ni Crystal? Na balang araw, magkakahiwalay din kami ni Chris? Kung totoo man. Parang... Hindi ko kaya. I can'y imagine life without him.
*tok-tok*
"Bes! Nandyan ka ba? Ok ka lang ba? Sabi ni Tita ayaw mo daw kumain... Hello? Hoy Bruha! Andito ka ba? Sumagot ka nga sakin, di yung ico-colombia zone mo ko!"ang mainipin naman daw. Ano ba, may dalaw ba to?
"Eto na! Eto na! Bubuksan na po! Tssk. May colombia colombia zone pa syang nalalaman."bulong ko.
Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, nakita ko agad yung lipstick na nakatutok sa mukha ko.
"HOY BABAE! ANONG KADRAMAHAN TO?! BAKIT SABI NI TITA HINDI KA DAW KUMAKAIN?! PROBLEMADO KA? ANO DAHIL BA KAY CHRIS??!! SABIHIN MO LANG! ANO BA NAG-LQ BA KAYO?? SABIHIN MO KASI SAKIN PARA RERESB---"tinakpan ko yung bibig nya.
"Alam mo, bago ka pumutak dyan. Itanong mo muna kung bakit. Tska diba sabi mo, hindi pa ko kumakain?"
"Uhh. Oo?"
"Sigekuhamonakongpagkain"mabilis kong sinabi tapos sinarado ko agad yung pinto.
"Huh? Ano!? Hindi ko naintindihan! Buksan mo t--"
"Ano ka? Alam kong narinig mo yun! Oh bilis kilos na"
Narinig kong padabog syang bumab ng hagdan. Mwahaha! Galing ko talaga! Alam ko namang hindi nya ko matitiis.
***
"Mahal na Prinsesang TAMAD hoy. Eto na pagkain mo."sabi ni Bes dun sa labas ng pinto.
Ako naman, agad na tumalon sa kama ko tapos binuksan yung pinto. At Bwala! Dala na nya yung Goody Foodies ko!
Syempre kinuha ko agad yung foods tapos kumain sa kama ko. Sumunod naman sya.
"Wow ha! Thank you ha!"
"Ok. Welcome"
"Psshh... Sige, bakit ka nagda-drama?"
"Eh..."napatigil ako sa pag-kain. "Kasi naman. Nakakabagabag yung sinabi ni Crystal kahapon eh. Pwede kayang mangyari yun? Kasi..."
"Hindi mangyayari yun noh! Kayo pa? Tsk. Poreber kaya kayuu. Kayo lang ang nagpatunay nun noh? Yiieee. Tatawa na yan."
"Pssh... Nambola. Tsk!"
"Pero totoo kaya. Ang sweet sweet nyo. At kitang kita mo sa mga mata nyo yung pag-iibigang yun! Walang makikitang mali sainyo. Perfect Couple kumbaga. Siguro nung nagkakilala kayo, nabuo yung salitang 'forever'. kaya wag ka ngang maniwala sa mga sinasabi ng Crystal bubog na yun! Wag ka mag-papaepekto! Basta walang makatatalo sainyo!"Awww. Ang sweet naman ni Bes. "kayo nga ni Chris yung inspiration namin ni Jo-- wala."
"Ha??!! Ano? Ano? Inspiration nyo nino?"tanong ko. Alam ko naman na Joe talaga. Pero tignan natin kung magsasabi talaga to ng totoo.
"Wala. Tska. Anong Joe? Sabi ko. Ano. Show! Oo show! May show kasi na ano. Ayy basta! Manood ka sa Channel 2! Malalaman mo yun! Geh, bye!"sabi nya tapos umalis na agad sa kwarto. Suuuss. Show daw! Pfftt...
Alam ko naman na Joe talaga yun! Hindi na loyal ang Bespren ko sakin! Waaah!
"Anak! Bakit sunod-sunod yung mga bisita mo? Andito si Chris."
"Ha?"na-excite naman ako dun. Pero bago pa ko makababa eh. Sinalubong na nya ko sa kwarto ko. Unti unti ako tinangay dun sa loob ng kwarto ko. Tapos sinara yung pinto.
"Becca Babes!"sabi nya tapos hinug agad ako. Wow lang. Parang hindi nagkita kahapon noh?
"Sabi ni tita, problemado ka daw? Dahil ba sa sinabi ni Crystal?"tanong nya.
"Uhmm.. Oo?"sabi ko. Lalo nyang hinigpitan yung yakap nya tapos hinalikan ako sa noo tapos hinagod hagod pa yung buhok ko.
Ganito? Ganito ka sweet ba yung mahihiwalay sakin? Ganito ko kamahal pero mawawalay sakin? Ganito ba? Hindi diba? Sabihin nyo! Hindi naman kasi diba?
Naiiyak nanaman ako.
Napayakap nalang ang sakanya ng mahigpit.
"Umiiyak ka nanaman."sabi nya. Haay nako. Ang iyakin ko talaga"Shh. Tahan na nga. Alam mo namang hindi kita iiwan eh."lalo akong napaiyak. Nako naman Chris! Ang sweet mo kasi eh. "Tumahan ka na. Sige ka papangit ka nyan."
Humarap ako sakanya. "Hindi mo naman ako iiwan diba?"sabi ko.
Hinawakan nya yung pisngi ko.
"Yang magaganda at makikintab na mga matang yan."tinap nya yung ilong ko. "Yung matangos mong ilong."hinawakan nya yung noo ko. "Yung mala-airport mong noo"hinampas ko naman yung kamay nya. "Haha! Joke lang. Yung noo mo na lagi kong hinahalikan."tapos hinalikan nga nya yung ilong ko. "Yung tenga mo na parang unggoy"sabi nya tapos hinawakan pa nya yung tenga ko.
"Ewan ko sayo! Dyan ka na--"aalis na dapat ako pero hinila nya ko tapos niyakap ulit.
"Yung tenga mo. Na lagi kong binubulungan ng"lumapit sya sa tenga ko tapos sinabing "I love you"
Awww. Chris naman.
"Pero hindi lang yun. Syempre yung ugali mo. Mabait ka, bubbly. Lagi mo kong napapasaya. Sa bawat araw eh minamahal kita lalo."sabi nya. "Hindi lang yun... Syempre yung... Mga labi mo."nag-smirk sya tapos tumingin sa labi ko.
Tumaas naman lahat ng mga balahibo ko. Alam ko na kung anong susunod nyang gawin. Kaya pinilit kong kumawala sa yakap nya pero hindi ko talaga kaya.
Palapit.
Palapit.
Papalapit ng papalapit.
At.
Ayun. Nagulat ako. Akala ko. Joke lang. Pero. Ayun joke lang nga pala talaga -__- shimay. Ang paasa.
"Hahahahaha! Hay nako Rebecca. Gusto mo naman diba?"sabi nya tapos humiga sa kama.
"Yabang mo rin ah? Ikaw pa-- AAAH!!"napasigaw ako kasi hinila nya din ako dun sa kama.
WAAAHH!!! Ayoko pa! Bata pa ko! Marami pa kong pangarap!
"Bitiwan mo koo!!! Bitaw na! Bita--"
O_O
H-hinalikan nya ko!
End of Chapter 44
Bitin ba? Hahaha. Sorey.