Crystal's POV
Naghahanap ako ng mga gamit na hindi ko nadala sa America. So eto, naghahalungkat ng mga drawer at cabinet. Naghahanap ng something n mapapakinabangan.
Binuksan ko yung pinaka mataas na drawer, wala. Yung pangalawa, wala
Yung pangatlo may Picture. Yung pang-apat...Teka ano?? May Picture?
Binuksan ko agad yung 3rd drawer. At lumantad ang isang litrato na ayoko nang balikan.
Grabeh. Ang sweet naman namin dito.
Eto yung picture namin ni Bru. Tinuturuan nya ako mag-football eh kababae kong tao. Kaya ang dumi namin dito sa picture na to. Puro putik.
Flashback~~~
"Huy! Ayoko na! Nakakapagod naman to!"
"Syempre! May sport ba na hindi nakakapagod?"
"Meron! Chess"
"Sus. Nakakawindang naman ng utak."
"Eh ayoko na kasi! Babae ako kaya wala akong hilig dito!"
"Bakit? Dati pinag-laro mo ko ng Tea Party kasama yung mga dolls mo! Sa tingin mo ba gawain ng mga lalaki yun? Diba hinde? Pero narinig mo ba kong mag-complain? Hindi diba?!"oops. Nasigawan yata ako ni Bru. Ano ba yan. Naiiyak na ko. Nagalit yata sya sakin. "Ayy.. Bru. Sorry."sabi nya tapos lumapit sya sakin. Tapos hinug nya ko. Tapos biglang umulan.
End of Flashback~~~
At yun. Hindi namin alam na pinicturan pala kami ni Tita nun. Haha! Hay. Nako naman. Nakakamiss.
Lumabas ako ng bahay. Gusto ko lang magpahangin, ganun.
Sabang namamasyal ako, may nakita akong couple na naghahalikan habang nakasandal sa kotse. Ewwiness. Ang super PDA naman nitong mga to. Makapag-lampungan, eh lantaran! Jusko! Sa kama nyo gawin yan, nang may maging produkto yang pinaghirapan nyo! Kawawa naman kayo eh, pakahirap kayo kahahalik dyan wala ring mapapala. Tss. Hindi man lang nahiya. Bwisit. Oh edi sige! Sila na may Love-life! Sila na ang sweet! Sila na ang nagmamahalan! Sila na ang---
Napatigil ako nung nalaman ko na si Khris pala yung lalaki na... Na nakikipag-halikan ng bongga... Parang nagwawala yung puso ko. Parang hindi ako makahinga. Nag-uunahan na ang mga luha ko sa pag-labas
Pero nagulat ako nung sinampal sya nung babae. Ah? Haay. Ewan, baka LQ nila.
Habang naglalakad ako, nanghihina ako. Dahil dun sa nakita ko kanina. Bago pa tumulo yung luha ko, pinupunasan ko agad. Pero may kapalit agad.
Bakit ba ko nasasaktan? Bakit ba? Diba alam ko naman na maghahanap talaga sya ng iba, kasi hindi na kami! Kaya bakit ba ko nasasaktan? Karapatan nya yun! Hindi ko sya pwedeng diktahan ng kung anong gawin nya.
At kung sino ang mamahalin nya.
Bakit? Wala na na talaga akong karapatang sumaya? Si Kuya nawala. Si Chris din. Pati ba naman ikaw bru?
Eh gagi naman kasi ako! Dapat hindi na ko umasa na single pa sya hanggang ngayon! Dapat hindi na ko umasa na mahal parin nya ko. Dapat hindi na ko umasa. Para ngayon, hindi na ko nasasaktan!
Kinuha ki yung isa ko pang picture naming dalawa sa may bulsa ko. Punit to eh. Magkasama kami dito, pinunit namin sa gitna, kaya yung nasa akin eh yung picture nya.
Tinitigan ko lang. Pero mamaya-maya, may tumulong luha.
Ginusot ko yung papel at tinapon nalang sa kung saan. At tska tumakbo palayo.
Khris' POV
Lips. Lips of an angel! Labi ng anghel! Hinding hindi mo pag-sasawaan.
"I love you...
Crystal"
*pak!*
ARAY! Ang sakit nun ah?
"Crystal? Ako si Sarah! Sino si Crystal? Babae mo? Sino sya!? Ha?"sabi nung babae. Hindi naman ako nakasagot at nakahawak lang ako sa pisngi ko. Tapos tuluyan na syang umalis.
haay. Tama ba tong ginagawa ko?
Ginagawa kong panakip butas yung mga babaeng kakakilala ko palang para lang makalimutan na si Crystal?
Pero kahit sinong babae ang kasama ko. Si Crystal parin ang nasa-isip ko. At sa puso ko.
Haaay. Pero siguro, nagtatawagan sila ngayon ng Amerikano nyang Boyfriend. Oo, amerikano nyang boyfriend na wala akong binatbat. Q_Q
Kinuha ko yung picture namin ni Becca. Haay. Naalala ko, nasigawan ko pa sya noon. Haha. Ang sweet pa namin dito oh. Ano bang nangyare?
Kinuha ko yung picture sa bulsa ko. Eto, eto. Nalang yung natitira kong alaala saming dalawa. Shit ang bakla ko! Haaay. Nakakamiss naman kase.
Naglakad-lakad ako. Kunyari walang nangyare. Kunyari hindi nasampal ng malupit. Habang naglalakad ako, may naapakan akong papel. Tsk tsk. Kaya bunabaha eh!
Itatpon ko na sana pero parang pamilyar yung picture. Hindi naman sa chismoso ako ha. Slight lang. So binuklat ko sya. And guess what? Picture namin ni Crystal.
Pero pano naman kaya to mapapadpad dito? Imposibleng nilipad ng hangin noh. Tska si Crystal lang nman ang meron nito ah! Teka. Di kaya...
Lumingon lingon ako sa paligid, nagbabakasakaling mkita ko nga sya.
End of Chapter 45