Crystal's POV
"Teka. Ilang taon na nga pala kayo magkasama ni Chris?"
"Magkasama?"Tanong ni Becca. Sus. Si bruha may tampo!
"Oo. I mean, magkakilala, close, together. Ganun"
"Wag na baka mainggit ka lang-- ARAY!"sabi ni Chris. Psh. Ako? Maiinggit? Na-ah!
Pero buti lang sakanya noh. Inapakan ni Becca yung paa nya.
"Ako? Maiinggit? Never noh! Bakit? Ilang taon na nga ba?"tanong ko. Wala curious lang ako. Super close kasi talaga sila sa isa't isa.
"Uhmm. Since 4? 5? Or 6 year old. Ganun"
Nawindang naman ako sa sinabi ni Chris. Juice Colored! Ang tagal na pala!
"Ayy sus. Kaya naman pala hindi ko sya maagaw sayo Becca! Swerte mo. Loyal na loyal sya sayo."sabi ko sbay kindat kay Becca.
"Aish. Loyal daw. Legs lang ang katapat nyan eh."sabi nya sabay irap pa kay Chris. "Pwedeng pwede mo na yan agawin sakin ngayon. Baka nga ibigay ko pa sayo yan eh. Para wag ka nang mahirapan"
Nag "ooh!" Naman silang lahat maliban sakin, kay Chris at kay Becca.
"Aysus naman! Nagtatampo si Becca Babes!"sabi ni Chris tapos lumapit at tumabi sya kay Becca tapos inakbayan pa.
"Lumayo kaaaa!!!"sigaw ni Becca.
"Ayako."sabi naman ni Chris na hinug si Becca habang si Becca naman pilit na pumipiglas.
Ang cute naman nila tignan.
Pero sabi nga ni Auntie:
Nothing stays what it is. Everything ends. The love you shared and the love he shared can be taken away. So don't make yourself believe that eternal love exists, coz' believing can lead you to hurting. If you love somebody, learn to love yourself first.
(Si Otor po gumawa nyang hugot na yan! Nyahaha. Proud ako, english kasi yung nagawa ko XD)
Oo. At alam ko na maghihiwalay din yang sila Chris at Rebecca. Lahat naman. Lang Forever. Kaya dapat ngayon, maghiwalay na sila para hindi na mas lumalim yung pag-iibigan chorvaness nila kasi pag-lumalim yan, mas mahirap mag-move on.
Alam ko na yung feeling na yun.
"Ang sweet nyo. Pero alam ko, balang araw mawawalan ng kwenta ang pag-iibigan nyo. Kaya be ready na. Nobody knows kung kelan yun. Malay nyo, bukas. Or later. Ganun. Di natin alam. Walang makakahula."
Natahimik silang lahat sa nobela ko. Pero Hello? Totoo naman diba? Sabihin nyo! Totoo diba?
Sunod naman, pumunta kami sa Food Court at nag-food trip dun.
"Break na tayo."nung marinig ko yun, hinanap ko agad kung san nanggaling yun. At nung nakita ko yun. BOOM! Makakanood nanaman ulit ako ng live show! Exciting!
Yung mga kasama ko naman. Nanood din.
"Ha? Ano? Pero. Pano? May pagkukulang ba ko?"
"Hindi. Wala."
"Pero bakit?! Wag mo naman gawin to."halos lumuhod na si Boy para lang wag makipag-break sakanya si Girl.